Baket kailangan ng mga FOLLOWERS?

54 0 0
                                    

BASA MUNA, BAGO REACT ♥

TOPIC OF THE DAY: Baket kailangan ng mga FOLLOWERS?

Hindi na lang si Kumareng TWITTER ang merong mga FOLLOWERS sa mga panahon ngayon, dahil pati si Pareng FACEBOOK, ayaw na rin magpakabog. Isa sa pinakabagong FEATURE na inilabas ng Facebook nu'ng nakaraang taon ay ang FOLLOW button para sa tinatawag na INNOVATIVE STRATEGY. Ito ay isang paraan para hindi pagsawaan ang mga ACCOUNTS at hindi abutin ang malungkot na sinapit ng KAPITBAHAY nilang si FRIENDSTER, na ngayon ay abala na lang sa PAGPAPALARO ng mga ONLINE GAMES.

Maraming FOLLOWERS talaga ang kailangan ng isang taga-SHOWBIZ na tulad ko (WOW, ANG KAPAL!) para maipaabot ang mga susunod na projects nito, gaya ng mga CONCERTS, SEMI-CONCERTS, CHARITY CONCERTS, MALL TOUR, TELESERYES AT LALUNG-LALO NA ANG MGA MOVIES. Hindi ko man alam ang pagkakaiba ng unang tatlong nabanggit, alam ko na kasali sila dapat sa listahan. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan ng isang normal na mamamayan ang maraming followers. Isang bagay na pagkakaabalahan nilang paramihin kahit pa nga hindi nila ito ikakayaman. 

Isang bagay ang nalaman ko pagdating sa issue ng 'FOLLOW ME AND I'LL FOLLOW YOU BACK'. Ginagawa nila ito para magmukha silang kasing "SIKAT" ng mga artista at isang bagay na pwede nilang ituring na ACHIEVEMENT. Sa dahilang nahihirapan silang gawin 'yun sa REALIDAD. Ang maging FAMOUS. Sila 'yung mga klase ng tao na maraming bagay ang gustong patunayan sa lahat kahit pa ang kinalalabasan ay ang mga bagay na gusto nilang patunayan sa IBA ay para lang pala sa mga SARILI nila.

Sa kabilang banda, nakakatuwang isipin na may mga taong willing mag-abala para sa mga sarili nila kahit pa nga walang kasiguraduhan kung magbubunga nga ito. SINUSUGAL nila ang bawat segundo, minuto at oras nila para makakalap ng mga taong maihahatid sa FOLLOWERS TAB. Kahit pa ang mga taong gusto silang maging 'FRIEND' ay inilalagay nila sa koleksyon ng FOLLOWERS sa simpleng pag-CLICK ng NOT NOW button.

Hindi mo kailangan maging sikat para mapatunayan mo ang halaga mo sa lugar na tinatawag mong MUNDO. Kung hahayaan mo ang sarili mong maging TOTOO, baka sakali pang may mga bagay na MAGBAGO.

---SPREAD LOVE MGA KABABAYAN---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FUN FACTS ABOUT FB WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon