"Kyaaahh David!!"
Ang ingay.
Ang sarap lagyan ng medjas tong bunganga ni Rose. Kung pwede lang sana.
Pero hindi lang naman sya ang nagsisigaw dito pati na mga bakla na nasa harapan namin.
Nakakainis.
Hindi ako sanay sa ganitong kahyper na mga tao na nakikita ko.
Dun na nga muna ako sa gilid sa may bench ako uupo nakakapagod tumayo dito. Atleast dito walang mga taong sumisigaw parang masisira ang eardrums ko sa pwesto ko. Iniwan ko nalng si Rose dun sa harap tyaka kasama naman nya ang barkada namin.Ahh Barkada.
Kasama ba talaga ako sa barkada?
Feeling ko hindi.
Feeling ko parang out of place ako sa kanila. Kahit bumalik man ako sa nakaraan naaout of place pa rin ako. Wala naman akong reklamo sa kanila masaya nga sila kasama pero may times talaga na parang iba pa rin ako sa kanila.The more they get close to me the more I push them.
Ewan ko ba.
"Nagiisa ka yata dito."
Napatingin ako sa gilid ko.Si Jodgie.
"Ah ayoko lang sa maiingay na tao."
"Akala ko umuwi na kayo ng mga kaibigan mo para mag Dota."
"Ah hindi nako sumama nila Johrey. Nakakaubos ng pera ang Dota nagtitipid ako."
Tumango lang ako at wala nako maisip na sasabihin.
"Pumunta ka lang ba dito para samahan si Rose? O para makita ang banda?"
"Hmm pwede both? I mean gusto ko lang malaman kung anong klaseng genre ang banda nila David. Mala OPM band o alternative rock pala ang tinutogtog nila"
Natahimik sya bigla sa sagot ko.
May problema ba sa sagot ko?"Ikaw bat ka ba napunta dito? Himala yata at wala si Clarissa umaaligid sayo."
"Ah nakakapagod nga at sunod yun ng sunod sakin."
Natawa naman ako sa kanya. Kawawa naman sya at sya ang pinagdiskitahan ni Clarissa.
"Pagpasensyahan mo na kaklase natin kahit noon pa ganyan na talaga sya_"
"Ayyyyiieeeehh kayo ha may something na kayo."
Naputol ang sinabi ko ng sumingit sa gitna namin si Jenalyn at Joan mga kabarkada namin ni Rose at kaklase din namin.
"Ou nga. Kahapon sa mapeh sabay pa kayo dumating...ayyiieehh ikaw jodgie ha kakabago mo pa lng dito parang may pagtingin ka na kay Renallie."
Tong dalawang toh ang pasimuno sa asaran at ang sarap murahin upang tumigil na.
Aalis na nga lang ako sumasakit ang ulo ko dito ng dahil sa ingay.
Kaso bigla nalang may humawak sa braso ko.
At nagsimula kinilig sila Joan at Jenalyn sa ginawa ni Jodgie."Ahm sorry uuwi nako may importante pa pala akong bilhin sa mall."
"Sasamahan kita."
Nagulat ako dun.
Nakakainis lang tong reaction nila Joan at Jenalyn na parang mga baliw sa gilid. Agad akong bumitiw sa pagkahawak nya.
"Ahm ok lang hindi mo na_"
Napatigil ako bigla ng may narinig akong pamilyar na kanta.
🎶🎶🎶 Don't you ever wish
You were someone else
You were meant to be
The way you are exactly 🎶🎶🎶
YOU ARE READING
Love Waits For No One
AdventureIf you're given a chance to go back in the past would you rather change it or not. I'd rather not.. No matter how painful I experienced in the past I'd rather not to change it. It is better for me to stay on it's timeline. And because of my past thi...