Madalas itong nangyayari. Yung close na close kayo noong mga bata pa kayo. Yung parang hindi na kayo mapaghiwalay. Lunch sa school magkasama kayo. Maging hanggang sa pag-uwi kayo pa rin ang magkasama.
Pero dumadating sa point na may nagbabago sa inyo. Sa pagiging magbestfriend ninyo. Lalo na kung lalake siya at babae ka. Or babae siya at lalake ka. Hindi naman masama na maging magbestfriend ang isang lalake at babae. Yun nga lang dumadating sa point na yung lalake magkakaron ng girlfriend, tapos si babae magkakaron ng boyfriend.
Minsan narealize mo din ba sa sarili mo na nagkakagusto ka na sa bestfriend mo na lagi mong kasama? Yung bestfriend mo na laging nandyan sa tabi mo pag may problema ka? Yung bestfriend mo na kasakasama mo sa pinakamalungkot at pinakamasayang bahagi ng buhay mo?
Pero alam mong mali na mahalin siya kasi sinasabi ng utak mo na 'Hindi ka niya mamahalin dahil hanggang matalik na kaibigan lang talaga ang turing niya sayo'. Alam mong mali na mahalin siya dahil alam mo sa sarili mo na kapag ginawa mo yun, maaaring masira ang friendship ninyo.
Sa kabilang dako naman, may nagsasabi sayong 'Paano kung mahal ka din pala niya? Sasayangin mo ba yung pagkakataon para sabihing mahal mo siya? Sasayangin mo ba ang pagkakataon na makasama siya hanggang sa pagtanda?'
Dumating sa point na sinubukan mong iparamdam sa kaniya na higit pa sa pagiging magkaibigan ang nararamdaman mo sa kaniya pero ang manhid manhid niya. Hanggang sa nalaman mo nalang na may Girlfriend/Boyfriend na pala siya. At nawawalan na rin siya ng time sayo na bestfriend niya. Ang sakit sakit isipin na nawalan na siya ng time para sa pagkakaibigan ninyo.
Sinabi mo nalang sa sarili mo na mas okay na yung ganun. Pipilitin mo nalang yung sarili mo na maging masaya para sa kaniya. Gabi-gabi ka nalang iiyak habang iniisip kung ano kaya kapag ikaw yung kasama niya ngayon. Ano kaya kung mismong mga kamay mo ang hawak hawak niya ngayon. Ano kaya kung ikaw ang kasama niya sa mga oras na to. Siguro ikaw na yung pinakamasayang tao sa mundo. Yung bestfriend mo, mahal mo. Yung bestfriend mo, mahal na mahal ka.
Pero pipilitin mo nalang na itago ang sakit sa likod ng iyong magagandang mga ngiti. Pipilitin mo nalang na huwag tumulo ang mga luha mo kapag kaharap siya. Pipilitin mo nalang maging masaya para sa kaniya. Para sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/11443190-288-k470505.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "PAG-IBIG"
No FicciónTHAT THING CALLED "PAG-IBIG". Lahat ng mga nakasulat dito ay puro tungkol sa pag-ibig. Love Tips, Love Advices. Short Love Stories, Thoughts About Love, and etc. na may kinalaman tungkol sa pag-ibig. Ang librong ito ay para sa mga taong inlove, nasa...