Pagkarating na pagkarating nila sa pantalan ng barko ay kanya-kanya na ang mga estudyante. Gutom at pagod na ang mga ito. Kaya naman pag-akyat nila sa barko ay pagkain na agad ang inatupag nila. Kanya-kanya ng puwesto. Merong nasa mga deck lang, merong tambay sa dining area, meron din namang hindi magkamayaw sa picture taking. Tambay naman sina Saira dun sa dining area. Nasa labas lang naman kasi ito naka-puwesto, parang terrace ng barko. Kaya naman mas enjoy mag tambay doon kasi mag-eenjoy ka sa mga makikita mo. Dagdag pa ang paglubog ng araw at ang sea breeze kaya nakakagaan sa pakiramdam. Nagtatawanan nun sina Saira. Nang bigla itong mapalingon sa kung saan kasi yung feeling na parang may nakatingin sa kanya. At iyon nga, nakita niya yung pamilyar na mukhang iyon. Napatitig lang siya dito at siya naman ang unang nagbawi ng tingin. Nahihiya siya na hindi niya malaman. Parang gusto niyang mapangiti na ewan.
Pagdating nila sa Cebu ay kasama parin nina Saira sa group nila si Mr. Stranger. May dalawang tour bus kasi at pareho silang belong sa isang tour bus. Ikinasiya naman yun ni Saira. Syempre hindi mawawala sa tingin niya si Mr. Stranger na hanggang sa mga oras na iyon ay di parin niya alam ang pangalan.
Sa ilang araw nila sa Cebu ay masyado naman nila iyong na-enjoy. Nagkaroon sila ng chance na mapuntahan yung Mactan, Island, San Pedro Calungsod Chapel, Basilica del Sto. Nino at Magellan's Cross. Pagkagaling sa Basilica del Sto. Nino ay nagtungo na sila sa shopping center para mamili ng pasalubong. Maraming company rin ang pinuntahan nila. Nakapunta rin sila sa isang animation school at sa San Carlos University na isang kilalang university sa Cebu. Dalawang beses silang nakapunta sa IT Park kasi binisita nila ang KYOCERA at Convergys.
Hindi mapakali si Saira sa kasi hindi siya kumportable sa pagkakaupo niya. Crowded sila in one room kasi nagsabay yung twwo groups sa pagbisita sa Convergys. Yung iba ay pinalad na makaupo sa upuan. Yung iba naman ay nakasalampak lang sa carpeted floor ng AV Room ng company na iyon. Lingon ng lingon naman si Saira, may isang mukha lang siyang gustong makita nun. Umusod pa siya ng umusod na may mabunggo siya sa likuran niya.
Saira: Ay! Sorry.
Sabay lingon dito. Doon lang niya napagtanto na lalake pala yung nasa likuran niya. Na-conscious naman agad siya sa pagkakaupo kasi baka heaven na iyong makita sa likuran niya, low-waisted kasi yung jeans na suot niya.
Saira: Sorry, ulit.
Lalake: Okay lang. Si Miss Ganda naman pala yung nakabunggo sakin.
Napangiti nalang si Saira sa lalake at itinuloy ang paghahanap dun sa mukhang gustong-gusto niyang makita.
Lalake: Okay ka lang? Nahihirapan ka ba sa pagkakaupo mo?
Saira: Ha? Ah.. eh, lahat naman ata na nakaupo dito sa carpeted floor nato eh nahihirapan.
Lalake: Wait lang.
At binalingan nito ang mga kasama na nakaupo sa ilang upuan sa likuran nila. Ewan, kinausap yata nito na makipag-share ng upuan sa kanya. Wala ng pakialam nun si Saira. Gusto lang naman niya ay makita si Mr. Stranger. Disturbo kasi yung lalakeng iyon na nabunggo niya kaya di siya makapag-concentrate sa paghahanap niya. Kaya lang sa kasamaang palad ay di parin siya makapag-concentrate kasi yung lalakeng noon ay nakaupo na sa upuan ay pinaglalaruan ata yung buhok niya. Naiinis naman siya sa isiping iyon.
Lalake: Ang ganda naman nung buhok mo. Hihi.
BINABASA MO ANG
Stranger On My Side
ChickLitIts all begun with a ride - bus ride to be exact and end also in a bus ride. (An excerpt from a colorful true to life lovelifestory.) Copyright date: May 13, 2015 Story Completed: August 04, 2015 @ 12:45 a.m.