H A N E S E
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
“What are we doing here, Gildo?”
My eyes roam around the place. Napapakurap ako habang namamanghang pinagmamasdan ang paligid. It’s crowded by people yet it looks . . . lively here. Everything looks vibrant, like I’m currently having a dream⏤a beautiful one. There are bubbles scattered around, balloons that are held by some kids, and different types of funny headbands which even adults have on their heads.
“Welcome to Enchanted Kingdom, baby,” natatawang bulong ni Gildo mula sa likuran ko.
Nilingon ko siya. Even though I’m excited, I can’t help but feel confused about him bringing me here. I thought we’ll just have a quick road trip since he asked me to take a day off for today.
Gano’n naman kami palagi, eh. We don’t need an extravagant trip on our free days. We often stay at home, watch movies, and eat whatever he’ll make. Okay na sa akin ang gano’ng setup. Through the years we’ve been together, that’s convenient for us. We can save our energy and have a rest even just by cuddling.
But this? This is . . . new.
Especially to him. Siya pa ang nakaisip, eh, siya nga itong mas busy sa aming dalawa.
Napanguso ako. This is a . . . waste of time. For him. For us. We shouldn’t be here. Kung ginagawa niya ‘to para sa akin, then I refuse this idea of spending our day here.
“Uwi na tayo, Gil.”
I’m about to walk past him since I know he’ll follow after me anyway. Only that he didn’t.
He catches me by snaking his arm around my shoulders gently from the back, stopping me as he chuckles against my ear. Kung makatawa siya, parang hindi siya sabog nang ilang araw kasi puyat, ah?
“Kadarating nga lang natin, tapos gusto mo na agad umuwi?”
“Kasi ‘di mo naman sinabi na dito mo pala ako dadalhin!” Nilingon ko siya habang yakap niya ako mula sa likuran ko. “If you told me beforehand, e ‘di sana, wala tayo ngayon dito!”
Natawa siya ulit. “Kaya nga hindi ko sinabi sa ‘yo, eh. Ang KJ mo kasi.”
“What?!”
“Oh, tapos maiinis ka pa.” Kinurot niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay saka ako sinilip mula sa balikat ko. His tired eyes are now shining with humor. Pero pilit siyang ngumuso kahit na nangingiti. “Tss. Dapat pala ay pinapikit muna kita bago tayo makapasok.”
“That won’t change anything, Gil. Pipilitin pa rin kitang umuwi.”
“Nah. Masasayangan ka sa entrance fee.”
Kumunot ang noo ko. He’s right, but . . . “Hindi pa naman tayo nakakapasok kaya tara na. Let’s go home instead⏤”
“Sayang sa gas, Han.”
“What?” Nainis na ako at kumawala sa bisig niya. Pilit siyang nagseseryoso kahit na halata namang pinagti-trip-an niya ako! “Kailan ka pa nasayangan sa gas?”
“Ngayon.” Lalo siyang sumimangot at inabot ako para pasimpleng hawakan ang kamay ko. “Ang mahal na kaya ng gasolina ngayon.”
Palusot pa siya.
Ilang segundo pa kami nagkatinginan, pero halatang determinado siyang tumuloy kami. Ni hindi nga siya kumukurap para kumbinsihin ako.
Tss. Kung magdi-day off kami, sana sa bahay na lang gaya ng nakasanayan namin. Pagod siya. I want him to rest. Look at him, kahit pogi, pumapangit siya dahil sa kaputlaan niya.
His tiredness on his face is visible even though he’s trying to hide it by making faces. His dark circles around his eyes are getting worse, especially these days. He even has stubbles on his chin and philtrum, which is rare.
Gildo is vain. He cares for his looks⏤his image, he said. Pero ni mag-shave, hindi niya na magawa.
He’s too busy. Dinig ko ay nagkaproblema sa kompanyang pinapatakbo niya kaya ilang araw na siyang problemado at walang tulog. That’s why . . . guilty ako na nagawa niya pa akong hanapin sa buong siyudad nang tawagan siya ni Kath kahapon.
Napanguso ako. “Will you be alright?”
“Huh?” Kumunot ang noo niya. “Siyempre. Ano’ng akala mo sa ‘kin, gurang na? We can still try all the rides here, Han. Baka nga ikaw pa ang umayaw sa ating dalawa.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “How can you be sure? You’ve never tried any ride before.”
“Ikaw rin, ‘no.” Humalakhak siya saka ako inakbayan. “Ano, pustahan?”
“This is your way to pursue me?”
Ngumisi siya. “Eh, hindi ka mapilit. Ano, game? Ang unang magsuka, siya ang talo.”
“Tss.” Bumuntong-hininga ako saka napatingin sa entrance. He seems excited, too. Kung pipilitin kong umuwi ay baka mag-away lang kami. As much as possible, I don’t want to argue with him.
Maybe . . . this is fine. He wants both of us to have fun. First time din namin ‘to . . . I mean going to a theme park.
We both hated it. I remember. No’ng bata pa kami, nag-carousel kami saka . . . parehong nasuka. Kaya siguro malakas ang loob nitong mag-aya. Huh.
“Fine.” Ngumisi siya sa sagot ko. “The loser must grant the winner a wish.”
“‘Yon lang ba?” Tumawa siya. “Sure, sure!”
“Don’t be too happy, Gil.”
“Bakit hindi?” Ngumisi siya saka humalakhak na naman. “Kulelat ka sa mga ganito, eh.”
“No, I’m not,” angal ko.
“Sus!” Nag-umpisa na siyang maglakad kaya nahila ako kasi akbay niya pa ako. Akala ko ay dederetso na kami sa linya, pero nagtuloy-tuloy siya hanggang sa may statue. “Tayo ka muna rito. Picture-an kita.”
“Huh?”
Tiningnan ko ang statue. It’s an old, fat wizard wearing a purple robe and hat with yellow stars. He’s smiling widely with his thick, white beard.
Nakangiwi kong nilingon si Gildo.
“Sige na.” He nods and nudges me to the statue.
Inirapan ko siya. “I’m not a five-year old kid, Gildo.”
“But you like this kind of thing.” Ngumisi siya at saka siya na mismo ang pumirmi sa akin para tumayo sa gilid ng statue. Nang mag-isa! Tumakbo na kasi siya bago ako makaangal! “Smile, love!”
Hindi ko ginawa.
“Sige na!” natatawang sigaw niya habang naka-ready na ang phone niya na pang-picture. He knows I’m already pissed. May nakatingin na kasi sa akin! “Remembrance, Han! Kahit say ‘cheese’ na lang!”
Sira-ulo siya.
I can feel my cheeks flush as I look around. May iba na tinitingnan lang ako saka mag-iiwas ng tingin kapag nalagpasan na ako. Merong iba na nakangiti. May mga lantaran din hihinto para pagmasdan ako tapos ngingiti kapag titingin sa banda ni Gildo kasi . . . nag-iingay na siya!
“Han, baby ko! Tingin ka naman dito! Kung ayaw mong ngumiti, kahit wacky na lang! Ngumuso ka, love!”
This . . . jerk.
A group of families has stopped near me. Nakatingin sila sa akin at mukhang naghihintay na sumunod magpa-picture sa statue. Gusto kong umalis, pero alam kong pipilitin din ako ni Gildo hangga’t hindi ko sinusunod ang gusto niya. Matatagalan pa kami at baka mainis ang mga naghihintay.
Tss. Kahit kailan ka talaga, Gildo!
Nilingon ko siya. Patuloy siya sa pagsisigaw. Hindi ko na maintindihan dahil sunod-sunod ang mga sinasabi niya at alam ko namang puro walang kwenta lang ang mga ‘yon. Kaya ngumiti na lang ako. It’s awkward. Stiff din ako at hindi makangiti nang maayos.
“Isa pa, baby!”
Natatakpan ang mga mata niya ng cellphone niya, pero kita kong kagat niya ang mga labi niya⏤of course, natatawa! Gusto ko siyang sigawan, pero nakakahiya. Mainit pa kaya baka mainip ang mga naghihintay. Sinunod ko na lang si Gildo at ngumiti ulit.
“Heart sign naman!” Sinamaan ko siya nang tingin kaya humalakhak siya. “Last na talaga!”
Ginawa ko na lang. Kaysa naman ma-badtrip ako sa kaniya, ‘di ba?
Pero akala ko last na talaga ‘yon. Pero nagulat ako nang may kinalabit siyang babae saka kinausap. Lalapit na sana ako pero nagulat ako nang ibigay niya ang phone niya sa babae at saka tumakbo sa akin.
“Ano na naman?” Nginiwian ko siya.
“Tayo naman.” He grins at me and reaches for my hand to hold. “I want to see your real smile, Han, please.”
Ngumuso ako nang hinila niya ako palapit sa kaniya. His hand that’s holding my hand moves to my waist to pull me even more to his side. He uses his other hand to tip my chin up with his finger. Napatingala ako sa kaniya at naabutan siyang nakangiting pinagmamasdan ako.
Tumaas ang kilay ko. “My smile was real. Hindi ba totoo ‘yon para sa ‘yo?”
“Ilang taon ka nang sa akin, akala mo ‘di ko mapapansin? Tss . . . Ang plastic kaya.” Umiling siya nang kaunti, biglang nagseryoso. “I love it when you smile, so please, never fake it in front of me . . .”
“What?” Tumawa ako. “Plastic naman lahat ng ngiti ko para sa ‘yo. You said it yourself.”
“Hindi, ah.” His grin spread on his face again. His fingers on my chin caress my skin up to my cheek to cup it. “People might can’t differentiate your fake smiles from real ones because of your dimples, but I know. I can. Saulo kita, Han. Talent ko na yata ‘to, eh.” Tumawa siya.
I lean on his hand, smiling. “Paano?”
“Gan’yan.”
Lumapit siya at yumuko sa akin. Now we’re face-to-face, but I refuse to step away. This kind of intimacy is never new to us. Pareho kaming nakangiti at nakatitig sa isa’t isa nang bumagsak ang tingin niya sa mga labi ko.
“Kapag ngingiti ka, abot hanggang mata . . . Sisingkit o ‘di kaya minsan pupungay.” Bumaba ang mata niya kasabay ng paggalaw ng daliri niya sa pisngi ko. “Itong dimples mo, mas malalim. Not the shallow ones you showed earlier. Cute nga, pero ayoko no’n.” Dumapo ang tingin niya sa mga labi ko saka napangiti lalo. “Tapos itong . . . mga labi mo, ‘di nagtitipid ng ngiti kapag totoo. They stretch widely when you’re happy. Like now . . .”
“Ah-huh?”
“Talaga,” mayabang na sabi niya. “Ako ang dahilan, eh.”
Natawa ako lalo na no’ng hapitin niya pa ako palapit sa kaniya na tila ba hindi sapat ang distansya namin. My arms hug him around his neck, my hands on his nape. Then suddenly, I’m lost. Like we have this bubble. Our bubble. Only us.
“I love you,” he whispers suddenly. Then the next thing I know, he’s already kissing me sweetly and slowly.
This. A happy memory. Gildo deserves this. And I’m willing to give him that. I will give him anything that will make him happy . . . as long as I can.
‘Yon nga lang, nahiya ako kalaunan dahil may mga nagsigawan at naghiyawan matapos naming . . . maghalikan. It’s as if we’ve made a show for them to watch. Kahit ‘yong mga naghihintay sa gilid namin ay parang kinikilig habang pumapalakpak sa amin! Doon ko lang na-realize na ang tagal na namin!
“Shit!” Tumawa si Gildo nang magtago ako sa kaniya. Hinaplos naman niya ang buhok ko at marahan akong idiniin sa dibdib niya. “Sorry. Nang-aakit kasi ‘yang mga labi mo.”
I groan against his chest. “Shut up and let’s go, Gildo.”
“Alright.” Hinalikan niya ang noo ko bago ako hilahin papunta sa babaeng may hawak ng phone niya para picture-an kami. Maging siya ay nakangiti sa amin nang makalapit kami. Hindi naman ako makatingin dahil alam kong namumula ako.
“Sweet n’yo,” komento niya.
Hindi nagsalita si Gildo pero alam kong malawak na naman ang ngiti niyan kahit hindi ako tumingin sa kaniya! Of course, he likes it when he shows people his affection for me, but he never gloats about it. Mayabang siya, pero hindi sa ganitong bagay. Matutuwa lang⏤baka nga pumapalakpak na ang tainga niya sa mga naririnig niya ngayon.
Nagpasalamat siya babae nang kuhanin niya pabalik ang cellphone niya saka na ako hinila ulit papuntang entrance.
“‘Wag ka sa akin sumuka, ha.” Sinilip ako ni Gildo nang yumuko siya.
Umirap naman ako saka siya tinulak. “Baka ikaw ang sumuka sa akin.”
Pagkapasok pa lang ay nagtalo agad kami kung ano’ng rides ang uunahin namin. I suggest to ride the rollercoaster first, but he doesn’t like the idea. Sabi niya easy rides daw muna.
“Who rides the carousel with our age, Gildo?” tanong ko habang nakatigil kami sa lilim, naiinis na.
“Tayo, oh bakit?”
“Baka ma-ban tayo rito kapag sumakay tayo ro’n.”
“Paano mo nasabi?” he counter back. “Takot ka lang, eh.”
What? “Baka may age limit, Gil. Kung gusto mong d’yan sumakay, mag-isa mo. I’ll just wait for you⏤”
“Utot mo, Han, sasama ka sa ‘kin,” putol niya sa akin. “Bato-bato-pick na lang.”
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. What the hell is wrong with him today? “How much caffeine did you take, Gildo? Umamin ka nga. Nasobrahan ka yata sa⏤”
“Jack en poy!” sigaw niya bigla kaya ‘di ako nakapag-isip at nilahad ang kamay ko bilang papel. Scissors naman ang sa kaniya kaya humalakhak siya.
“What the hell was that?!”
“Talo ka, baby.” Inakbayan niya ako para pumunta sa may carousel. I struggle from his hold, but he doesn’t let me go.
“Ulit!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Ang daya mo!”
“Wala. Natalo ka, Han. Tanggapin mo na lang⏤aray!” Humagalpak siya ng tawa matapos ko siyang kurutin sa tagiliran niya. “Talunan moments nga naman.”
Inasar niya ako kahit no’ng pumila na kami sa linya. People are looking at us⏤mostly are girls and woman in different age. More like they’re ogling at Gildo than staring. Of course, hindi ‘yon kataka-taka.
Even though he’s simply wearing black pants, white v-neck shirt, and a cap, he still stands out. What more if they see him wearing his corporate attire? Or half-naked? Not that I will allow that to happen. Pero paano nga . . . kung may ibang makakita no’n bukod sa akin in the future? Will they also blush?
Tinitigan ko siya habang abala siya sa cellphone niya. He’s frowning for a moment, as if he’s reading something he didn’t like. Pero nang mahagip niya ako ng tingin ay natigilan siya at mabilis na ibinaba ang cellphone na hawak niya.
“Who’s that?”
“Ah . . .” Napakamot siya ng ulo. “Si Zero. He sent me some files. Nagrereklamo rin dahil kay Elrick.”
“E ‘di, tungkol sa trabaho ‘yan?” Tinaasan ko siya ng kilay. Nag-iwas siya ng tingin at humakbang nang isang beses no’ng gumalaw ang linya. Sumunod naman ako sa kaniya. “Kanina ko pa rin napapansin na panay ka sulyap sa cellphone mo. Is there a problem? Kailangan ka na ba sa trabaho⏤”
“Han . . .” Nilingon niya ako saka siya ngumiti. Isang gilid lang ng mga labi niya ang nakaangat no’ng una. But as he reaches for my hand, ngumisi siya saka ako tiningnan nang deretso sa mga mata. “Sa ‘yo ako ngayong araw kaya wala kang dapat na ipag-alala.”
“I’m just worried for you . . .” Tiningnan ko siya nang mabuti. “You seem too busy to bring me here. Can’t you just . . . take me home?”
I don’t want to go home, but . . . if he really needs to, we should, right? Napayuko ako.
Tumawa naman si Gildo saka ako hinila para hapitin sa baywang ko. Nahagip ko ang tingin ng mga babaeng malapit sa amin⏤nakatitig kay Gildo. Clearly, he’s not aware of people gawking at him. Ngumuso ako.
“Kunwari ka pa,” sabi niya. “Natatakot ka lang, eh. Ano, suko ka na?” he whispers against my ear.
“That’s not the point, love.” Nawala ang ngiti niya sa labi nang mapansing seryoso ako. His face turns serious also, then his lips slightly protruded. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay naming magkahawak at pinisil-pisin ang palad ko. Nagpatuloy naman ako. “You shouldn’t bring me here in the first place, knowing that you’re obviously having trouble with your company. O ‘di kaya, kung ayaw mong magtrabaho ngayon, sana nagpahinga ka na lang.”
“Galit ka?” he asks, but he’s still looking at our hands and not meeting mine. “Sorry na. I don’t want you to be upset.”
“Pinagsasabihan lang kita.”
“Gano’n din ‘yon.” Ngumuso siya saka nag-angat ng tingin sa akin. Pero bumaba ulit saka nagkunot-noo habang patuloy siyang nilalaro ang kamay ko. “Maybe bringing you here without your consent is a mistake. Pero . . . alangan naman sabihin ko, eh, gusto nga kitang i-surprise.”
“Surprise?” My forehead creased in confusion. “Para saan?”
Hindi siya sumagot. Hinintay ko pa siyang magsalita. “Can’t we just enjoy our time here?”
“But⏤”
“I get that you’re worried,” he cuts me off as he pry on me through his long eyelashes. “But you don’t really have to. Magaling ‘tong boyfriend mo, kaya ‘wag ka nang mag-alala.”
“I’m serious here, pero nagyayabang ka pa rin.”
He chuckles. “Ang killjoy mo kasi, eh.”
“Tss.” Umirap ako. “If riding carousel is your definition of fun, ‘wag kang magyabang d’yan kasi ‘di ako natutuwa.
Napalitan ng halakhak ang mahinang tawa niya. Dahil do’n, napuno ng kuryosidad ang mga mata ng mga babaeng nakatingin sa kaniya.
‘Yong babaeng kasunod nga namin ay sinuyod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lang siya pinansin dahil kinuha ni Gildo ang atensyon ko nang iangat niya ang kamay kong hawak niya saka niya pinatakan ng halik ang kamao ko.
“Sabi ko na,” tumatawang sabi niya, nanunukso ang tingin. “Ang dami mo pang sinasabi, magrereklamo ka lang pala.”
“Totoo naman. Dapat nag-rollercoaster na lang tayo.”
“Mamaya na lang ‘yon. Masaya ‘to, promise,” nakangisi niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay kaya humalik ulit siya sa kamay ko habang nakatingin sa akin. “Loose a little, love, hm?”
I sigh. Ano pa ba’ng magagawa ko kung ganitong mapilit siya?
Kaya kahit nahihiya dahil puro mga bata talaga ang mga sumasakay sa carousel, hinayaan ko siya. Kinausap niya ‘yong nag-a-assist, namilit pa kasi mukhang hindi kami papayagan! Paano ba naman kasi, ‘yong pinakamatandang nakita kong nakasakay ay mukhang nine or ten years old pa lang⏤pero pinilit niya hanggang sa payagan kami!
“Ang pogi ko talaga,” tawa niya habang inaalalayan akong makasakay sa carousel. “Gano’n ba talaga ang epekto ng kindat ko? Tingnan mo nga, love.”
Kumindat siya sa akin. Kahit na nahihiya ako, sabay kaming natawa nang malakas. I shove his face away. Loko talaga ‘to.
Akala ko do’n na matatapos ang mga kalokohan niya. Going here is enough na nga, eh. Pero hindi pa rin pala siya tapos.
After riding the carousel for the third time, nag-aya naman siya sa Boulderville Express. It’s a train ride for kids also. Pero may mga parents na nakasakay kasama ang mga anak nila kaya nakasakay kami.
Nakakahiya ulit kasi kumakaway-kaway pa si Gildo sa mga tao! Hindi ko na sana siya papansinin pero hinihila niya ang kamay ko para ikaway rin! Pati tuloy mga bata na kasama namin ay ginaya siya. We both keep on laughing because he has the effect even with the kids. Puro kalokohan nga lang.
Nakaisang ikot lang kami no’n dahil nag-aya siya na mag-Dodgem. ‘Yon lang yata ang familiar sa akin dahil na-try ko na ‘yon sa mga arcade sa Mall. Para siyang bump car. ‘Yon nga lang ay mas marami ang nandito kumpara sa arcades kaya madalas akong tumatama sa iba⏤lalo na kay Gildo kasi sa akin siya lumalapit!
“Baby, don’t worry, I’ll protect you⏤aray, tang ina!” sigaw niya nang may bumangga sa kaniya.
Natawa ako at inikot ang manibela para lumayo sa kaniya. “Doon ka nga, Gildo!”
“Hindi! Yari sa ‘kin ang babangga sa ‘yo!”
Gano’n ang ginawa namin. We only try those kiddie rides. Paikot-ikot lang kami sa mga ride na ‘yon. Feeling ko nga sinadya niya ‘yon para talunin ako sa pustahan namin dahil medyo nahihilo na ako. Pinapakain niya pa ako ng kung ano-ano!
Katatapos lang namin sa Anchor’s Away, kung ano-ano na naman ulit ang binili niya. It’s past lunch. Tsinek ko ang phone ko at nakitang mag-a-alas tres na ng hapon. We’ve had our lunch in Kanin Club earlier. I only ate light meal, kaya iba’t ibang pagkain ang inaabot sa akin ni Gildo ngayon.
“Hold this,” he says and passes me the cotton candy that he’s holding.
I sent him a look. “Ayoko.”
“Hawakan mo lang.” He still shoves the cotton candy to me. Kinuha ko na lang. “C.R. lang ako.”
“Oh, okay.” Kinuha ko rin ang sling bag ko na suot niya. “Hintayin na lang kita rito.”
“Hm. I’ll be quick.” Tipid siyang tumango saka humalik sa akin nang mabilis sa pisngi ko bago tumalikod at nagmamadaling naglakad palayo. Maybe he’s badly needing to go to the comfort room.
Lumapit ako sa plant box na nasa lilim ng puno at umupo roon saka nilapag ang mga gamit namin ni Gildo⏤pati ‘yong cotton candy na inabot niya kanina sa akin at saka ‘yong headband na binili niya. Bunny ‘yon at terno kay Gildo. His headband is white while mine is black.
Suot niya na ang kaniya kaya ‘yong akin na lang ang nandito. Pinipilit pa nga niya akong isuot ‘yon para parehas daw kami, pero umayaw ako. Uh. Nahihiya kasi ako.
Umihip ang hangin kaya medyo nagulo ang buhok. I comb my hair swiftly with my fingers before tucking it behind my ear. Napangiti ako. The upper part of my feet are jumping in exhilarated beats like a kid.
What a nice day.
I hum as I look around. There are a lot of people passing by. Lahat sila ay masaya at may ngiti sa mga labi. Mostly are groups of families. Pinanood ko ang isang pamilya sa ‘di kalayuan⏤they are laughing at the kid’s messy face because of the ice cream she’s eating. The father is the one who’s carrying the kid while the mom is wiping the latter’s face⏤all three are laughing.
They look so beautiful and happy. Hindi ko maiwasang mainggit. I always picture myself in a situation like that . . . with Gildo.
Since I was a kid, I have described myself as a wishful thinker. I like imagining or putting myself into a situation that might happen in the future. Those common things like building my name, having a big family, and . . . being happy. At lahat ng mga ‘yon, kasama si Gildo.
We rarely talked about our future. Hindi kami nagtatanong sa isa’t isa ng ganitong bagay dahil pakiramdam ko . . . kahit hindi namin sabihin, we know that we’re part of each other’s desired future.
Lahat ng plano ko sa buhay ay nasa isipan ko lang. Naalala ko pa noon no’ng una akong napasok sa isang publishing house bilang editor bago ako napunta sa magazine company. My fantasy of life widened as I read the novels written by others. I was mesmerized, so . . amazed how those words affected me. So much that I couldn’t help but to dream of an ideal life.
I remember . . . I told myself that someday . . . someday I will have people with me to call my own family.
Someday . . . Gildo and I will have kids.
Someday . . . we will be happy together.
Someday . . . Someday, huh?
Mapait akong ngumiti at tinanaw ang mga paa kong kanina masayang tumatapik sa lupa. It’s no longer moving. Pati ang ngiti mga labi ko ay nawala at mariing nakatikom.
Someday . . . is not applicable for me anymore.
Bakit pa ba ako umaasa?
Pinilit kong nilunok ang pait at lungkot na nararamdaman. I shouldn’t ruin this day, especially for Gildo. He’s sacrificing his time to be with me today, so there’s no room for me to cry. Not now. Not with Gildo . . . Yesterday was enough.
Kung magiging miserable ako araw-araw . . . paano si Gildo?
Napatingin ako sa bunny headband na nakalapag sa tabi ko. Inabot ko ‘yon at tinitigan. It looks silly and a bit corny. Kung susuotin ko ‘to ay pakiramdam ko magmumukha akong tanga.
But will this make Gildo happy?
Bumuntong-hininga ako at sinubukang suotin ang itim na headband sa ulo ko. Kaagad kong tiningnan ang repleksyon ko gamit ang nakapatay kong cellphone. Napangiwi ako kalaunan kasi tama ako. I look silly and childish.
Aalisin ko na sana pero natanaw ko si Gildo sa ‘di kalayuan. He’s looking around⏤probably thinking that maybe I’m roaming around while he’s gone. Ngumuso ako dahil kung saan-saan bumabaling ang ulo niya na tila hinahanap ako.
Ngumuso ako. He’s about fifteen meters away from me. Nakasuksok ang mga mga kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon⏤pero agad din nilabas ang isa para pasadahan ang buhok niya.
Can’t he see me right here? Hindi pa kasi siya bumabaling dito.
I’m about to stand to call him, but his eyes found me before I could open my mouth. My heart pounded . . . like a batshit crazy. Nalaglag ang panga ko kasi, all through these years we’ve been together . . . my heart is still beating like this the same way it did for Gildo in my younger years. Sa kaniya lang . . .
Tanaw kong natigilan din si Gildo. Nasa gitna siya ng mga tao, nakatayo at titig na titig sa akin. I don’t know what he’s thinking. He’s too far to comprehend.
Pero nagulat ako nang unti-unti siyang ngumiti at mukhang tumawa pa nang tumingala siya. The sunlight kisses his fair skin. Muli niyang pinasadahan ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri saka ako tiningnan muli.
“Ang ganda mo, love!” sigaw niya!
Muling nawala ang ngiti sa labi ko. What the hell?!
Humalakhak si Gildo. “I know you’ll lose, baby.”
I wipe my mouth with the back of my hand and glares at him. “Shut up, Gil. Ayoko na. Gusto ko nang umuwi.”
“Not yet.” Ngumisi siya. He’s behind me, holding my hair when I puked⏤the headband is no longer on my head. Nang mapagtanto niyang tapos na ako ay hinila niya ako patayo saka marahan na iginiya sa bench kung saan ang mga gamit namin.
“I can’t try any rides anymore . . .” I want to whine at him. Pero naubos yata ang lakas ko sa roller coaster!
“I know,” sabi niya saka ako pinaupo sa bench. He rummage my bag for my hanky. Nang mahanap ay nag-squat siya sa harapan ko saka nakangiting idinampi ang panyo sa pawisang noo ko. “Ferris Wheel muna tayo. Hindi ka na masusuka ro’n.”
“But I feel weak already.”
He grins. Nasa cheek ko na ang panyo. “Buhatin kita.”
“No . . .” Umiling ako sa kaniya, naiiyak na. “I just want to go home. I feel like a shit after . . . throwing up.”
Natigilan siya sa hinaing ko. He’s not smiling anymore as his hand freezes on the side of my lips. Pinagmasdan niya ako nang mabuti bago lumamlam ang mga mata niya saka nagpatuloy sa papunas sa akin.
“Alright, baby. Uuwi na tayo.” Ngumiti siya sa akin. “I just thought you wanted to watch the sunset. Gustong-gusto mo ‘yon, eh.”
Nabigla ako. “Sunset?”
“Oo.” Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko nang doon na siya nagpupunas. “Pero hindi na kita pipilitin. We’ll go home⏤”
“No,” putol ko sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya. Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko, tinataasan na ako ng kilay ngayon. “I changed my mind. Let’s go . . . see the sunset.”
“Sigurado ka?” His thumb rub my bottom lip. “Hindi na dapat ako nag-suggest. You don’t look okay⏤”
“I’m fine,” pilit ko. “I just need to wash my face and gargle my mouth. That’s it, then I’m good.”
I look at him eagerly, convincing him. Nanghihina pa ako at medyo nahihilo, but I want to see the sunset before this wonderful day ends⏤with Gildo.
Bahagya siyang tumawa saka umiling sa akin. “Okay, baby, if that’s what you want. Bubuhatin na lang kita.”
“What? No need⏤”
But he turn around already before I could finish my sentence⏤offering his back to me. Ayaw ko sana dahil alam kong pagod siya at baka hindi ako mabuhat. Pero siyempre, kilala ko na siya. He’ll refuse me. Baka nga siya pa ang bumuhat sa akin kung hindi ako magkukusang sumampa sa likod niya ngayon.
Nang makarating nga kami sa comfort room, halos samahan niya pa ako sa loob para alalayan ako. Nangatwiran pa siya na baka mapa’no ako sa loob.
Napailing na lang ako saka bumaling sa labas kung saan kita ko ang palubog na na araw.
“Nahihilo ka pa ba? Ano, masakit pa rin ulo mo? Teka, baka nasusuka ka na, love? Shit, pa’no ‘to? Wala kahit basurahan. May supot ka ba d’yan, Han?”
Nginiwian ko si Gildo nang lingunin ko siya. “I’m not.”
“Anong ‘you’re not’?” Lito niya akong tiningnan, natataranta. “Marami ako binanggit, baby. Alin do’n?”
Nauwi sa tawa ang ngiwi ko dahil sa pag-aaburido niya. “I’m fine, Gil.”
But he doesn’t look convinced. He’s sitting across from me. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya mula nang makasakay na kami. Gusto niyang tumabi sa akin, pero umiiling ako dahil alam kong kukulitin niya lang ako.
“Sure ka ba?” Napakamot siya, marahas habang kunot ang noo niya. “Tang ina, ba’t pa kasi kita niyaya rito?”
“Okay nga lang.” Tumawa ulit ako saka tinanaw ang sunset. “It’s beautiful here.”
So much.
Sunset has always been the most beautiful scenery for me. Noon pa man. The happiness that’s giving me is something incomparable. Ewan ko. Weird ba?
Napangiti ako nang matanaw ko ang ilang mga ibon na dumaan. Even them seem like they like the sunset.
“Han . . .”
Nilingon ko ulit si Gildo. Napansin kong natahimik siya kaya nagulat ako nang makita ko siyang titig na titig sa akin. Hindi naman na bago ‘to, pero natawa pa rin ako sa pagkabigla.
“Ba’t ka nakatitig?” nakangiti kong tanong. “Do I look that messed up?”
Pero hindi siya sumagot. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit kumurap lang siya ng isang beses, nakatitig pa rin sa akin. Kaya ginaya ko siya. I stare at him. The golden sunlight is kissing against his skin. Even his brown eyes have golden flecks that make them look so pretty that I smile.
“Han, just now . . .” parang wala sa sariling sabi ni Gil saka natulala na naman sa akin.
“What?”
Kumurap na naman siya. Nang taasan ko siya ulit ng kilay ay napangiti siya saka umiling. “Wala. Ang ganda mo.”
I chuckle. “That’s so random.”
“Totoo.”
Nagulat ako nang tumayo siya! Pagsasabihan ko na sana siya kaso nakarating na siya sa harapan ko saka yumuko.
Ako naman ang natulala sa kaniya. We’re facing each other so close. Nahagip ko ang hininga ko sa pagkagulat at sa sobrang kaba dahil baka mapa’no kami ngayong nakatayo siya! But he doesn’t mind. He even has the guts to grin at me⏤hindi ko alam kung nang-aasar o ano.
Kaya halos singhalan ko na siya kung hindi niya lang inabot ang isang kamay ko saka nilagay sa dibdib niya.
“What are you doing . . .”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pagtibok ng puso niya sa kaniyang dibdib kung saan ang kamay ko. Mabilis. Sobrang bilis . . . My lips part open again. Palipat-lipat ang tingin ko sa kamay ko at sa mga mata niya.
My eyes only focus on his face when he grasps my hand a bit tighter. Napatitig ulit ako sa kaniya, naliliyo, namamangha. Siya naman ay kasalungat ko. He never takes his eyes off me. Pati nga ang ngiti niya sa labi ay hindi maalis.
“Feel that?” bulong niya saka lumapit pa sa akin nang husto. His lips brush on my cheek momentarily before I feel him against my ear. “Ikaw lang ang may kayang gumawa niyan sa akin, Han.”
I bite my lower lip when it trembles. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili dahil pakiramdam ko . . . masyado akong nahihibang.
Pero parang hindi ko magawa dahil pati ang paghinga ko ay hindi ko na ma-control. Pakiramdam ko nga, alam ni Gildo ‘yon kaya natawa siya. Muling tumaas ang sulok ng mga labi niya bago ulit dumapo sa pisngi ko⏤sa gilid ng mga labi ko para humalik.
“Ako lang din ang may kaya nito,” he whispers again.
“Ang yabang mo,” bulong ko rin nang medyo makabawi ako sa mga pinaggagagawa niya sa akin ngayon. “Kapag tayo nahulog dahil sa ‘yo, ewan ko na lang.”
“Hindi ‘yan.” He finally pulls away from me.
His lips stretch more for a bigger grin as he brushes some wayward strand of my hair off my face. Ilang sandali no’n ay nagulat ako nang tumayo siya nang deretso saka ako hinila patayo!
Umugong nang kaunti ang capsule na sinasakyan namin dahil sa paggalaw namin na ‘yon kaya kinabahan ako!
“Ano ba, Gildo!”
“What?” Tumawa siya.
Nakapulupot na ang kamay niya sa baywang ko habang ang isa ay nasa likod ng ulo ko. I feel hopeless while hugging him tight⏤more like I’m clinging to him. Mahigpit ang yakap ko sa kaniya at mariin na nakapikit. Eh, kasi naman!
“Let’s dance, love.”
“Engot ka! Nasa ferris wheel tayo, Gildo!”
“Ano naman? Isasayaw lang naman kita. Tss. Kita mo, oh, palubog na ‘yong araw. Mas romantic kapag sasayaw tayo.”
“We’re going to fall!”
“Ang KJ mo talaga, baby. Slow dance lang, hindi hip-hop!” Humalakhak siya nang kinurot ko ang likod niya. “Sige nga, ano’ng gagawin natin? First time natin ‘to kaya dapat memorable. Oh, ano? Alangan naman mag-MOMOL tayo rito? P’wede naman, pero baby, makikita tayo⏤aray!” daing niya kasi kinurot ko ulit siya.
“Hindi ako nakikipagbiruan, Gildo.”
His laughter died down afterwards. “Hindi rin naman ako.”
Naramdaman ko ang paggalaw niya. Hindi ko lang sigurado kung ano ang ginagawa niya dahil nakapikit pa rin ako at nakakapit sa kaniya. Pero ilang sandali lang ay may biglang tumugtog. Kasabay ng pagmulat ko ang pagyakap ulit sa akin ni Gildo at ang pagbulsa ng cellphone niya.
I look up at him upon hearing the familiar music that just played, and he starts swaying me already at a soft pace.
The more I read the papers
The less I comprehend
The world with all it’s capers
And how it all will end