"Oi Renallie Santos, gising!"
Sino ba tong nanggising sakin at buong pangalan pa binigkas. Halos di ko pa makita yung nasa harapan ko at blurred pa.
"Ms. Santos may gana ka pa palang matulog sa klase ko."
Ano raw? Klase?
Anong pinagsasabi nitong nasa harapan ko?"Ha? Ah teka muna ha kakagising ko lang napasarap kasi ang tulog ko."
Ng unti unti ng malinaw ung paningin ko nagulat nlng ako sa nakita ko. Nilibot ko talaga ng tingin ang buong kwarto. At nasa.
Classroom ako!
What the heck is happening?!!!
Ano ginagawa ko dito? Paano ako napunta dito?
Tumingin sakin lahat ng estudyante at natatawa pa ang iba."Ms.Santos go to the front and answer my questions in the board!"
Napaigting nalang ako ng tumaas na ang boses ni mam. Gulong gulo na nga ako sinigawan pa ko nito.
"Oo na po. Sasagot na. Ang lapit lapit mo lang sakin makasigaw wagas."
At ng nagtawanan ang buong klase ng dahil sa sinabi ko kay mam. No choice ako at naglalakad nko papunta sa harap.Ngunit bigla nag flashback sakin ang memories sakin noong hayskul. At napatigil ako. Bigla sumakit ang ulo ko sa dami ng memorya na bumabalik sakin. Halos puputok na yata utak ko..
Sheet....
"Ano tutunganga ka lang jan Ms. Santos yan ang resulta sa kakatulog mo sa klase ko. Palibhasa mga lower section ang hihina ng utak."
Humarap ako sa klase at tiningnan ng masama si Mam bwisit. Isa pa tong matandang dalaga na teacher namin sa Math dumagdag pa sa sakit ng ulo ko. Naalala ko toh eh noon na tinapon ang mga activity book namin sa labas ng classroom.
"Una ang ayoko sa lahat ang ginising ako. Pangalawa ang minamaliit ako."
Kinuha ko ang chalk at sinagot ko ang lahat ng tanong sa blackboard. Aysus basic Algebra lang kung manlait samin mga lower section para na bang ang bobo na namin. At malakas talaga toh manglait ng mga estudyante. Wala kasi itong anak kaya laging beast mode yan.
"Ano pa mam ibigay mo na sakin lahat ng tanong mo upang hindi pa madamay ang buong section sa kabobohan ko. Kahit Pythagorean Theorem and Calculous itanong mo sakin at kahit mga Engineering Professor ipaharap mo na sakin para matigil mo na ang panlalait sa section namin."
Kung makasabi ng lower section eh nasa section 5 kami ang alam ko mga nasa 12 sections kami so wala pa kami sa kalahati at hindi pa matatawag na lower kaya nun.Galit na galit na si mam at parang nag momoist na ung eyeglass nya sa usok ng galit nya.
Lumakad si Mam papunta sakin while naka death glare look pa.
"Class dismissed."
At kinuha nya class record while nakatayo parin ako sa harap. Tahimik lang ang lahat habang tinitingnan sya palabas. At ng malayo na sya sa classroom namin.Biglang nagsigawan at nagtawanan ang buong klase.
Lumapit sakin ung mga kaklase ko at ang astig ko daw at ang tapang ko hinarap si mam. Ngunit sa dami ng sinasabi nila bigla nalang sumakit ang ulo ko at may naalala na naman ako. Ng dahil sa sobrang sakit at hindi ko na nakayanan at na black out na paningin ko.
YOU ARE READING
Love Waits For No One
AdventureIf you're given a chance to go back in the past would you rather change it or not. I'd rather not.. No matter how painful I experienced in the past I'd rather not to change it. It is better for me to stay on it's timeline. And because of my past thi...