Chapter 5

5 1 0
                                    

The new girl.

Lumipas ang apat na araw at matiwasay ang buhay ko nitong nakaraang mga araw . Pero apat na araw din sunod sunod na hindi umuulan. May el nino ba ngayon? ang init init ng panahon! Gosh hindi ko toh kaya mauubusan ako ng pasensya nito.

Nakita ko si Jodgie na nagkwentuhan sa isa kong kaklase. Pangalan nya ay Angelique at sya ang sinasabi ko na magiging type ni Jodgie. At nagulat ako sa pagmumukha ni Rose na bigla nagpop up sa harap ko.

"Hoy stalker ka teh."

"Gaga hindi kaya. Ayaw kasi tong maniwala si Jodgie na magkakatuluyan nya ang isang babaeng may anghel na pangalan at malaanghel na mukha."

"Kelan ka ba naging mambabarang este manghuhula abir."

"Narinig ko yung mambabarang saksakin ko yang bunganga mo."

Tawang tawa tong si Rose at halos makain na namin ang isat isa sa lakas ng paghalakhak namin. Minsan kasi sinasabayan ko ang mga biro at pangasar nya sakin. Namiss ko ang ganitong bonding namin na halos sumasakit na tyan namin sa kakatawa sa kung ano ano na ang katarantaduhan na iniisip namin.

"Oi ang saya nyu ha."
Singit ni Jonrey samin.

"Ice breaker ka." Sabi ko.

"Ha ano yun?"

"Search mo sa Google."

"Meaning isturbo ka." Sagot naman ni Rose.

"Kayo naman oh. Naiingit lang ako sa inyo ngayon kasi ang saya nyu while ako nagiisa lang sa upuan ko walang makausap."

"Aww kawawa mo naman Jonrey." Pangaasar ni Rose sa kanya.

"Pano napakabusy nitong si Jodgie may kausap na ibang babae. Hindi ka ba nagseselos jan Renallie?"

"Ha. Hindi noh bakit naman ako magseselos wala naman kami tapos wala naman akong gusto sa kanya noh. Hanggang friendzone lang kami. Nothing more nothing less."

Napakunot nuo naman tong si Junrey sakin.

"Weeh nagsisinguling ka lang pero deep inside may gusto ka sa kanya."

"Wala nga. Alam mo nasasayang lang ang laway ko sayo. Punta tayo ng canteen Rose bigla ako nagutom sa pagmumukha nito."

"Alam mo kay David lang kasi sya. Nothing more nothing less hahahahaha"

Tawang tawa lang si Rose samin at kinaladkad ko na sya palabas ng classroom.

Papunta kami ng canteen at sa pagbaba ko sa may corner na liliko na sana ako at may nakabanga ako. Nahulog tuloy sa sahig ang mga blueprints at documents ni sir.

Wait blueprint?
So may nanalo na ba sa bidding?
Sino?

"Ahm sir kayo po ba ang contractor na magtatayo ng bagong building dito sa school?"

"Ha. Ahm hindi ako miss...ako ang architect ni Principal Joel."

"Wow. Ang ganda po ng pagkakadetail sir . Pero pwede nyo naman po i fold ng tatlo ang blueprint para madali dalhin. Ma hassle pag ganito lang na naka roll."

"Ah ou nga eh kaso nagmamadali nako may meeting pa ko kay Principal Joel."

"Ay naku tulungan kita sir dalhin ito. Ako na magdadala ng iba mong blueprints."

"Ah sige salamat miss."

Tumulong na din si Rose sa pagbitbit ng mga blueprints. Tyaka na kami pupunta ng canteen tutal nawala ang gutom ko pero ewan ko nlang kay Rose.

"Anong mga pangalan ninyong dalawa at anong year na kayo?"

"Ah ako po si Rose at sya naman ay si Renallie."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Waits For No OneWhere stories live. Discover now