Chapter 1

65 0 0
                                    

G I L D O
   
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
   
  

“Mahal kita.”
   
    Tamad kong sinulyapan si Jerick nang marinig ko ‘yon. ‘Di ko alam kung nabibingi lang ako dahil sa ingay rito sa classroom o ano. Pero nang nilingon ko si Han na katabi ko ay wala siyang naging reaksyon.
   
    She doesn’t take her eyes off her book and continues jotting down her notes. Ni hindi niya nga pinansin ang kupal kaya nakahinga ako at napangisi na lang bago ibinalik ang tingin sa binabasa.
   
    Calm your fucking balls, Gildo. Walang pakialam si Han sa mokong na ‘yan⏤
   
    “I said I love you, Hanese,” hirit muli ni Jerick.
   
    Napasinghap ako.
   
    This . . . fucker. Halos mabato ko ang librong hawak ko nang marinig ko ang mga katagang ‘yon mula kay Jerick.
   
    Sinusubukan yata ako nito, eh.
   
    Alam niyang nakikinig ako kaya ganito kung umasta. Pero bano talaga ‘to. Supot. Torpe. Dinig ko nga, kahit umaamin siya sa mga babaeng nagugustuhan niya, laging naba-basted at tinatanggihan. Eh, sino ba naman ang papatol sa gan’yan kapangit?
   
    I shouldn’t let him affect me. Pero tang ina . . . Bakit ba laging dikit nang dikit ‘to kay Han? Natigilan pa ako dahil kaunti na lang ay didikit na talaga siya kay Han.
   
    Sa sobrang pagkairita ko habang tinititigan kamay ni Jerick na sinusubukang hawakan si Han ay napataas ako ng kilay at ‘di na magawang magbasa ulit.
   
    Paano ba ako makakapagbasa, kung bawat letra na nakasulat sa libro, puro mura ang nabubuo sa utak ko?
   
    I love you raw.
   
    I love you?!
   
    Binitiwan ko ang libro at seryosong tumitig sa blackboard sa harapan habang nakahalukipkip. Dahil sa ginawa ko ay ramdam ko ang tingin ng ilan sa akin, kasama na si Han.
   
    E ‘di, mabuti. Gan’yan dapat.
   
    Nilingon ko rin silang dalawa. Hanese is looking at me with a frown. Gano’n din si Jerick, kaya tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.
   
    “What?” mayabang na tanong ko.
   
    Kaya mo ‘yon, Jerick? Isang galaw ko lang, titingin agad sa akin si Han, eh. Ano? Kaya mo ‘yon? Kaya mo? Ako lang may kaya no’n, oy. Hah. Haha. Mwahahaha!
   
    Ngunit hindi niya ako pinansin at tumingin ulit kay Han. “Can we talk outside instead?”
   
    Napatuwid ako ng tayo.
   
    “Bakit?” Tumingin ulit ang dalawa sa akin dahil sa tanong ko.
   
    “Ang dami namang asungot dito,” I hear Jerick murmur under his breath. Inirapan pa ako ni Kupal bago hinawakan si Han.
   
    “Hoy!”
   
    “Tara. Sa labas na tayo, Hanese.” Sinubukan niyang hilahin si Han kaya halos mapatayo na ako.
   
    Aba. Gago ‘to, ah⏤
   
    “Leave me alone, Jerick.”
   
    Marahas na binawi ni Han ang kamay niya. She’s glowering at Jerick that makes my lips hang open for a moment. But afterwards, a grin spreads to my lips when I realize that I don’t have to be worried. Pati ang gago, nganga, eh.
   
    Napangisi ako.
   
    ‘Yan kasi, tanga masyado. Paano ‘yan, e ‘di, basted ka na naman? Oh, ano ka ngayon?
   
    Ngiting aso tuloy akong umiling at tumayo para ako naman ang humila kay Han sa kabila niyang kamay. Napatingin siya sa akin dahil do’n, nagtatanong ang mga mata. Kumindat naman ako sa kaniya at lalong umusli ang isang sulok ng labi ko pataas. Mas nakusot tuloy ang mukha niya, ngunit kalaunan ay nagpatinaod din siya sa hila ko at tumayo.
   
    Halos matawa ako dahil parang bubugbugin na ako ni Jerick gamit ang tingin niya. Inggit lang ‘to, eh. Buti nga sa kaniya. Kung hindi ko lang hawak si Han, baka ungusan ko ‘yan.
   
    “Gil . . .” tawag ni Han sa akin nang makalabas na kami sa classroom. “Magagalit si Ma’am sa atin. Bawal pa tayong lumabas ng classroom.”
   
    “We’ll be quick.”
   
    “Pero . . . hindi pa time.”
   
    “I know.” Pero ano’ng magagawa ko? Eh, ginugulo ka no’n?
   
    “Gildo . . .” Hinila niya ako kaya naman napatigil ako. “Balik na tayo. Hindi ba’t nag-aaral ka rin? It’s weird for you to suddenly ask me to go out while you’re studying, and to what?”
   
    Kunot-noo na siya ngayon kaya naman napakamot ako sa sintido ko. “To eat?”
   
    “Hindi pa break time.” Taman niya akong tiningnan bago umirap at saka binitiwan ang kamay ko. “Whatever. Bahala ka nga. Balik na ‘ko.”
   
    “Teka lang.” Natawa na ako saka siya inakbayan para pigilang bumalik. “Come on, gutom na ako.”
   
    “E ‘di, kumain ka mag-isa.”
   
    “Ayoko. Samahan mo na lang ako.” Saka ko tiningnan ang relo ko. “May one hour pa naman, eh.”
   
    “‘Yon nga, one hour na lang. P’wede ba na tiisin mo muna? Ayokong mapagalitan tayo⏤”
   
    “Ayoko rin na pinepeste ka ng isang ‘yon,” putol ko sa kaniya. Tumingala siya sa akin na masama ang tingin. Natawa ako. “Oh, ano? Gusto mo bumalik doon? Sige. Go, Han. Tapos kapag nalaman ni Hansel na may asong umaaligid na naman sa ‘yo at pinepeste ka, ano sa tingin mo ang gagawin ng kuya mo? Sige nga.”
   
    Hindi siya sumagot kaya lumawak ang ngiti sa labi ko.
   
    “He’ll beat the shit out of that fucker’s face. Paano pa kapag nalaman niyang pinipilit ka ng gagong Jerick na ‘yon?” Humalakhak ako. “Baka dinadasalan na natin ang pangit na ‘yon ngayon, Han.”
   
    He’ll be double-dead for sure, baby. Ako ang mauunang pupuro sa gagong ‘yon bago si Hansel.
   
    “You’re overreacting, Gildo.” Inirapan niya ako ngunit kita ko pagnguso ng labi niya nang mag-iwas siya ng tingin.
   
    “Tss.” Overreacting, my ass. “Tara na kasi. Hindi ka pa ba gutom? You haven’t even eaten breakfast yet. Ako ang papatayin ni Hansel kapag bigla ka na lang mahimatay rito.”
   
    Napalitan ng pagkangisi ang naka-plaster sa labi niya nang patigilid niya akong tiningala. “Takot ka pala sa kaniya, eh.”
   
    Saglit akong napalingon nang may dumaan sa gilid ni Han⏤si Wenna, classmate din namin. Akala ko teacher at baka pabalikin kami kaya gulat ang ekpresyon ko nang magtama ang mga tingin namin. She smiles at me, but I don’t as I look away and sigh in relief.
   
    Ayaw ko pa na pabalikin kami roon at makita ang gagong Jerick na ‘yon. Kaya bumuntong-hininga ulit ako bago yumuko nang tingnan ko si Han na nakangisi, hinihila na.
   
    “Ayokong masuntok ni Hans, ‘no.”
   
    “Sus,” she jests and crosses her arms against her chest as we walk to the staircase. Nakaakbay pa rin ako sa kaniya. Kita kong may ngiti pa rin sa mga labi niya habang nakatingin nang diretso sa harapan, nahawa tuloy ako lalo.
   
    “Totoo nga,” halakhak ko dahil panay ang kibit ng mga labi niya.
   
    “You’re not scared of anything, Gildo, or even anyone. Paano ako maniniwala sa ‘yo, eh, you never follow rules? Wala kang sinusunod, wala kang takot sa kahit ano. Kahit kanino.”
   
    Natawa ako.
   
    Bullshit.
   
    Kung wala akong kinatatakutan, nakaporma na sana ako sa ‘yo noon pa. Oo mo na lang, tapos tayo na.
   
    But I know, I shouldn’t. Hindi talaga, tang ina.
   
    Oo, gusto ko siya. Dati pa. Gustong-gusto ko siya. I don’t know if it’s love or infatuation. Pucha, maiisip ko pa ba ‘yan, eh, hindi nga p’wede?
   
    Klarong-klaro kay Hansel ‘yon. Ang sabi niya, patusin ko na ang lahat, ‘wag lang ang kapatid niya.
   
    We’re best friends. Talagang natural na bawal pumorma sa kapatid. That’s one of the bros’ codes. Eh, wala naman talaga akong pakialam do’n. Kayang-kaya kong tumaliwalas do’n at manligaw kay Han. Kaya ko ‘yon . . . kung hindi lang mataas ang respeto ko kay Hansel.
   
    Kaya nga heto ako ngayon at ang bagal umusad. Para pa ngang naghihintay na lang ako ng milagro.
   
    Eh, ang labo yata ng milagrong hinihintay ko. Matigas ‘yon si Hansel, eh.
   
    I don’t know if he notices my affection towards his sister. Hindi ko alam. Hindi ko naman sinasabi sa kaniya kasi sa oras na malaman niya ‘yon . . . matik na buwag kami. Baka ilang suntok din ibigay niya sa akin, tapos siyempre ako, hindi dapat papatol sa kaniya kasi galit nga siya sa akin. Oh ‘di, luging-lugi ako no’n? Ano ‘yon, bugbog na nga ako tapos bawal pa rin pumorma?
   
    Kung sakaling malaman niya, alam kong hindi niya ako matatawad dahil ilang beses niya nang sinasabi sa akin na ayaw niyang popormahan ko si Hanese, tapos iisahan ko siya?
   
    Kung magkaaway kami ni Hansel tapos manliligaw ako kay Han, e ‘di, umpisa pa lang, bad shot na agad ako. Baka nga ‘di pa ako bumebwelo, basted na ako, eh.
   
    Pambihirang buhay talaga, oo.
   
    Kaya sabi ko na lang sa sarili ko, maghihintay ako.
   
    O . . . kung wala talaga, siyempre ‘di ako papayag!
   
    I have so many fucking options. But those options are too vague for me to do something. Walang kasiguraduhan . . . sa ngayon. Ewan ko. Kasi isang maling galaw ko lang, may masisira, eh. Paano kung pumalpak ako, tapos mawala si Han sa akin?
   
    Baka kahit kaibigan lang, ‘di na p’wede?
   
    Napailing ako at uminom ng malamig na tubig.
   
    “Tang ina mo naman, Gildo. Nakakailang siko ka na sa akin, ah?” Tumingin ako kay Zero na palapit sa akin, galit na galit. “Ano ba’ng problema mo?”
   
    “Masakit?”
   
    “Tang ina mo! Natural masakit, bobo ka ba?”
   
    Ngumisi ako. “Paisa nga sa mukha?”
   
    “Tarantado. Eh, kung ako kaya ang umisa sa ‘yo?”
   
    Humalakhak ako saka bahagyang lumayo sa kaniya sa bench. “Yuck, Selmo. Akala ko ba sa babae ka umiisa? Iba na type mo ngayon?”
   
    “Joke ‘yan? Ang corny mo, gago.” Lumukot ang mukha niya. “Tang ina mo talaga.”
   
    Tumawa pa ako lalo para mang-asar bago lumagok ulit ng tubig.
   
    Katatapos lang ng practice namin. Buong araw kaya parehong tagaktak ang pawis namin ni Zero. Paano’y binatak kami ni Coach sa drills kaya ang iba ay nakahandusay pa rin sa sahig hanggang ngayon. Ramdam ko nga rin ang paninigas ng buong katawan ko kahit na tapos naman na ako mag-stretching nang matapos kami.
   
    Pagkatapos uminom ay binaba ko ang bote ng tubig na hawak at pinasadahan ang basang buhok gamit ang mga daliri. May narinig akong tilian sa bandang gilid, pero hindi ko pinansin at nagpatuloy sa pag-ayos ng buhok ko. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang pagngiwi.
   
    Damn, I think I will get a haircut today. May bukas pa kayang barbershop? Tss. Isasama ko na lang si Han. Pero . . . baka umuwi na ‘yon. Uwian na, eh.
   
    “Tumigil ka na nga, Gildo.” Tinapik bigla ni Carlo ang dibdib ko nang dumaan siya sa harapan ko. Natatawang umatras naman ako, muntik na siyang sapukin sa ulo.
   
    “Binabaliw mo na naman ang mga fans mo, oh,” sabi ni Tony na kasunod lang ni Carlo.
   
    Umupo ang dalawa sa tabi ni Zero at mga kapwa natatawa sa akin kahit na ‘di naman sila nagsasalita. Mga tukmol talaga, pinagtutulungan pa ako.
   
    Nilingon ko kung ano ang tinutukoy nila, doon sa bandang gilid kung saan ang tilian. Kung kanina’y malakas na ang tilian, mas lumakas pa no’ng bumaling ako. No’ng una’y medyo nairita pa ako sa ingay. Pero nang matanaw ko si Han sa may lower bench, kunot ang noo at mukhang bad trip na sa ingay ay napangisi ako.
   
    Ba’t nandito pa ‘to ngayon?
   
    “Mayabang talaga ‘tong si Gildo, eh. Kita mo, nakangiti na sa fans niya,” ani Carlo.
   
    “Baka may chix na nakita.”
   
    Tumayo naman ang uto-utong si Zero at nakitanaw sa gilid ko. “Saan?”
   
    Humagalpak ng tawa sina Tony at Carlo. “Gago, Zero, akala ko ba pinopormahan mo ‘yong Ayesha?”
   
    “Huh? Hindi, ah. Sino may sabi?”
   
    “Sinabi mo⏤” Natigilan si Carlos saka kami nagkatinginang tatlo ni Tony saka tumawa. “Gago, na-basted ka?!”
   
    Nag-iwas ng tingin si Zero. “Wala akong alam d’yan sa sinasabi mo.”
   
    Lalong natawa ang dalawa, inaasar si Zero. Ako naman ay napatingin ulit kay Han, mukhang gusto nang umalis mula rito. Eh, tapos naman na ang practice, kaya patakbo akong lumapit sa kung saan siya.
   
    “Oh, saan ka pupunta, Gil?” tanong ni Tony.
   
    “D’yan lang,” sagot ko nang ‘di lumilingon.
   
    “May chix ka lang, eh!"
   
    “Congrats, Gido, tuli ka na!”
   
    “Sama mo ‘tong si Zero, Gil, inggit na, eh.”
   
    Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso ng lakad. Pati mga ibang members ay sumasama sa kantyawan, eh. Mga hayop ‘to.
   
    Muling nag-ingay ang mga nanonood sa parehong parte kung saan si Han. Dahil doon, nag-angat siya ng tingin mula sa libro niya, kunot-noo lalo na nang matanaw akong papalapit.
   
    She’s not wearing any hair ties today. Ang madalas na nakaipit niyang itim na buhok ay maayos na nakalugay sa likuran niya. Naging marahan tuloy ang paglapit ko. Ang takbo ay naging lakad. Ang saya ay napalitan ng kaba. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko galing sa practice ay bumabalik habang palapit ako kay Han.
   
    You fucking idiot, Gildo. Ba’t ka lumapit? Hindi ka pa naliligo, tanga!
   
    Aatras na sana ako kaso kusa nang tumayo si Han para siya na ang lumapit sa akin. Natigilan ako.
   
    Halos murahin ko ang sarili.
   
    Ngayong siya na itong lumalapit, tutunganga ka?
   
    “Are you done?” tanong niya, nakahalukipkip at yakap ang libro na dala.
   
    Binasa ko ang title. Harry Potter and the Goblet of Fire. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng nanunuyang tingin.
   
    “You’re into that kind of sh . . .” Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangisi ako. Kinuha ko ang libro at kunwaring iniinspeksyon. “Kind of book now?”
   
    “Don’t mock me, Gildo. You sci-fi geeks are really annoying and so mayabang.”
   
    “What?” Tumawa ako humakbang palayo sa kaniya. Baka maamoy ako, eh. “Who’s mocking now? Pakialam mo kung sci-fi ang binabasa ko? They’re great.”
   
    “Pakialam mo rin kung fantasy ang binabasa ko? Harry Potter Series is great. Don’t look at me as if it’s the most horrible series you’ve read. ‘Di mo pa nga nababasa, puro ka na judge!” Saka niya inis na binawi ang libro mula sa akin.
   
    “Chill, baby.” Maingay pa rin nang tumawa ako. “I don’t have any issue about the book. ‘Yong . . .”
   
    Tumaas ulit ang kilay niya. “Ano? Do you have issues about the reviews? The author? People love the movie, you know that. I remember you loving the movies, too, before. Tapos you’re bailing it now? Kaka-sci fi mo ‘yan, Gildo.”
   
    Sasabihin ko na sana ‘yong issue na nabasa ko, kaso napakagat na lang ako ng labi para pigilang matawa at umiling na lang. I only liked it because I love spending time with her. Limot ko na nga ang plot no’n kasi sa kaniya lang ako nakatingin.
   
    Tss. Maybe her reading fantasy genre is better than reading adult romance. Tang ina. Aatakihin yata ako kapag malalaman kong nagbabasa siya no’n.
   
    “Alright.”
   
    Her brow shoots up. “Alight?”
   
    “You win.”
   
    Ngumisi siya. “Na ano? Na fantasy books are good, while your taste sucks?”
   
    Hell no. ‘Yon ba ang pinatatalunan namin? Tss. Wala naman point ‘tong pinag-uusapan namin, eh. Pero, sige. Tumango ako, pinagbibigyan siya. Whatever you say, Han. Hmm.
   
    “Why are you here?” pag-iiba ko na lang saka kinuha ang bag niya at sinukbit sa balikat ko. Napangiwi pa ako dahil tight pa rin ang muscles at kumikirot pa ang katawan ko galing sa practice. Pero ‘di ko na lang pinahalata lalo na’t nakatingin siya sa akin, nakanguso.
   
    “Sabay na tayong umuwi.”
   
    “You waited for that?” Nag-umpisa na akong maglakad para sumunod siya. “You can go first. P’wede mo naman tawagan ang driver n’yo.”
   
    “Kuya Hans left me kasi may date. Eh, ayaw ko pa umuwi kaya nandito ako. If that’s fine with you. Unless . . .” Nilingon niya ako, nanunukat ang tingin. “You have a date, too?”
   
    Lihim akong napangisi.
   
    Date? Hmm.
   
    “Meron.”
   
    She stops walking. Huminto rin ako kasi nakatingin ako sa kaniya no’n.
   
    Dinig ko ang tawanan ng tatlong ugok sa ‘di kalayuan, pero ‘di ko sila pinansin. Busy ako para mamansin ng mga walang kwentang bagay⏤o nilalang. Balewala lahat. Tila pa nga nawalan na ako ng hiya sa amoy ko at nilapitan si Han na natigilan.
   
    “Han?”
   
    “Oh,” aniya nang makabawi saka ngumiti sa akin. “Is that so? May date ka . . . ? Then . . . uuwi na ako kung gano’n.”
   
    Wala sa sariling tumalikod na siya kaya humalakhak ako at hinila siya pabalik para pigilan. “No. May pupuntahan pa tayo.”
   
    “Huh?”
   
    “Papagupit ako. Come with me, after kong maligo.”
   
    “Why?” Balak niya pa na hilahin ang kamay niya mula sa akin, pero ‘di ko siya binitiwan. “Uwi na lang ako, Gildo.”
   
    “No. You’ll wait for me until I am finished washing up.”
   
    “Ayoko,” matigas na sagot niya, ‘di na makangiti. “What, sasamahan kitang magpapogi para sa date mo? I’ll get bored, Gildo. And don’t you even think of making me a third wheel. I’ll throw my hardbound books at you.”
   
    “Ouch.” I laugh despite the fact that she’s threatening me. “Come on. After that, we’ll eat. Treat ko naman.”
   
    “No.”
   
    “Han.”
   
    She shakes her head as she averts her eyes away from me. “I said, no.”
   
    I sigh. Namana talaga nito pagiging tigasin ni Hansel, eh.
   
    “E ‘di, iuuwi agad kita pagkatapos kong magpagupit. You won’t get bored. You won’t be a third wheel. Basta ako ang maghahatid sa ‘yo. How’s that sound?”
   
    Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin.
   
    Napansin kong lumalabas na ang mga nanonood sa amin kanina. Even those groups of girls who keep on shouting around Han are leaving. ‘Yon nga lang ay nagtatagal ang tingin nila sa amin. Mabuti nga at nakatalikod si Han mula sa kanila para makita sila.
   
    If she’ll see the way how they look at her, paniguradong aawayin na naman ako nito.
   
    “Alright then,” walang gana kong sabi nang ‘di pa rin siya umiimik. “Ihahatid lang kita. Hintayin mo na lang ako rito⏤”
   
    “Fine.”
   
    Ako naman ang naguluhan. “Fine?”
   
    “I’m going with you.”
   
    “Ha? Saan?” Nag-isip ako kung alin sa mga binanggit ko. “Maligo?”
   
    “Dummy.” Umirap siya kaya napangisi ako. “I mean I’ll go with you to the barbershop, then you’ll drop me off at our house. Basta ‘di ako magiging third wheel. I don’t want any drama with your flings, Gil.”
   
    “Hoy, anong flings pinagsasasabi mo?” Tumawa ako.
   
    Ni tumingin nga sa iba, ‘di ko magawa. Magka-flings pa kaya?
   
    Iniwan ko siya sa bench naming mga players. Isasama ko sana siya sa locker room, pero baka bigwasan naman ako nina Coach at Hansel. 
   
    Mabuti at nandito ‘yong girlfriend ni Royo na si Nadia. Ka-batch namin at mukhang kaibigan naman ni Han kaya madali kong naiwan para maligo ako. Pucha, ‘di sana ako mapapakali, eh. Alangan naman iwan ko kina Carlo? Baka pumorma pa ang mga ‘yon sa kaniya at kung ano-anong chismis ang sabihin kay Han.
   
    Hindi na ako nagtagal sa shower at binilisan na pati ang pagdadamit. Gusto pa sana akong kausapin ng ilang teammates ko na nandito sa shower room pero ‘di ko na ma-entertain dahil sa pagmamadali.
   
    “Let’s go.”
   
    Gulat si Han nang nilingon akong nasa gilid na nila. Pati si Nadia ay ‘di inaasahan ang presensya ko.
   
    “Tapos ka na agad?”
   
    “Oo.” Hinila ko na siya patayo. Nahulog pa ‘yong librong hawak niya kaya pinulot ko muna bago ko kuhanin ang bag niya at sinukbit.
   
    “Aalis na kayo?” tanong ni Nadia.
   
    “Uh, yeah?” si Han ang sumagot. Aamba pa siyang aabutin ang bag niyang dala ko, pero umilag ako at ngumiti kay Nadia.
   
    “May pupuntahan pa kami, eh, baka magabihan.” Ngumisi ako. “Kayo?”
   
    “‘Di pa tapos si Royo.”
   
    Tumango ako. Si Han naman ay saglit pa na nagpaalam bago sumabay sa akin palabas ng gym.
   
    “Akin na. Mukhang mabigat ‘yang bag mo, Gil.”
   
    Napatingin ako sa duffel bag na hawak ko. Ang isang bakanteng kamay ko naman ay hawak ang palapulsuhan ni Han. Kung ibibigay ko ang bag niya, bibitiwan ko siya. Mukhang ‘di pa naman niya napapansin.
   
    Paano ‘yon . . . Ano’ng idadahilan ko para hawakan siya ulit?
   
    Kaya umiling ako at hinila siya papuntang sasakyan ko. Hindi siya bumitiw at sumunod lang. Nagrereklamo siya tungkol sa bag niya na sukbit ko, pero hindi dahil hawak ko siya.
   
    E ‘di, siyempre, ngiting aso na naman ako.
   
    Tang ina. Dala ko yata ang saya na ‘yon sa biyahe kahit na ‘di ko na siya hawak at tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa Supremo.
   
    Pagkapasok pa lang, sumalubong na kaagad sa amin ang mapusyaw na ilaw ng barbershop.
   
    Nakita kong medyo namangha si Han na nasa harapan ko nang makapasok kami. She looks around as I watch her from behind. The yellowish lights from the ceiling are reflecting on her eyes, making them look like they’re shining. Tuloy ay ako naman ang namangha at napatitig sa kaniya.
   
    Beautiful. Lagi naman.
   
    “Ang ganda naman dito, Gil. Mexican ba ang theme nila rito?” tanong niya sabay lingon sa akin.
   
    Agad ako napaayos ng tayo at tumikhim. “Ha? Ah, oo,” yata?
   
    Hindi ko na matukoy kung anong theme nila rito. Eh, pare-parehas lang naman ang mga barbershop, ‘di ba? Napakamot ako sa ulo. Should I fucking start memorizing all the barbershops around here? Para kung sa susunod ay alam ko na ang isasagot kay Han.
   
    Bumuntong-hininga ako dahil hindi na nagsalita si Han no’n. Kahit no’ng nilapitan ako ng isang barber na mukhang kilala na ako ay sumenyas lang siya sa akin na uupo sa waiting bench sa may likuran.
   
    Hindi na rin ako kumontra dahil sa tapat ko naman siya umupo kaya tanaw ko pa rin siya mula sa salamin nang maupo na ako. Sinabi ko ang gusto kong gupit sa barber habang nakatingin kay Han. Napatingin din siya sa salamin at mukhang nagulat pa na nakatingin ako kaya mabilis din siyang nag-iwas ng tingin.
   
    My lips protrude when she can’t look at me anymore. ‘Yon na ‘yon? Ang bilis naman.
   
    Gusto kong tumingin siya sa akin, ngunit inabala niya na ang sarili sa pagbabasa. Ngayon, ako naman ang nabahala habang ginugupitan ako. Am I boring her already?
   
    Hindi ito ang una niyang pagsama sa akin na magpagupit. Sa mga pagkakataon na ‘yon, hindi siya nagreklamo kaya hindi ko alam kung ayos lang ba na ganito. Na pinaghihintay ko siya. Kinakabahan tuloy ako dahil baka mamaya ay bigla-bigla na lang siyang makapagdesisyon na umuwi nang mag-isa habang ginugupitan pa ako.
   
    Kaya gano’n na lang ang ginhawang naramdaman ko nang matapos na. Nang tumayo ako ay ‘tsaka pa lang ulit nag-angat ng tingin si Han. Tss.
   
    “You . . .” Saglit siyang natigilan. “. . . done?”
   
    “Yup.”
   
    Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri saka napangiwi. Lumingon ako sa salamin at bumusangot. Pucha, masyado yatang . . . ewan ko, pangit ba?
   
    “You changed your hairstyle,” aniya pagkatapos kong magbayad at magbigay ng tip.
   
    When my gaze slips back to her, her eyes remain on my hair that’s making me a bit conscious. May pakagat-kagat pa kasi siya ng labi, eh. Mukhang natatawa!
   
    “Tara na nga.” Halos umirap ako nang hatakin ko na siya para maglakad.
   
    “Undercut, huh?” she teases.
   
    Damn it. Sabi ko na. Hindi ba bagay sa akin? Gusto ko tuloy magsisi na naisipan ko pa magpagupit. Dapat ay trim na lang kung gano’n. But . . . tang ina kasi, ‘di ako makapag-focus sa laro dahil sa buhok ko.
   
    Umiling na lang ako nang pinagbuksan ko na ng pinto si Han, nanunuya pa rin ang tingin sa akin.
   
    “Labas na. Gabi na, oh.”
   
    She grins at me. “You look . . .”
   
    “Shh!” Inakbayan ko na siya at tinakpan ang bibig niya bago pa siya makapagsalita.
   
    Laitin na ako ng iba, okay lang. Pero ang malait ni Han ay hindi. Tang ina. Kapag sinabi niyang pangit ka, pangit ka talaga. She doesn’t take or talk any shit. She’s brutally honest⏤one thing that I love about her. Pero kapag sa akin niya na ina-apply, naiirita ako dahil palagi siyang tama.
   
    “Ano ba?” Natawa siya nang alisin niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya nang makalabas na kami ng barbershop.
   
    “Kung pangit lang ang sasabihin mo, manahimik ka na lang, please.”
   
    Mas natawa pa siya lalo sa sinabi ko. If she thinks that I’m not aware of her when she snakes her arm around my torso while we’re walking, then she’s wrong. I’m always fucking hyperaware of her whenever she’s this close to me. Kahit na hindi, sa kaniya lang ang atensyon ko. Sa bawat kibot niya ay alam ko. Pati yata ang paghinga niya ay tila kabisado ko na.
   
    And I wish she knows how the fuck she can affect me.
   
    Kung p’wede lang.
   
    Minsan, napapaisip na lang ako kung ramdam niya rin ba ako. If behind those sweet smiles and soft laughs, she can feel the shiver on my skin. If she can read my thoughts whenever she looks at me. Or . . . can she feel how I pull her closer to me by her shoulder?
   
    Umiling ako. Imposible. I’d be labeled as fucking delusional with by thinking like that.
   
    “Pumasok ko na nga,” sabi ko nang pagbugksan ko siya ng pinto ng sasakyan ko.
   
    “Iuuwi mo na ako?” Natatawa pa rin man, ngunit pinilit niyang magseryoso. Akala naman nito, ‘di ko mapapansin. Eh, panay pa rin ang tingin sa buhok ko, eh!
   
    “Sakay na, Han.”
   
    “Tss.” Sumakay na nga siya. Sinara ko na ang pinto bago pa niya ako maasar. Kaso nang umikot ako at pumasok sa driver’s seat, bumuntong-hininga ako dahil umupo na ako’t lahat, gano’n pa rin ang tingin niya sa akin.
   
    “‘Wag mo nga akong tingnan ng gan’yan.”
   
    “What?” She laughs. Kahit na naiinis ako sa kaniya ay ‘di ko pa rin magawang iignora kung gaano kasarap pakinggan ang tawa niya. “You look . . . funny with your new hairstyle.”
   
    Haha. Funny? Ako?
   
    Hindi ako sumagot at in-start na lang ang makina ng kotse ko.
   
    “May nakita akong gan’yan, eh. Some K-pop idol na crush ni Irene.”
   
    Tumaas ang kilay ko. “Crush mo rin?”
   
    “No,” tawa niya. “Naalala ko lang. You look like him with that haircut. I don’t know his name, but Irene said he’s from . . . CNT? Basta, something like that. At saka matangkad din ‘yon, Gil.”
   
    “Oh, eh, ano ngayon?” Sinulyapan ko siya, naiinis pa rin. “Mas pogi ako, Han.”
   
    “Irene will smack you hard if she hears that.” Nakangisi siya sa akin bago ko pa ibalik ang tingin ko sa daan.
   
    Tss. Paki ko naman do’n?
   
    Dapat kasi ay ‘wag na siyang sumasama-sama sa isang ‘yon. That girl is crazy. Sa tuwing nakikita ako no’n ay lagi akong hinahampas, sinasakal, at sinisipa. Tang ina, may galit yata sa akin ‘yon, eh.
   
    “Hindi ba magagalit si Hansel?” Inilihis ko na lang ang usapan bago pa ako tuluyan ma-bad trip.
   
    “No. He has a date, so he’ll probably stay out late,” aniya. Tumango naman ako, ngunit nagulat din nang hampasin niya ako sa braso ko. “Oh, I remember something! ‘Wag mo muna pala ako iuwi. Sa mall mo na lang ako i-drop.”
   
    “Bakit?”
   
    “I need to buy something.”
   
    Ngumuso ako. Ayaw ko sana dahil may iba akong plano. Pero . . . ‘yon ang gusto niya, eh. Kung dadalhin ko siya sa Tagaytay ngayon nang ‘di niya alam, siyempre mawiwirduhan siya. Papatayin ako ni Hansel kapag nalaman niya. At saka baka mag-away pa kami ni Han kaya . . . sige na nga.
   
    Napagpasyahan kong sa Cloverleaf na lang kami pumunta dahil mas malapit. Pumayag naman si Han kaya mabilis din kaming nakarating agad.
   
    Pagka-park ko ay lagpas alas sais na nang hapon pagkatingin ko sa relo ko. Madilim na, pero marami pa rin akong nakikitang mga tao na labas-pasok sa mall. Medyo nag-alanganin tuloy ako dahil baka matao sa loob at . . . ‘di ako makadiskarte.
   
    “Thank you,” sabi ni Han nang matanggal niya na ang seatbelt.
   
    Inalis ko rin ang seatbelt ko kaya napalingon siya sa akin bago niya pa mabuksan ang pinto. Nagtataka ang tingin at tila ba nagulat nang patayin ko ang makina ng sasakyan ko.
   
    “What are you doing?” tanong niya. “May date ka pa, ‘di ba?”
   
    Sinimangutan ko siya. “Yeah.”
   
    “Then what are you doing? You should go. Baka naghihintay na ‘yon sa ‘yo.”
   
    “Nah.” Pinasadahan ko ang bagong gupit na buhok ko saka ngumisi. “Dito rin ang date namin kaya, uh . . . sasama ako sa ‘yo sa loob.”
   
    “What?” Sumalampak siya sa backrest at matalim akong tiningnan. “Ba’t ‘di mo sinabi sa akin agad? I told you, Gildo, ayaw kong maging third wheel n’yo.”
   
    Ah, she’s mad. Eh . . . hindi ko naman p’wedeng sabihin na siya ang date ko.
   
    Kaya napakamot ako sa ulo saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Sorry, biglaang sinabi, eh. Saka . . . you won’t be a . . . third wheel. Promise.”
   
    “Of course, I won’t,” mariin na sabi niya. “Because I’m going home now.”
   
    Nanlamig ako nang buksan niya na ang pinto. Bago pa man siya tuluyang makalabas, hinila ko na siya sa palapulsuhan niya. Kaso, nagalit ko nga yata kaya winasik niya ang kamay ko at binalingan ako na masama na ang tingin.
   
    “Sorry,” agad na sinabi ko bago pa siya tuluyang magalit sa akin.
   
    Hindi na siya natuloy sa paglabas at tinaasan ako ng kilay. “Naiinis ako sa ‘yo, alam mo ba ‘yon?”
   
    Ngumuso ako at yumuko. Gusto lang kitang i-date, eh.
   
    “Sinabi mo sana,” pagpapatuloy niya. “Nakakahiya sa date mo. You know how I hate getting in between your girls and love life. Sa akin sila nagagalit kapag nakikitang magkasama tayo.”
   
    Napaangat ako ng tingin at nagkunot ng noo. “Galit? Sino? May umaaway sa ‘yo?”
   
    “That’s not the point.” Nag-iwas siya ng tingin saka bumuga ng hininga. “Fine. To make you feel better, I’ll stay. Pero ‘di ako sasama sa inyo. Hindi rin ako sasama sa pag-uwi sa ‘yo mamaya⏤”
   
    “No,” angal ko kaagad. What made her think that I’ll let her go home alone? “Ihahatid kita, Han.”
   
    “Magta-taxi ako⏤”
   
    Hindi ko na siya pinatapos dahil binuksan ko na ang pinto sa gawi ko at lumabas. Nang isarado ko ay naabutan ko pa siyang mukhang nabigla sa ginawa ko.
   
    Tss. There’s no freaking way I’ll let you take a cab when I’m here. Ako ang maghahatid sa ‘yo, ano ka?
   
    “Baba na,” sabi ko nang umikot ako.
   
    Nakabukas na ang pinto kaya hinintay ko na lang siyang lumabas. Nakahilig ang siko ko sa sasakyan, habang ang isang kamay ay nakaabang sa kaniya para alalayan.
   
    Mula sa loob ay hindi pa rin naaalis ang pagkabigla sa mukha niya. Kahit no’ng lumabas siya ay gulantang siyang nakatitig sa akin. Hindi ko na nga lang pinansin at tinuon na lang ang pansin sa pag-aalalay sa kaniyang lumabas⏤hawak ang kaniyang siko habang nakatakip ang isang palad ko sa taas ng sasakyan para ‘di siya mauntog.
   
    “Ang tigas ng ulo mo,” bigla niyang sabi nang isarado ko na ang pinto at pinatunog ang kotse ko para i-lock. “Kapag nainis ang date mo sa akin, bahala ka.”
   
    Hindi ako umimik. Paanong maiinis, eh, ikaw ang dini-date ko? Hay. Kung alam mo lang talaga.
   
    Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos no’n hanggang sa makapasok kami. Tama nga ang hinala ko na matao pa rin dito kahit pagabi na. Pero nawalan na ako ng pake dahil pareho kaming bad trip ni Han nang makapasok na.
   
    Tahimik siya kaya alam kong naiinis na sa akin. Naiinis din ako, pero hindi p’wede dahil wala naman kahahantungan kung pareho kaming maiinis.
   
    Kahit no’ng sinabi niyang ‘wag akong sumunod sa kaniya ay ‘di ako nakinig at sinundan pa rin siya. Kaya lalo siyang nainis sa akin habang todo paraya ako at nanahimik lang sa tabi niya para ‘di siya lalong mairita sa akin.
   
    “Nasaan na ba ang date mo?” inis na tanong niya nang makapasok kami sa bookstore.
   
    Hindi ako sumagot. Panay pa rin ang tanong niya, ngunit hindi ko talaga siya pinansin.
   
    “Nakikinig ka ba?” Tumingala siya sa akin, masama ang tingin.
   
    Nag-iwas ako ng tingin at ginala ang paningin. Kung ayaw niyang nandito ako, she should have pretend that I’m not here. Kasi kahit na ano’ng pagtataboy niya sa akin ay hindi ako aalis.
   
    “Gildo,” tawag niya.
   
    Hindi ako lumingon.
   
    “Hey, I’m talking to you.”
   
    Luh. ‘Wag mo akong kausapin, Han. Baka mainis ka na naman sa akin.
   
    “Are you ignoring me?”
   
    Doon na ako tumingin sa kaniya dahil tunog naiirita na naman siya sa akin. Maayos na siyang nakatayo ngayon. Kanina kasi ay nakaupo siya habang chine-check ang mga bagong labas na libro. Ngayong nakatayo ay may yakap na siyang tatlong makakapal na libro⏤dalawang hardbound at isang paperback.
   
    Inagaw ko sa kaniya ang mga ‘yon na ikinagulat niya.
   
    “Ito lang ba?” tanong ko habang iniisa-isang tingnan ang mga pinili niya.
   
    Of couse, mga fantasy na naman. Ang isa ay may halong romance. Kumunot ang noo ko at binasa ang blurb sa likod ng libro. Nang mukhang okay naman ay ‘di ko na pinuna.
   
    “Kulang ng isa, wala rito.”
   
    Tumango ako at tumalikod para pumunta sa cashier para magbayad. Narinig ko naman ang mabilis na pagsunod niya mula sa likuran ko.
   
    “Ako na ang magbabayad⏤”
   
    “Ako na,” putol ko sa kaniya.
   
    Mabilis kong binigay ang card ko sa kahera bago pa man ako maunahan ni Han. Kahit na ramdam ko ang masamang tingin niya sa gilid ko ay hindi ko siya nilingon.
   
    “Ang kulit mo talaga, Gildo,” sabi niya. “Is your date not here yet?”
   
    Hindi ulit ako sumagot.
   
    She sighs at my unresponsiveness. “Kung wala pa, ihahatid mo na ako kung gano’n. Kung ayaw mong mag-commute ako . . .”
   
    “Hindi.” Kinuha ko na ang mga libro niya at card ko nang tapos nang mabayaran.
   
    “What?” She’s frowning again when I briefly glance at her. “Then what do you want me to do to go home? Gusto mong maglakad ako?”
   
    “No.” Ngumuso ako at tiningnan siya. “Hindi ka pa rin ba tapos mainis?”
   
    “Huh?” Bumuka ang bibig niya. Kita mo, naiinis na naman. Kaya ayokong nagsasalita kapag naiinis siya, eh.
   
    Naglakad na ako palabas ng bookstore, sumunod siya, mukhang galit na.
   
    “Ako pa ang naiinis ngayon? Eh, hindi mo nga ako pinapansin,” habol niya.
   
    Umirap ako.
   
    Paano kita papansinin, eh, kahit atensyon ko, naaalibadbaran ka?
   
    “Nasaan na ba ‘yong date mo? She should be here. Doon ka na lang⏤”
   
    “Wala na.”
   
    “Huh?”
   
    “Wala ng date.”
   
    “What do you mean ‘wala na’? Did she ditch you?”
   
    Humabol siya sa akin para maabutan ako. Ngayong magkatabi na kami ay sinadya kong bumagal para magpantay kami. Para ‘di na rin siya mahirapan kasi tatlong hakbang ko lang ay nagiging takbo na sa kaniya.
   
    “She said she’s busy,” palusot ko na lang para matigil siya.
   
    “Oh?” Nilingon ko siya nang may mahimigan ako sa tono niya. Nakangisi na siyang ngayon sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “She ditched you nga.”
   
    Ditch? Tss. Oo na lang.
   
    “Let’s go.” Hinila ko siya. Ngumisi siya lalo saka nagpatianod sa hila ko.
   
    Ano ba ‘yan. Hindi man lang ako binigyan ng chance magpakipot.
   
    Kita mo, kaninang bad trip kami ay halos hindi kami makangiting pareho. Tapos isang ngiti niya lang, burado agad?
   
    Gusto kong mainis sa pang-aasar niya gaya ng ginawa niya kanina, pero pucha, asa naman akong manunuyo ‘yan sa akin. Tatawa lang siya sa akin saka mang-aasar lalo. Gano’n siya, kaya kung mag-iinarte ako ngayon sa harapan niya ay magmumukha lang akong tanga.
   
    “Okay, uwi na tayo.” Tuwang-tuwa na siya. Ngayong good mood na siya ay siya na mismo ang kusang kumapit sa braso ko. She's now showing her toothy grin at me. May pasundot pa siya sa tagiliran ko. "Baka umiyak ka na, eh.”
   
    Ngumisi rin ako saka lumiko papuntang arcade. Hah. Sino’ng iiyak? Ako?
   
    “I won’t cry for a mere date, Hanese.”
   
    Kung totoong date natin ‘to, baka do’n p’wede pa.
  

UN☪ | 02niin

Beyond the VeilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon