Chapter 1

33 4 0
                                    

September 15, 2013 | 9:20 pm |

SEULBI'S POV

Mag-isa ako ngayon sa park, narerelaxed kasi ako kapag ganito kahit na lumalamig na yung panahon dito sa Seoul. Naglalakad lakad lang ako sa park hanggang sa naisipan kong umupo nalang muna.

Umupo ako sa isang bench na malapit sa dalawang bata na naglalaro.
"Shin, akin na yan!" Sabi ng batang lalake.
"Bleeh, ayoko ko nga!" Sabi naman ng batang babae. At sabay na silang tumakbo papunta sa Parents nila.
Natuwa lang ako habang pinanuod ko sila dahil naalala ko nung mga 8 years old palang kami ni Myungsoo.

Si Myungsoo kasi yung type ng lalake na maiinlove ka talaga. Bukod sa napaka charming niya, sobrang bait at matalino rin siya. Sobrang laki rin ng tiwala ko sa kanya, at kilalang kilala namin ang isa't isa. Simula noong naging magkaibigan na kami halos natulungan niya rin ako, dahil lagi niya akong pinagtatanggol. At simula noon, lagi na kami magkasama.

Mamaya pang onti umalis na rin ako sa kinalalagyan ko at pumunta naman ako dun sa may tapat ng river.

Habang naglalakad ako, may napansin akong familiar na nakaupo doon sa may bench malapit sa puno. Teka, kilala ko talaga yan. I was right. Si Myungsoo nga yun. Nilapitan ko siya.

"Nag-iisip ka naman mag isa dito noh?" Sabi ko at tinabihan ko siya.
Hindi siya sumagot, at tiningnan niya lang ako. Ano meron sa kanya?
"Yaaa! kakausapin ko nalang ba sarili ko?"
"Oppa, anoo?"
Medyo nainis na ako at tiningnan ko nalang din siya. Bigla niyang pinisil yung pisngi ko at sinabi niya "Joke lang. Namiss kita!"

Lumalakas talaga tibok ng puso ko kapag sinasabi niya yan, pero alam ko naman na magkapatid lang ang tingin namin sa isa't isa.

"So ano nga ginagawa mo dito?" Tinanong ko siya.
"Wala" sabi niya habang nakatingin sa malayo. Lagi naman siyang ganyan although na masiyahing tao siya. Everytime na napunta lang kami dito, siyaka lang siya napapatahimik. So nagdecided ulit magtry na itanong sa kanya kung anong meron sa lugar na to.
"Oppa, bat hindi mo pa sakin nasasabi kung anong meron dito at ayaw mo talagang sabihin?"

Tumingin na siya sakin ngayon. Ngumiti siya sakin. Grabe talaga, ang charming niya kapag nakingiti siya sakin.

"Hmmmm, siguro wala naman kasi akong sasabihin" Tumawa na naman siya. Aissh, ano ba problema neto? "Pagod lang kasi ako at gusto ko magrelaxed. Katatapos lang ng part time ko" sabi niya.

Ahh, siguro nga. Naisip ko at ngumiti nalang ako. Tumingin ulit siya sakin at sinabi "So maglakad na tayo pauwi?"
"Sige" sabi ko at tumayo na kami.

Nagkakwentuhan kami habang naglalakad pauwi, sanay na ako na hinahatid niya ako. Sa sobrang dami naming napagusapan hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng bahay ko.

"Seulbi, dito ka na" sabi niya sakin
"Ayy oo nga, sorry. Sige pasok na ako. Inggat ka ah" sabi ko at pumasok na. Nagwave siya sakin ng bye at umalis na.

Just For a MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon