Gabi na nong papauwi na ko galing sa OJT ko. Pero naisipan ko munang dumaan sa simbahan. Tapos dumaan ng SM bumili lang ng makakain kasi gutom. (Nakakapagod kayang mag-OJT.) Pagkalabas ko ng SM, nag-abang na ako ng jeep na masasakyan pauwi. But while I patiently wait, nabwebwesit ako sa mga magjowa na dumadaan sa harap ko. May pa-kiss kiss pa sila, eh maghihiwalay din naman. JOKE!
Ilang jeep na yung dumaan pero laging puno. Gabi na tsaka naiinip na ko at naaasar sa kakahintay. Hanggang sa may huminto na jeep sa harap ko, sasakay na sana ako nang biglang umalis agad yung jeep. (Patay malisya nalang ako) Tapos yung isa naman biglang napuno ng pasahero. So ayun, hopelessly waiting ulit ako. Pero ganun talaga, kailangang maghintay.
Parang sa love. Katulad din naman yan sa paghihintay ng jeep. Minsan dadating ng mabilis makakasakay ka agad. Pero minsan din naman matagal dumating kaya matuto ka dapat maghintay.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "PAG-IBIG"
Kurgu OlmayanTHAT THING CALLED "PAG-IBIG". Lahat ng mga nakasulat dito ay puro tungkol sa pag-ibig. Love Tips, Love Advices. Short Love Stories, Thoughts About Love, and etc. na may kinalaman tungkol sa pag-ibig. Ang librong ito ay para sa mga taong inlove, nasa...