BAKET PA KAILANGAN NG BREAK UP? --- Mabentang topic sa FB

110 2 0
                                    

BASA MUNA, BAGO REACT ♥

Usong-uso sa panahon ngayon ang hiwalayan. Hindi ko alam kung dulot ito ng nalalapit na tag-init o 'summer season' para sa mga "English-ERS". Tapos na din daw kase ang -Ber months kung saan kasagsagang malamig ang panahon at kailangan ng kayakap. Tapos na din naman ang Heart Month kaya hindi na kailangan ng maipapakilalang bf/gf sa mga tropa para mapatunayan na hindi sila member ng SINGLES. Ilan lang 'yan sa mga mabababaw na dahilan kung bakit nakikipaghiwalay ang isang tao.

"There's always a GOODBYE in a good HELLO" 'Yan ang sabi ng isang quote na nabasa ko sa isang essay ng kababayan ko nu'ng hayskul. 

Alam kong inip na inip ka na sa kakabasa ng mga segways ko at hinihintay mo na ang sagot sa TOPIC OF THE DAY. 

Ang dahilan kung bakit kailangan ng BREAK UP ay hindi para saktan ang isang tao na nanloko sa'yo. Hindi din para magparaya, at lalong hindi para maging BITTER o AMPALAY-ERS buong buhay mo. 

Ang BREAK UP ay para MAHALIN MO ANG SARILI MO. Para 'yun bigyan mo naman ng HALAGA 'yung sarili mo pagkatapos kang ituring na walang kwenta ng isang taong pinahalagahan mo.

TANDAAN MO, masakit na maiwan pero kahit gaano pa man ito kasakit, ito ang dapat at tama mong gawin. Ang isang relasyon ay parang buhul-buhol na sinulid... kapag hindi mo na kayang ayusin kailangan ng PUTULIN. At, kung hindi ka man ganu'n kasaya ngayon... tandaan mo (Ulet!) hindi pa din ganu'n kasaya ang taong nakalaan sa'yo dahil WALA KA PA.

---SPREAD LOVE MGA KABABAYAN---

FUN FACTS ABOUT FB WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon