Masyado ng masakit ang init ng araw na dumarampi sa balat ni Saira. Wala naman siyang masisi kasi sa may bintana niya gustong maupo. Kay ayun at nagtitiis siya sa matinding sikat ng araw. Kung nakakamatay lang siguro ang isipin ang isang tao, malamang kanina pa nakabulagta yung mga instructors nila na sasama sa kanila sa biyahe. Kanina niya pa kasi minumura sa isipan niya ang mga ito. Sinisisi niya. Na kung hindi sana super duper ultra mega late ang mga ito, eh di sana ay kanina pa sila nakaalis. Hinimas-himas nalang niya ang braso at napamura.
Saira: O shit naman! (Sighed.) Antagal naman umalis. Please, manong driver.. larga na. Ang init-init na. (Sabi niya habang sa labas nakatingin at hinimas-himas parin yung braso niya.)
Nasa ganoon siyang pagsasalita ng magsalita rin yung katabi niya.
Stranger: Takpan mo nalang Miss yung bintana.
Napatingin naman siya dito.
Stranger: May jacket ka dyan or towel para itakip sa bintana?
Saira: Wala eh. (Hawak parin ang braso nito na kanina pa natutusta sa init.) Eh, kasi naman.. ba't hindi pa aircon yung kinuha nilang bus. (Sabay simangot at nakatingin na ulit sa labas ng bintana.)
Stranger: Kasi may ibang student na hindi hiyang sa aircon. Sumusuka sa biyahe. (Sagot nito habang naghahalungkat sa bagpack niya.) Ehto Miss oh. (Sabay abot ng green towel niya kay Saira.)
Nakatingin lang naman si Saira sa towel na hawak nito.
Stranger: Itakip mo sa bintana. Iipit mo dyan sa may gilid.
Inabot naman ito ni Saira at sinubukan niyang takpan yung bintana. Ngunit nahihirapan siyang gawin ito. Di kasi maipit yung towel sa may gilid ng bintana. Kaya naman yung katabi niya na nakamasid pala sa ginagawa niya ay hindi na nakatiis at inagaw na yung towel sa kanya at ito na ang kusang nag-a-arrange nito ngayon.
Stranger: Excuse me, Miss. Pwede bang pakiipit nitong towel dyan banda sa may gilid ng bintana na dyan banda sayo? (Pakiusap nito kay Jayphine.)
Wala namang atubili si Jayphine na tulungan ito ngunit hindi rin sila nagtagumpay na matakpan yung bintana. Kung kaya naman, ang ginawa nalang ni Saira ay ipatong ang towel sa may braso niya para matakpan ito mula sa init.
Saira: Ipinatong ko nalang sa may braso ko.
Stranger: Mas mabuti nga. Ganyan nalang.
At umalis na nga ang sasakyan nila. Habang daan ay napakaingay ng mga estudyanteng sakay ng bus. Pati narin yung stranger na katabi ni Saira. Humihinge kasi ito ng curly tops sa pinsan nitong babae na nakaupo sa kabilang upuan-sa tapat nila. Nalaman ni Saira na mag-pinsan sila kasi 'couz' yung tawagan nila. Ang kulit kulit pa nung katabi niya. Gusto kasi nitong damihan yung ibibigay sa kanya na curly tops. Napapangiti nalang si Saira habang doon parin ang atensyon niya sa labas ng bintana.
Napalingon nalang siya sa katabi niya ng may iniaabot ito sa kanya. Pagtingin niya sa kamay nito-curly tops! Kaya naman pala gusto nitong bigyan ng marami ng pinsan niya kasi ipamimigay din naman pala nito. Napatingin naman siya sa mukha nung lalake. Ang cute-cute talaga ng mga singkit nitong mata na bahagyang natatakpan ng magulong buhok nito sa ilalim ng bonnet nito. Napahinto lang siya sa pagtitig dito ng mas lalong inilapit ng lalake ang palad nitong may curly tops sa kanya. Sa walang pagdadalawang-isip ay tinanggap naman niya ito.
BINABASA MO ANG
Stranger On My Side
ChickLitIts all begun with a ride - bus ride to be exact and end also in a bus ride. (An excerpt from a colorful true to life lovelifestory.) Copyright date: May 13, 2015 Story Completed: August 04, 2015 @ 12:45 a.m.