Ride 1

123 4 2
                                    

Location: Computer Laboratory 2


Mr. Kendo: Okay, andito na ba lahat?

Class: Yes sir!

Mr. Kendo: 'kay. Magbibigay na ako ng mga instructions, do's and don'ts for the trip tsaka ipapaalam ko narin sa inyo yung mga itineraries for the trip . Sa nasabi na, you are scheduled to travel next week, Sunday. Alam niyo na naman kung saan yung educational tour this year?

Class: Cebu City! (Sabay palakpakan at hiyawan.)

Mr. Kendo: Yes. Mula dito ay sasakay kayo ng tour bus by section papunta sa pier. There were three buses na h-in-ire ng school. Dapat nine o'clock in the morning ay nandito na kayo sa school kasi aalis ang bus ng nine-thirty. Then, pagdating sa pier wala na kayong poproblemahin kasi kasama na sa registration fee niyo yung pamasahe sa barko. Faculty na ang bahala sa pagkuha ng tickets ninyo. Pagdating sa Cebu ay tutuloy kayo sa Regency Hotel for your accommodation. You will be group consisting of four student's in every group. Kung sino yung ka group niyo ay sila ang makakasama niyo sa room. Of course boys to boys and girls to girls. Clear?

Class: Crystal clear!

Mr. Kendo: Wala na kayong poproblemahin sa sasakyan kasi kasama na siya sa package pati na meals ninyo. You just have to prepared your pocket moneys kasi bibigyan kayo ng time para magliwaliw at mag-shopping for pasalubongs or whatever. Okay. Here are the list of the itineraries na pupuntahan ninyo sa Cebu. Ipa-photocopy niyo nalang para may copy ang bawat isa.


Yun lang. At lumabas na siya ng computer lab. Naiwan naman ang mga estudyante niya na hindi na magkamayaw sa pag chismis sa pagiging excited. Yung iba kasi sa kanila ay never pang nakarating sa lugar na tinaguriang Queen City of the South. Kaya naman, ganun nalang ang kanilang galak.


Saira: WOAH! My goodness! Guys! Take a look at this! (Sabi nito na noo'y nakaharap sa kanyang computer)


Agad namang nagsilapitan ang mga classmates niya sa kanya.


Jayphine: Wow! Ano yan, labs? (Ito yung tawagan nilang dalawa.)

Saira: Crown Regency Hotel Cebu! (Parang kumikinang pa ang mata nito habang sinasabi sa kaibigan kung ano yun.)

Jayphine: It means.. dyan tayo tutuloy?!

Saira: Absolutely! Woaah.. I'm so excited na! Look! A forty-storey building. Then meron silang mga amusement facility which includes a roller coaster that runs around the edge of the building, and they also provide a stroll around the edge of the building with the protection of safety harnesses, there is also an elevator that takes you from 18th floor (Sky Lobby) all the way to the 38th floor giving a great view of Barangay Capitol Site, Cebu City! (Basa nito sa google.)


Sabay naman silang napahiyaw ni Jayphine.


Saira: O diba' ang ganda-ganda. Tapos ang gaganda ng mga rooms nila!

Jayphine: Then may pool pa sila!

Leah: Speaking of pool, na mention nga ni sir Honor nung last time na we should have to bring our swimming outfit dahil magna-night swimming daw tayoooo! (Napahiyaw narin ito.)

Amy: O my gosh! Hindi ko maimagine ang sarili ko na magsusuot ng bathing suit. Hahaha.

Saira: Ehem! Eh lalo naman ako. Hindi ko ma drawing sa isip ko yung kung anong itsura ko! Ahahaha. Ano ba yan! Pag nagkataon.. It's my frist time to wear a bathing suit! Yay! Kakahiya! Hahaha.

Stranger On My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon