Final Ride

34 1 1
                                    

Bago mag mall ay pinag-lunch na muna yung mga estudyante. At gayun na lamang ang tuwa nila ng e announce na after lunch ay bibisita muna sila sa Taoist Temple. Sabi nung baklang tour guide nila na hindi raw kumpleto ang pagpunta mo ng Cebu City kung hindi mo mapupuntahan ang Taoist Temple na iyon. Kaya hindi daw makakapayag yung tour guide nila na hindi sila pumunta doon. Kaya naman sa sobrang excited nung mga estudyante ay ambibilis ng mga ito na lumamon. 

After lunch nga ay inakyat na nila yung Beverly Hills, Cebu. Of course, sakay sila sa tour bus nila. Hindi naman nila yun mararating agad kung naglakad sila paakyat. Pagdating sa tuktok ay tumambad sa harapan nila ang magandang at malapad na gate ng temple na iyon. Maluluha na yata nun sa saya si Saira. Kasi naman, sa tv at sa net niya lang iyon nakikita dati tapos ngayon ay nasa harapan na niya. Yung iba ay nilibot ang kabuuan ng temple habang si Saira ay hindi nagkaroon ng chance na magawa yun. Kasi naman pumila siya para makapasok dun sa temple talaga. Yung kung saan dun nagdadasal at nagwi-wish ang mga Chinese. Nanghinayang talaga siya sa pagkakataon na iyon pero okay lang kasi naranasan naman niya mag-pray dun sa loob.

Pagtapos ay dumeritso na sila sa SM City Cebu.

Mr. Kendo: Okay, students. Dapat andito na kayo sa sasakyan before 4 or exactly 4:00 p.m. Okay? Kasi 5 yung saka niyo sa barko. Magta-travel pa tayo kaya dapat ay andito na kayo sa oras na sinabi ko.

Students: Yes, sir!

At nagkukumahog na ang mga ito na bumaba. 

Saira: Bebe Jalyn, Bebe Jonah, samahan niyo muna akong maghanap ng t-shirt na may print na I Love Cebu, please? 

Nagmamadali sila nun na maglakad. Kasi nga 2 p.m na at dapat 4 ay nasa sasakyan na sila. 

Jonah: Bakit ba kasi hindi ka na nun bumili sa shopping center?

Saira: Kasi naman, ayaw ko sanang bumili eh. Kaso may isang tao na kulit ng kulit sa akin na t-shirt lang daw yung ipasalubong ko. 

Jalyn: Wow! Sosyal naman ng taong yan. Paimportante. Manghihingi na nga lang ng pasalubong, mag dedemand pa.

Saira: Kaya nga eh. Nakakainis. Kaya wag niyo na akong sisihin na kung bakit di ako bumili. Naiinis na ako eh. 

Nagmamadali naman silang maglakad nun. Ang dami pa kasi nilang dapat puntahan. Bibili pa sila ng doll shoes ni Jonah tapos maghahanap pa ng t-shirt. Then, bibili pa sila ng pagkain nila para sa biyahe tapos request pa si Jonah na bumili sila ng Jollibee. Mauubos yung oras nila na hindi nila na-enjoy yung pamamasyal sa mall. 

After nilang bumili ng mga kailangan nila ay nagkita-kita silang mag classmate sa Jollibee. Andun rin pala ang iba. Pagtingin nila sa relo nila ay quarter to 4 na. Kung kaya naman ay nagkukumahog na silang makalabas. Unfortunately, hindi nila malaman kung saan sila lalabas. Hindi nila matandaan kung saan sila pumasok kanina. Merong bababa sila, merong aakyat na naman. Natataranta na sila kasi sabi nga na iiwan sila ng bus at mapipilitan silang mag taxi papuntang pier. Taranta na taranta na sila sa lagay na iyon pero nakuha parin nilang mag-selfie. 

Leah: Guys, text niyo yung ibang classmate natin kung nasan na sila?

Kakasabi lang nun ni Leah ng maka-recieve ng text si Sairah mula kay Jayson.

Jayson: Guys, wer na kau? Dito na us. Kau nalang hinihintay.

Sairah: Oh em gee! Tayo nalang daw ang hininintay guys--

Hindi pa man natapos ang sasabihin ay sunud-sunod ang pag beep ng message tone niya.

Jayson: Wer na kau? Magmadali na daw kayo.

Jayphine: Labs, san kau?

Nag reply naman si Sairah. Tinanong niya kung aalis na ba. Oo naman yung isinagot ni Jayson. Kung kaya ay hindi na nila malaman ang gagawin. Sa Exit 2 sila lumabas at lakad-takbo ang ginagawa nila. Nahuhuli naman si Sairah kasi nga nahihirapan siyang tumakbo dahil baka matapon yung coke na bitbit niya na binili nga nila sa Jollibee.

Stranger On My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon