Bakit may mga BASHERS?

249 1 2
                                    

BASA MUNA, BAGO REACT ♥

Bakit may mga BASHERS?

BASHERS o kilala din sa tawag na kumpareng 'HATERS'. Sila 'yung mga taong walang kakwenta kwentang nagco-comment sa post mo. Sila 'yung magagaling magtrash talks at kung anu't-ano pang mga negative things ang ico-comment nila, gaya ng panglalait sa'yo, sa mga magulang mo, sa kapatid, kapitbahay, kaaway, klasmeyt kahit pa ang kanuno-nunuan mo madadamay para lang bwisitin ang araw mo. 

Sa ganyang paraan naten mai-de-define ang mga bashers, pero, kung papaganahin natin ang laman ng mga kokote naten, may malalim na dahilan kung bakit nila 'yun ginagawa.

Una, sila 'yung taong nakaranas na din ng CYBER BULLYING. Kung tinatanong mo kung ano ang CYBER BULLYING, sa ibang araw na naten 'yun pag-usapan (baka maubusan ako ng topic e). Ginagawa nila sa iba ang naranasan o nararanasan nila just to make themselves feel better. Para patunayan na... hindi pa sila ang HULI... na may mas worst pa sa kanila sa sambayanang Pilipino.

Pangalawa, hindi naman talaga sila Insecure sa atin (wooh! feeling may basher ako hihihi). Sila 'yung mga proofs na WE CAN'T PLEASE EVERYONE. Sila 'yung na-o-OA-yan sa mga ginagawa natin. Sila ang kontrabida ng buhay ng mga sikat ha ha ha.

At isa sa hindi alam ng marami, ang BASHERS ay kadalasang IMAGINARY FRIEND ng mga taong naghahanap ng atensyon. Magpo-post sila na may nang-aaway sa kanila para makahanap ng atensyon ng iba. 

Kawawa ba sila? Hindi! Nakakabilib sila sa kakayahan nilang maghandle ng mga negative vibes sa katawan nila sa pang-aasar ng iba. At, nakakabilib din sila sa kakayahang mag-exist sa mundong 'to kahit hindi sila kadalasang totoo.

BASHER KA BA? O MARAMING BASHER?

---SPREAD LOVE MGA KABABAYAN---

FUN FACTS ABOUT FB WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon