Gusto mo ba ng TRENDING POSTS?

166 2 0
                                    

BASA MUNA, BAGO REACT ♥

"What's on your mind?" "How is it going?"

Familiar 'yan sa'yo. Eh, 'yan ba naman ang unang bati sayo ni Pareng Facebook tuwing i-o-open mo ang pinaka-dearest mong account. D'yan mo nilalagay kung anu'ng mga bagay ang gusto mong i-share sa madlang people. Maging happy moments man yan, o panggugulpi ng magulang. Pang-aagaw ni bestfriend ng lollipops o panloloko ni jowakles.

TRENDING POSTS ang tawag sa mga topic na may maraming 'likes' at 'comments'. May ibang mga posts na umaabot ng 4K sa comments at thousands of likes. Meron ding parang 'clapper' lang sa entablado ng networking site. 

Gusto mo bang magkaroon ng TRENDING POSTS. Well, kung OO ang sagot mo, may mga tips ako para d'yan pero, kung hindi naman... WALA AKONG PAKELAM SA NARARAMDAMAN MO (hihihi)

Una, sikat na sikat ang term na "Snobbers" or "Snobers" (depende ang spelling sa kakayanan mong gumamit ng suffix na -ERS kahit sa katotohanan ay wala namang ganu'ng term hahaha). Ito ang mga examples... "Dami naman snob" "Hi sa mga Snobbers (Snobers)" "Good morning, bago lang puh... wag snob". 'Pag gan'yan ang post mo, maraming magco-comment para magmukha naman silang mabait.

Pangalawa, kakambal ni Snob si "SINGLE HERE". Kapag nagpost ka ng picture mo na kita na ang kaluluwa or di naman kaya ay mukhang mukha at sabayan pa ng "Single na naman" na caption. For sure, dudumugin ka ng madlang people na kadalasang...

"niloko ng gf/bf" at papatunayan nang buwis buhay ang mga sarili nila na hindi sila manloloko. 

Higit sa lahat ay ang pinakamabiling topic sa lahat. ANG SEX. Kinabog ang sex education ng mga tanong na mag-iiwan sa inyo ng katanungang..."ganun pala 'yun?"

at maging ang "TAMA BANG ITANONG 'YUN?" Ilan lang sa mga nabasa ko ay ang posts na "Anu'ng mas masarap gawen? Araw-araw sex o Araw-araw gala?" 

Gusto kong tumayo sa kinauupuan ko at palakpakan s'ya kaya lang lumaki naman akong may hiya pa sa sarili. Magandang pag-usapan ang huling nabanggit kung bibigyang diin lang ang mga bagay na mas mahalagang malaman kesa sa puro TAWAG ng LAMAN. 

Marami pa ang tips para sa trending posts. Ilan lamang 'yan sa mga dapat mabanggit. Wala munang punch line. Mag-iiwan muna ko ng "WISDOM" para sa inyo mga kababayan.

"KUNG ALAM MO LANG GAMITIN NG TAMA ANG KAKAYAHAN MONG MAGSALITA...

MALAMANG SA MALAMANG, MAY MAGAGAWA KANG TAMA."

---SPREAD LOVE MGA KABABAYAN---

FUN FACTS ABOUT FB WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon