CHEATING SIGNS: Mga Signs na Niloloko Ka na Niya

2.8K 10 1
                                    


SIGNS OF CHEATING

Nag-aalinlangan ka ba sa kalagayan ng relasyon niyo ng boyfriend o girlfriend mo? Meron bang kakaiba sa mga kinikilos niya? Pakiramdam mo ba ay parang hindi na siya ang taong mahal mo? Feeling mo ba niloloko niya? Narito ang ilang gabay at signs para malaman kung ang jowa mo ay minamahal ka pa o niloloko ka na pala. #IwasLoko

1. Yung cellphone, naka-airplane mode. Lagi mo bang napapansin na sa tuwing magkasama kayong dalawa eh naka-airplane mode lagi ang cellphone niya? Dalawa lang naman ang meaning nun, pwedeng ayaw niyang may mang-istorbo habang magkasama kayo ng boyfriend/girlfriend mo, o kaya naman naka-airplane mode kase baka may magtext bigla. (Alam niyo na yun.)

2. Yung laging dala ang kaniyang cellphone. Lagi niya bang bitbit ang kaniyang cellphone kahit saan siya magpunta? Yung tipong kahit maliligo siya ayaw niyang iwanan yung cellphone? Well, obviously may tinatago nga siya.

3. Yung nagagalit siya kapag binuksan ang cellphone niya. Nagagalit ba siya everytime na pinakialaman mo ang cellphone niya nang hindi nagpapaalam sa kaniya? Grabe ba ang reaksyon niya? Pag ganito na ang sitwasyon, may tinatago na yan sayo.

4. Yung galit ka tapos mas galit pa talaga siya sa'yo. Everytime ba na nag-aaway kayo mas galit pa talaga siya kahit siya naman yung may kasalanan? Tapos lagi niyang sinasabi na maghiwalay nalang kayo. Naku, iwanan mo na yan dahil doon din ang punta niyo patatagalin mo pa ba?

5. Yung madami siyang rason kung bakit hindi kayo pwedeng magkita. Natry mo na bang magset ng araw para sa romantic date ninyo pero nung sinabi mo na sa kaniya eh hindi siya payag. Madami siyang rason. Kesyo busy siya sa work, may tatapusin pa siya, mga ganun. Sa ibang araw na lang daw. Nako, ang sabihin niya may iba lang siyang kalandian sa araw nay un!

6. Yung bigla nalang siyang naging moody. Yung okay naman siya noong una kayong maging magjowa. Ang sweet sweet niya sa'yo. Pero kinalaunan bigla siyang naging moody. Yung tipo na hindi mo na makilala ugali niya kasi hindi na tulad ng dati. Ngayon ang sweet niya, tapos bigla nalang siyang nag-iiba.

7. Yung bigla ka nalang binigyan ng mga regalo. Bigla ka nalang ba niyang binigyan ng regalo? Nasurprise ka ba? Ang sweet diba? Lalo na kapag hindi niya talaga yun ginagawa sa'yo. Pagbinigyan ka ng kung ano ano na alam mong hindi niya naman usually ginagawa, hindi yun sweet. Huwag kang kiligin. Kabahan ka! May kasalanan yan. Binibigyan ka lang ng gifts para hindi siya maguilty!

8. Yung matagal siyang magreply. Naranasan mo na bang magtext sa kaniya tapos antagal niyang magreply? Lilipas pa talaga ang isang oras bago siya makareply sa text mo. Ang sipag sipag mong maghintay. Tapos yung rason niya kung bakit matagal siyang magreply ay dahil daw lowbat siya. O di naman kaya eh wala daw signal. Saang bundok ba siya galing at walang signal? Niloloko ka na niyan! May kasama yan at ayaw lang paistorbo!

That Thing Called "PAG-IBIG"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon