BASA MUNA, BAGO REACT ♥
Higit sa pa sa mga pagnanakaw ng pictures ng mga artista o sikat na tao sa FACEBOOK ang pagkasulpot ng mga poser accounts.
Una, para itago ang sariling identity para makapang-bully ng mga hindi nila gustong tao. Takot silang harapin ang mga ito ng sarili nilang pagmumukha dahil baka ma-hack ang mga pinakamamahal nilang fb accounts.
Pangalawa, para makalikom ng 'LIKES' at 'FOLLOWERS' na hindi ko din maintindihan kung para saan at kailangang kailangan nila.
Higit sa lahat, naghahanap sila ng tinatawag na 'SENSE OF BELONGING'.
Sabi nga ng isa kong 'kababayan', marahil (wews, lalim!) hindi nila mai-express ang mga sarili nila sa real life kaya ginagamit nila ang mga poser account nila para mailabas ang mga saloobin (konti na lang malulunod na ko!) nila. Gaya ng?
Gaya ng pagiging FLIRT. Panliligaw. Pagpapaligaw, etc.
Sila 'yung mga taong may konting kaibigan. Sila 'yung mga taong walang makausap.
Sila 'yung naghahanap ng maraming kaibigan. Sila 'yung mga taong hindi mo maitindihan pero kailangan mong intindihin.
Psychologically Illed kaya sila? Hindi ko alam ang sagot, hindi po ko Psychiatrist.
Mental Illed Kaya? Hindi KO NGA PO ALAM.
Isa lang ang alam ko, laging may dahilan ang mga bagay bagay sa paligid mo.
---SPREAD LOVE MGA KABABAYAN---
BINABASA MO ANG
FUN FACTS ABOUT FB WORLD
Teen FictionSa paggala ko sa iba't ibang GROUPS, PAGES at TIMELINE sa FB WORLD, Marami akong bagay na nadiskubre. Mga bagay na nakagawian ng gawin ng mga tao. Hayaan n'yong ma-i-Share ko sa inyo mga KABABAYAN ang aking mga nalaman :)