Reasons Why Relationships End

1.2K 18 0
                                    

"Relationships end all the time for a variety of reasons. It is not enjoyable, but it's a part of life."-anonymous


1.Dahil sa kawalan ng oras sa isa't isa. Or let's say na mas nangingibabaw ang oras sa trabaho. Sa isang relasyon kasi, hindi lang dapat puro love. Kailangan din ng time para sa isa't isa para balanse ang takbo. Kagaya na lang sa konsepto ng accounting, kapag nagdebit ka ay dapat magcredit ka din. Para balance. Anong silbi ng pagiging mag-on ninyo kung mawawalan din naman pala kayo ng oras sa isa't isa. Alam ko namang kailangan niyong magtrabaho para sa pangangailangang pinansyal, ang sinasabi ko lang ay dapat kapag nasa relasyon kayo matutunan ninyong maglaan ng oras para sa isa't isa. Magdate date din kasi kayo pag may time.


2.Dahil incompatible kayo. Madalas kasi ang mga lalake napaka-sporty ng mga yan. Gustong-gustong maglaro ng basketball, soccer, at iba pang mga sports. Basta mga bagay na feeling nila napaka-thrill eh gagawin talaga nila. Yung mga babae naman, ang gusto ng mga yan magshopping buong magdamag, magselfie, lakad dito lakad doon, manood ng dramatic movies na siya namang ayaw na ayaw ng mga lalake. Kapag ganyan, dapat matuto kayong sabayan ang trip ng isa't isa kung ayaw ninyong magwakas ang inyong wagas na forever.


3.Dahil walang tiwala sa isa't isa. Nakita mo lang na may ibang kasama ang jowa mo hinayblood ka agad. Okay lang naman na magselos ka kasi mahal mo yung tao pero syempre hindi dapat umabot sa point na magkakasakitan kayo ng damdamin at magbre-break dahil sa selos. At ang sobrang pagseselos ay isang sign ng pagiging immaturity. Meaning, hindi pa ka pa handa na pumasok sa isang totoong relasyon dahil hindi mo kayang i-handle yang pagseselos mo na sobra na. Ang pinaka-importante talaga kapag nasa relasyon ka ay ang tiwala ninyo sa isa't isa. Pero syempre, hindi naman dapat aabot sa puntong nagiging tanga ka na. Lalong lalo na kung kitang-kita na ng mga mata mo ang ibidensya.


4.Dahil long distance ang relationship ninyo. Maraming gantong kaso. Yung relationship na magkaiba ang takbo ng oras ng mundong ginagalawan nila. Sa kaniya umaga. Sa'yo naman gabi. Minsan gigising ka pa ng madaling araw maka-usap mo lang siya. Minsan pag nagchat ka sa kaniya maghihintay ka pa ng mga ilang oras sa reply niya dahil tulog pa siya. Pero hindi ganun ang dahilan kung bakit madalas na ang pagiging long distance ng relasyon ninyo ang nagiging sanhi ng break up. Eto yun, mahirap ang long distance relationship lalo na kung maraming temtasyon sa paligid. At isang araw mababalitaan mo nalang na nakabuntis na pala yung boyfriend mo o nabuntis na pala yung girlfriend mo.


(SPG Warning alert...)


Pag-usapan natin ang tungkol sa mga lalake. Ang mga lalake kasi may mga pangangailangan yan at natural na yun. Kapag nilande ng malandi kakagat talaga yan. Tandaan, lalake yan. Kahinaan nila yun. Pero believe me, kapag ang lalake nagmahal ng totoo sa'yo kahit bumigay na yan, babalik at babalik pa rin sayo.


Sa mga babae naman, sa opinyon ko lang, mali kung gagawin mo din yun. Sasabihin mong okay lang yun kasi hindi naman niya malalaman. No. Kayong mga babae, kayo yung mas matapang kesa saming mga lalake. Halimbawa nito ay ang panganganak. Mas matapang kayo kasi nalalabanan niyo ang sakit mailuwal lamang ang anak niyo. Ganun din pagdating sa temptation. Alam ko na kaya niyong labanan ito dahil kayo ang mas matapang. (Wala akong pinapanigan at ito ay sariling opinyon ko lamang.) At isa pa, mga babae kayo eh. Dapat alam niyo kung paano respituhin ang sarili ninyo at ng sa ganon ay respituhin din kayo ng maayos.


Siguro ang masasabi ko na lang sa may mga long distance relationships ay magkaron na lang ng mas malalim pa na tiwala sa isa't isa at kung may nagawa man siyang pagkakamali na dulot ng temtasyon ay matuto kayong unawain ang isa't isa.


5.Dahil sa pagiging immature ninyo pagdating sa love. Nabanggit na sa #3. Kapag ikaw ay hindi pa nagro-grow up o nagmamature sa pag-ibig, hindi ka pa karapat-dapat na pumasok sa isang relasyon. Kapag immature ka pa at nasa isang relasyon na, madalas ang ending niyan ay maagang pagbre-break up. Kumbaga kasi yung mga emotions mo katulad pa din noong kinder ka pa kung saan lahat na lang ng gusto mong laruan ipapabili mo at kapag hindi ka binilhan magwa-wild ka ng bonggang bongga. Hindi ka pa marunong umunawa gamit ang tamang pag-iisip, hindi ka pa marunong gumawa ng sarili mong desisyon kung ano ba ang makabubuti, nagseselos ka kahit wala namang dapat ikaselos, nag-aaway kayo dahil sa napakataas mong pride at etc. Kailangan kasi, bago ka umapak sa relasyon matuto kang isaalang-alang ang kaligayahan ng ibang tao. Hindi lang yang sarili mo lang ang iniisip mo. Kailangan mo ring isipin kung ano ang mararamdaman ng ibang tao. Kailangan mo ring maintindihan na hindi sa lahat ng oras ikaw ang laging tama at nasusunod. Matuto kang ibaba ang mataas mong pride para sa mahal mo. Minsan, matuto ka ring mag-let go.


6.Dahil magkaiba kayo ng gusto. Halimbawa, siya gusto niyang patigilin ka sa pagtratrabaho at siya nalang ang magtratrabaho para buhayin ang pamilya niyo. Eh ang problema, kapag tumigil ka sa trabaho mo sobrang kulang naman yung sweldo niya pangtustos sa araw araw na bayarin. Tapos diyan na magsisimula ang pag-aaway ninyo dahil ayaw mong pumayag sa gusto niya kasi alam mong mas makatutulong kung magtratrabaho ka din. Kapag nangyari 'to, kailangan niyong mag-usap ng maayos hindi yung nag-aaway kayo. Ang pag-aaway hindi yan nakakatulong lumutas sa problema. Mas pinapalala pa niyan hanggang sa ang relasyon niyo ay tuluyan ng masira.


7.Dahil hindi kayo ang itinakda para sa isa't isa. Pagkatapos ng ligawan, sinagot mo na siya at naging kayo na. Nagdate kayo. Nagselos siya. Nag-away kayo. Sinuyo ka niya. Naging sweet kayo ulit sa isa't isa. Kasama niyong nalagpasan ang ilang mga trials sa relasyon niyo. Nang bigla mo nalang nalaman na half sister/half brother mo pala siya.


8. Ang pinakahuli at ang pinakarason kung bakit nagwawakas ang isang relasyon ay dahil may isang tao na siyang tunay na nakalaan para sayo. Huwag kang umiyak na para bang namatayan ka pagkatapos ng break up. Pwede kang umiyak pero hindi yung tipo na madedehydrate ka na. Tandaan, hindi dapat sinasayang ang oras sa mga taong pinadaan lang sa ating buhay. Imbes na puro ka nega at bitter pagkatapos ng break up, magpasalamat ka kay God dahil inilayo ka niya sa taong hindi naman karapat-dapat sa pagmamahal mo. Huwag kang malungkot. Maging positive sa pananaw sa buhay. Si God ang nagsusulat ng love story natin. Trust him. Pinaghiwalay niya kayo dahil may isang tao diyan na nakalaan para sayo. Hindi mo lang napapansin. Kasi busy ka sa pamumulot ng bato, samantalang yung ginto mismo nasa harap mo na. Hindi mo lang pinapansin.

That Thing Called "PAG-IBIG"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon