Nakasakay siya ngayon sa parehong tour bus na sinakayan nila papunta sa pier ng barko na kung saan ay sasakay sila papunta sa lugar na tinaguriang Queen City of the South. Tulad rin ng dati ay nakaupo parin siya sa parehong upuan din. At katabi parin niya ang parehong tao rin na katabi niya noon. Natutulog ito. Alam niya. lahat naman kasi halos ng sakay ng bus na iyon ay tulog dahil sa sobrang pagod nila sa biyahe. Tulad ng dati, suot parin nito ang bonnet niya na bumagay naman talaga sa kanya. Ginawa niya lahat ng paraan para masulyapan ang natutulog niyang katabi. Nagkukunwari siyang may tinitingnan sa kanan niya para masulyapan lang ito. Kasabay nun ay napabulong siya sa sarili niya.
"Pwede ko bang pagsawaang titigan ang mukha mo habang natutulog ka?"
Saka siya napangiti at kasabay nun ang isang buntong-hininga. At napatingin nalang siya sa labas ng bintana nung bus. Minamasdan ang magagandang tanawin na nadadaanan nila.
BINABASA MO ANG
Stranger On My Side
ChickLitIts all begun with a ride - bus ride to be exact and end also in a bus ride. (An excerpt from a colorful true to life lovelifestory.) Copyright date: May 13, 2015 Story Completed: August 04, 2015 @ 12:45 a.m.