Maaga akong nagising at ako pa nga nagsaing kanina at nagluto ng ulam. Shock na shock pa nga si mama at paano ko ba daw ako matuto magluto ni kanin nga noon hindi ko pa magawa ng maayos.
Kung alam mo lang talaga ma nagself study akong magluto para incase na magkapamilya ako hindi ako malait ng ibang tao. Kabababaeng tao hindi ako marunong magluto. Aysus. Wait. Bakit ko ba iniisip na magkakapamilya na.
Ahh ou nga pala.
May jowa pala ako sa future.
Nah cancel nga muna yun sa isip ko hindi naman sa hindi ko mahal ang jowa ko pero ang priority ko muna ngayon ay ang makasama ko muna pamilya ko. At kahit mahal ako ng jowa ko feeling ko may kulang pa rin sa buhay ko. Kaya I'll make sure every minute o every second na andito pa ako sa bahay at kasama ko pa sila.
Pinagtimpla ko ng tsaa sila Lolo at Lola. I know ayaw nila ng tsaa kasi parang tubig na mainit at walang lasa pero nag improvise ako. Bawal sa kanila ang kape, chocolate o gatas kaya tsaa muna.
"Mmmm tsaa ba ito apo?" Nakatutuwa naman tingnan si lola.
"Opo lola masarap ho ba?" Sana nasarapan sya.
"Aba ou masarap! Matamis sya at ang bango ng amoy. Diba apo bawal ako sa asukal baka tataas ang sugar ko nito."
"Wala po akong nilagay na asukal lola ,dinagdagan ko lng ng kunting honey. "
Nagpatuloy na si lola sa paginum ng tsaa while ako naman naghahanda ng baon. Parang ayaw ko yata pumasok ng school gusto ko dito nlng ako sa bahay kasama sila Lola. Pero dapat papasok ako ng school dahil may exam ngayon. And good thing naalala ko pa ang mga tanong. Alam ko ang lahat ng sagot. Grabe. Paano ko naalala mga yun? Ability ko ba yun ng dahil sa pagbalik ko sa past? Ni password nga ng facebook ko makalimutan ko pa nga. Paano ko kaya naalala mga yun ng malinaw?
"Hoy nak malalate ka na bilisan mo na jan."
"Maaga pa naman ma, inadjust ko yang orasan kagabi ng 40mins."
At natawa ako sa reaction ni mama."Kaya pala inaantok pako ng makita ko ang oras ikaw bata ka ibalik mo yan sa ayos ang orasan. "
Hetong si mama ibang iba toh sa future inaadvance nya ang orasan para hindi sya malate sa work nya. Kaya no choice ako at inadjust ko nalng. Pero bigla sumakit ang ulo ko ng inayos ko ang orasan.
Memories flashing back.
"Napano ka jan?"
Bumalik ako sa ulirat ng magsalita si mama.
"Ah wala may naalala lang ako."
***
Fast forward andito nako sa school at ang tahimik pa. Mayamayay 30mins magmukha na itong merkado sa dami ng estudyante. Pagpasok ko ng classroom at voila! Ako ang nauna dumating!Ang ganda pala ng classroom ko pag walang tao pa. Napakapeaceful ng paligid at ang sunrise dito nakikita ko na. Nakakalungkot lang mayamayay magmukha na itong impyerno sa kakulitan ng mga kaklase ko.
YOU ARE READING
Love Waits For No One
PertualanganIf you're given a chance to go back in the past would you rather change it or not. I'd rather not.. No matter how painful I experienced in the past I'd rather not to change it. It is better for me to stay on it's timeline. And because of my past thi...