H A N E S E
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
“Ano ba, Gildo, bitiwan mo na nga ako. Mali-late ka na sa flight mo, oh!”
Ngunit hindi siya sumagot at nanatiling nakayakap sa akin. I sigh. Kahit anong panunulak ko sa kaniya ay para pa rin siyang tuko kung makakapit sa akin. Mula nang magising ako ay ganito na siya.
Oo, nakaligo at nakabihis na siya nang magisingan ko siya. Kaya nga mas naiinis ako dahil nakayakap siya sa akin, eh, ‘di pa ako nakakaligo!
“Gildo, isa,” bilang ko, tunog nagbabanta na.
“Sumama ka na kasi sa akin,” sabi niya.
His face is on my neck. Talagang subsob sa akin kaya hindi ko maiwasang makiliti tuwing humihinga siya.
I try to push him away again, but he only tightens his arms around my waist, pulling me closer into him⏤as if squeezing me. Ah. Tumigil na akong itulak siya. God, I give up. Bahala siyang maamoy ako.
“Ang kulit mo naman.”
“Kasalanan mo,” he mumbles.
I pout. “Tss. Kasi naman. Kung sasama ako sa ‘yo, ano naman ang gagawin ko ro’n habang busy kang nagtatrabaho?”
“Marami,” sagot niya agad. “Lambingin ako?”
Hinampas ko nga siya. “Be serious nga!”
“Seryoso ako!” Narinig ko sa tono niya na natatawa siya nang iangat niya ang ulo niya mula sa leeg ko. He doesn’t look serious to me at all. He’s grinning even though he’s pursing his lips to pout. “Kung sasama ka, e ‘di, ‘di kita mami-miss.”
“’Yan ka na naman, eh.” Napailing ako, saka ‘di rin napigilan ang sarili na matawa. Hindi ko alam kung bakit ‘di pa rin kumukupas ang ka-corny-han niya.
“Ang saya mo, ah?” Sa wakas ay lumayo na siya sa akin. But he’s still holding me on my waist, his thumb is mindlessly caressing my curves. Nawala rin agad ang atensyon ko sa daliri niya nang patakan niya ako ng mabilis na halik sa gilid ng labi ko. “Porket alam mong magiging miserable ako dahil sa ‘yo, ang saya-saya mo na?”
“Ang OA mo naman.” Nangingiting inabot ko ang buhok niyang magulo kahit bagong ligo na. “Three days ka lang naman mawawala.”
“Ang haba no’n, baby.” Ngumuso siya. Napatili ako nang bigla niya akong binuhat para iupo sa kandungan niya! “Ayaw ko no’n. ‘Di ko kakayanin.”
Natawa ako at hinayaan na lang ang baba ko na ipatong sa tuktok ng ulo niya habang nakasubsub siya sa akin. “Bakit naman?”
“Eh, ngayon pa nga lang, nami-miss na kita.”
“Tss. Weak ka pala, eh.”
“Ang yabang mo,” bulong niya, ramdam ko ang paghaba ng nguso niyang nakadikit sa balat ko. “Parang ‘di mo rin ako mami-miss, ah?”
Hindi ako sumagot at napailing na lang.
“Oh, ano, ano?” Lumayo ulit siya para tumingala sa akin, nakanguso pa rin. “Baka nakakalimutan mong umiyak ka noon no’ng isang araw lang akong nawala?”
“Hoy, hindi, ah!”
He response quickly. “Anong hindi, eh, sinabi nga sa akin ni Yura na ‘di ka mapatahan? Tanda ko pa ‘yon, uy! Kailangan pa akong tawagan para tumigil ka sa pag-iyak!”
Napanguso ako nang maalala ‘yon.
“Tama na nga.” Aalis na sana ako sa kandungan niya, pero lalo niya pa akong hinapit sa baywang para pigilan ako. “Gildo!”
“Kita mo, kita mo. Tapos ngayon, atat kang paalisin ako?”
I look down, avoiding his gaze. “Iba naman kasi ‘yon, eh . . .”
“Paanong iba?”
Ako naman ang napanguso, ‘di pa rin makatingin sa kaniya kahit na yumuko na siya para silipin ako. “Kasi kasama mo ‘yong . . . dati mong secretary sa trip mo na ‘yon.”
“Oh?” dinig ko ang pagkabigla sa tono niya. “Sino ro’n?”
I look up at him to sneer and point a finger on his face. “See? Sa dami ng naging secretary mo, hindi mo na sila matandaan!”
Natawa siya saka hinuli ang daliri ko. Hindi niya binitiwan ‘yon. Instead, he kisses it before trapping it in his hand. “Sorry na. Eh, hindi ko nga alam kung sino ‘yong tinutukoy mo sa mga ‘yon. Sino ba, baby? Hmm.”
Naiinis ko siyang tiningnan. He knows who I’m talking about. Alam ko dahil ang ganda ng ngiti niya habang nakatitig sa akin. It’s as if he’s testing me⏤teasing me. Tinulak ko nga kaya humalakhak siya.
“Kainis ka naman, eh!” Hinampas ko siya. “Magsama kayo no’ng Silvana!”
“Anong Silvana, love? Baka Silvia ‘yon⏤”
Tinulak ko ulit siya. “E ‘di Silvia! Doon ka kay Silvia! Sexy ‘yon saka maganda. Type ka rin no’n. Oh, ano? Doon ka na.”
“Luh?” Pinirmi niya ulit ako sa kandungan niya saka ako niyakap kahit na nagpupumiglas ako. “Ayoko ro’n, Han. Ano ka ba? Eh, ang pangit no’n saka ‘di naman siya ikaw. Kaya bakit ako doon?”
“Eh, kasi . . .” I trail off, but he shakes his head.
“Hindi, Han. Dito lang ako sa ‘yo. Dito ako lagi. Kahit itulak mo ako, ‘di ako papayag.”
Natigilan ako. Parang may kung ano’ng sumapak sa akin. The reality hits me so hard that it makes me stiff and quiet. Bigla akong nawalan ng lakas sa mga katagang sinabi ni Gildo. Sa higpit ng yakap niya ay hindi ko magawang manlaban.
I am being silly, I realize.
Bakit ba ako nag-iinarte sa kaniya ngayon? Hindi ba dapat . . . hayaan ko siyang makawala sa akin habang maaga pa?
I shouldn’t give him hope. I shouldn’t be jealous. Ayaw kong manatili siya sa akin kasi alam ko namang . . . hindi na ako magtatagal dito. No matter how much I deny it, the truth will always slap me in the face to wake me up. The truth will stay on my tongue no matter how many lies I tell. Even when I turn blind eye to my situation, it won’t change anything.
The truth will forever haunt me . . . until I die.
Kaya bakit pa?
“Natahimik ka?” he mumbles against my skin. “Tss. ‘Wag na nga nating pag-usapan ‘yon.”
I shake my head, whisking away the thoughts. I should stop thinking about that. Gildo is here. I’m still here. That’s what is important right now.
“Umalis ka na nga,” Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. “For all I know, winawala mo lang ako. Ganito mga diskarte mo, eh. You’ll talk about nonsense things to distract me.”
“Hoy, hindi, ah.”
“Sige nga, kung hindi, bitiwan mo nga ako.”
“Ayoko,” mabilis na sabi niya.
“Oh, kita mo.” Napailing ako. “Mga galawan mo talaga, bulok.”
“Okay lang.” Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya gilid ng leeg ko. “Mahal mo naman.”
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming gano’n. He won’t just let me go. Kinailangan ko pa siyang utoin para lang pakawalan ako at matinding pasensya at lambing para tumuloy siya sa flight niya.
“Call me when you get there,” sabi ko nang ihatid ko siya sa pintuan.
Ngumuso siya nang lingunin niya ako. Akala ko ay mag-iinarte na naman siya at mangungulit, ngunit hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin nang humarap siya sa akin. Kahit no’ng taasan ko siya ng kilay para sipatin kung bakit siya nakatitig sa akin ay hindi siya kumibo.
I thought it’s his way to convince me to go with him, but he’s weirdly silent. Even when he leans his side on the doorframe⏤his arms are crossed across his chest⏤his gaze doesn’t falter as he stares at me in perusal.
“What?” Medyo na-conscious ako. I’m only wearing a robe after freshening myself up. Do I look bad?
“Nakakainis,” aniya.
Kumunot ang noo ko. “Alin?”
“Ang ganda mo, baby. Hindi ako makaalis.”
I snort. Hindi ko napigilan dahil ano pa nga ba ang inaasahan ko? Hindi talaga ako masanay-sanay sa mga ganito niya.
“Baliw ka na.” Umiling ako.
Sa wakas ay ngumisi siya. “Mami-miss mo ako. Sigurado ako.”
“Ayan ka na naman.”
“Eh, ayaw mong aminin, eh!”
“Kasi dapat alam mo na ‘yon.”
“Nagpapalambing ako, Hanese.” Kulang na lang ngumuso siya.
Nalaglag ang panga ko. “’Yong kanina, kulang pa ba ‘yon?!”
Natawa siya saka inabot ang kamay ko para hawakan. “Hindi talaga . . .” Bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak. “You know I will never get enough of you.”
Kinagat ko ang labi ko para pigilang mapangiti. “Tss. Kunwari ka pa.”
“Totoo nga . . .” aniya saka nilaro ang mga daliri ko. “Tatlong araw akong mawawala. Tapos baka raw mapatagal ako ro’n nang ilang araw.”
“Oh?” Napakurap ako. “Paano ‘yong kasal ni Carlo?”
“Ay, shit!” Agad siyang napaangat ng tingin sa akin. “Oo nga, ‘no?”
“Hmm . . .” Tinitigan ko siya.
He looks troubled. Halatang nakalimutan niya ang tungkol doon kahit last month pa binigay ni Carlo ang invitation card. He’s his old friend from high school and they were teammates in basketball. Siya ‘yong laging ngumingiti sa akin kapag nakikita ako noon.
“You forgot?” tanong ko.
“I’m sorry,” sabi niya sa akin. “Kung . .
. tawagan ko kaya si Zero?”
“For what?”
“Resched my⏤”
“Gildo, ano ka ba?” Hindi ko na siya pinatapos. “Don’t tell me, balak mong i-cancel ang flight mo?”
Napakamot siya sa ulo. “Yeah?”
Sinapak ko nga siya sa balikat niya. “Baliw ka, ‘wag! It’s an important trip. Maiintindihan naman ni Carlo kung sasabihin mo sa kaniya kung bakit ‘di ka makakapunta. Saka, nando’n naman ako.”
“’Yon na nga, eh,” problemado niyang sabi. “Ikaw ang iniisip ko. Paano ka?”
I frown. “Anong ako?”
“You’ll be alone there, Han. Kung hindi ako makakaabot, wala kang kasama.”
I look at him in awe and disbelief. He really looks concerned when I thought he’s kidding. Akala ko kung ano na ang pinoproblema niya, ako pala. I can’t help how my heart swells to that. Sometimes, this side of him hits me like a firetruck. Kahit anong dalas niyang maging ganito, may mga pagkakataon talaga na nabibigla pa rin ako o ‘di kaya nagugulat gaya ngayon.
Napailing ako. “I’ll be fine.”
“Hindi para sa akin.”
“I know Carlo, Gil. Siguro naman may common friends kami na nando’n.” Inirapan ko siya at saka binawi ang kamay ko sa kaniya. “You worry like I’m a child.”
“You may not be a child, pero baby kita,” hirit niya.
“Ano ba, Gildo?” My face crumples, making him laugh. “Tama na nga! Umalis ka na, baka ma-traffic ka pa!’
Kinuha niya ulit ang mga kamay ko at kinulong gamit ang kaniya. There’s a mischievous grin on his lips, even his eyes are playful. Kahit samaan ko siya ng tingin o ‘di kaya sungitan siya ay alam kong ‘di tatalab ‘yon laban sa kaniya dahil sa ganda ng ngiti niya.
“Payakap muna ako saka ako aalis.”
“Nakailan ka na kanina, ah? Namimihasa ka na, Gildo. Stop making excuses and go.”
Mahina siyang natawa. “Last na, promise.”
“Ayoko⏤” Huli na dahil nahila niya na ako para ikulong sa mga bisig niya. I groan when I crash against him and feel his tight embrace once again. “Gildo naman, eh.”
“Shh. Saglit, sinusulit ko lang.”
“Tss.” Yumakap na rin ako sa kaniya at sumiksik sa dibdib niya. Naramdaman ko naman agad ang labi niya ulo ko kaya napapikit ako. “Stop worrying about me. I’ll be fine.”
Matagal bago siya nagsalita. “Ewan ko, Han . . . Hindi ko alam kung mas gusto kong ayos sa ‘yo na mawala ako o ayaw mo tapos pipigilan mo ako.”
“I’ve changed, Gildo.”
Narinig ko ang pagngisi niya. “Talaga lang, ah? Let’s see. Walang iiyak.”
“Baka ikaw ang umiyak ngayon.”
“Baka nga.” Natawa siya nang tuluyan saka ako hinalikan ulit sa ulo. “Patay na patay ako sa ‘yo, eh.”
“Aminado, ah?”
“Totoo naman.”
“Sus.” Napangisi ako saka niyakap siya lalo. “If you really love me that much, you must take care of yourself there, Gildo. I’ve packed thick jackets since you hate cold places. You should cook, don’t eat takeouts . . . I already told you what to do in case you’ll catch a fever. May gamot na rin akong nilagay saka hot pack para⏤”
“I know, baby,” malambing niyang sabi. “Nilista mo na lahat. I won’t forget.”
“Paano kung may nakalimutan ako?”
“You can call me.” Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. “Sa dami ng bilin mo, imposibleng may nakalimutan ka pa.” Natawa siya.
“Then you should go now . . .” bulong ko, pero parang ako naman ang ayaw bumitiw.
And I know he knows it, too, from the way he tightens his arms around me. “First time ulit natin mahiwalay nang ganito katagal kaya . . . ‘di ko maiwasan magkaganito. If I’m being annoying, that’s because I’m worried, Han.”
“Hmm. I know,” sabi ko. “But I’ll be fine.”
“You better be. Tawagan mo ako kapag may problema. Uuwi agad ako.”
I don’t like how it sounds to me⏤like he can leave his business over me⏤but in the end I nod. “Alright.”
“Saka dapat pag-uwi ko, ganito ang sasalubong sa akin,” he mumbles. I can feel his chin on my head as he talks. I snuggle on the base of his throat, and I feel him gulp twice. “Gusto ko lambingin mo ‘ko nang higit pa rito, Han.”
Napangiti ako. “Okay . . .”
“Hanese!” Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ko galing sa pamilyar na boses.
It’s the same high-pitched voice I always hear before. Irene. I smile widely upon seeing her hopping out from her white BMW. Aligaga ang pagkilos kaya naman natawa ako nang dali-dali siyang lumapit sa akin.
“OMG! Gaga ka, bakit ngayon ka lang nag-text sa akin matapos nang ilang taon?!” she starts. She removes her heavy tinted black shades and slaps my arms. “Alam mo ba kung ilang beses kong sinubukan na i-contact ka? Jusko, ni ‘happy birthday’ hindi ko magawang i-send sa ‘yo kasi akala ko nakalimutan mo na ako!”
Nahiya ako bigla. “I’m sorry. The past years have been . . . rough for me.”
Ngumuso siya, pero hindi rin ‘yon nagtagal at bumuntong-hininga rin siya pagkatapos. “Yep. I heard. Kaya nga lalo akong nahiya na . . . kausapin ka.”
“Sorry talaga.”
“Tss. Okay ka na ba?” tanong niya. Her perfectly shaped brow shots up as she looks at me in scrutiny. Before I can answer, she lifts her hand as if to stop me from talking. “You know what? Never mind. Wala na ‘yon! Saka ‘di naman ako nagtatampo sa ‘yo. I am your friend. Bukod sa maganda ako, understanding din akong kaibigan, alam mo ‘yan.”
All the worry about us being awkwardly meeting after years washes out as I laugh again.
“You never change,” I utter.
“Hindi, ah! Excuse me, lalo kaya akong gumanda!”
Napailing ako.
Actually, I dreaded about texting her last night. Gaya niya ay hindi ko rin alam kung paano siya kauusapin ulit matapos nang ilang taong. Hindi naman kami nawalan ng koneksyon para kausapin ang isa’t isa. We’re still friends and follow each other in our social media accounts. It’s just that . . . I just don’t know how to reconnect with her after being MIA.
Naglakas lang ako ng loob na kausapin siya matapos kong makita na invited din pala siya sa wedding ni Carlo. She posted the invitation card, so I thought this might be a perfect chance to talk and meet with her again.
And it turns out great.
Napag-usapan namin kagabi ang tungkol sa kasal ni Carlo. When I mentioned I don’t have anything to wear yet for the wedding, she offered me help and will go with me to find an outfit for me. I wanted to decline, but if I still know her like before, I know what will happen if I turn down her offer.
So here we are.
Nakatayo ako sa tapat ng bahay namin ni Gil. Hinintay ko si Irene dahil nag-suggest din siya na isang sasakyan na lang ang gagamitin imbes na mag-convoy kami. Hindi na ako umangal dahil sa totoo lang . . . convenient sa akin ‘yon.
I can’t drive alone anymore.
I am afraid that pain will attack me in the middle of the road that will kill me earlier than I have to. Ayoko rin mandamay kapag nangyari ‘yon. So I don’t fancy driving anymore.
“Ano’ng klaseng damit pala ang naiisip mong isuot?” tanong ni Irene habang naglalakad na kami patungo sa kotse niya.
“I don’t know. Iniisip kong mag-semi formal lang. May theme ba? Or dress code?”
“Wala naman.” Pinatunog niya ang sasakyan niya saka binuksan ang driver’s seat. “Ang alam ko lang, garden wedding ‘yon. Maybe a dress will be fine. Magdi-dress din ako.”
“Gano’n?” Ngumiti ako bago umikot papuntang passenger seat at pumasok. Irene is already inside when I hop in. “Alright. Dress na lang din ako.”
Lumingon siya sa akin. For a second, I thought she’s going to say something. But she remains silent, making me a little bit unsettled. Inayos ko ang buhok ko at wala sa sariling napahawak sa mukha ko.
“Why are you staring at me suddenly?”
“Si Gido . . .” she starts in a heartbeat. Parang kating-kati siyang magtanong, pero pinipigilan niya. “Are you two still together?”
I frown. “Huh? Bakit?”
“Kayo pa rin?” she still asks eagerly.
Naguguluhan naman akong tumango. “Yes. Kami pa rin.”
Nagulat ako nang tumili siya. “Talaga? OMG, e ‘di, ang tagal n’yo na pala? High school pa lang tayo no’ng naging kayo, ah? Hanggang ngayon pa rin? OMG. Ang haba naman ng buhok mo, beh. Baka si Gildo rin nagsha-shampoo sa ‘yo?”
“Sira-ulo ka.” Tumawa ako nang bahagya. I was nervous because of her serious tone, tapos ganito pala ang sasabihin niya. Napailing tuloy ako.
“Oh, eh, saan na siya ngayon? ‘Di ba dati nakatira kayo sa iisang bahay? Hanggang ngayon pa rin ba?”
“Yeah.”
Tumili ulit siya. “Shuta kayo. Wala na. Ano’ng silbi ng ganda ko kung mamamatay lang din ako dahil sa relasyon n’yo?”
I lift a brow while buckling my seatbelt. “Wala na ba kayo ni Zero?”
“Hoy!” Sinamaan niya agad ako ng tingin habang inaayos niya rin ang seatbelt. “‘Wag mo ngang banggitin ang pangit na ‘yan! Nakakasira ng araw, Solenn!”
Ngumisi ako. “So it’s true⏤na wala na kayo?”
“Sinabi niya sa ‘yo?”
“Gil told me about it. He told me you two broke up two years ago.”
“Walang hiya talaga ‘yon!” sigaw niya bigla. “At nakuha niya pa talagang i-chika ‘yon sa jowa mo? The nerve! Wala siyang karapatan pag-usapan ako, gago siya!”
Pinagmasdan ko siya. I don’t know what to say to her.
I considered her as my best friend when we were in high school. Bukod kay Gildo at Zero, siya ang pinakamalapit sa akin bilang kaibigan. She befriended me without any hidden intentions. Wala siyang pakialam sa mga taong nakapalibot sa akin hindi ako kinaibigan para gamitin sa mga bagay gaya ng ibang lumapit sa akin noon.
I really liked her back then. Ngayon ko lang na-realize na . . . mali na hindi ako nagparamdam sa kaniya.
Before, we knew each other’s secrets. Hindi uso sa amin magtago ng ganap sa buhay namin. Kahit no’ng college na kami, we’re still updated to each other’s businesses. Until . . . that happened.
May kung ano’ng pait akong nalasahan sa dila ko. Buti na lang ay nag-start nang mag-drive si Irene.
I don’t know anything about her anymore. Kahit no’ng sila pa ni Zero, madalang ko siyang makita. Ako rin naman ang may kasalanan dahil nire-reject ko lahat ng invitations ng mga gathering mula sa mga kakilala namin. Tapos ngayon, kay Gildo ko pa malalaman na wala na sila ni Zero.
I remember how they were when we were younger. Hindi ko alam kung paano naging sila dahil ang pagkakaalam ko noon ay ayaw nila sa isa’t isa. Saka ko lang nalaman na sila na no’ng college.
From the remnants of the past I’m trying to forget, I remember them being so into each other. I honestly never thought Zero would end up with Irene before. It never crossed my mind because . . . they are so alike. They were both childish and immature back then. Puro laro lang ang nasa isip ni Zero noon habang sa mga koreano naman hibang si Irene.
But then, they have still become a couple.
Until two years ago.
Hindi ko na naman kung ano’ng nangyari dahil maging si Gil ay walang alam. That news really shocked me because . . . they were so in love.
How come they ended up like this?
And Irene . . . Oh, Irene. They’ve broken up years ago, and yet . . . she still reacts like this.
It seems like . . . she still likes him.
Hindi ko maiwasang malungkot para kay sa kaniya. I heard . . . Zero has a new girl now.
“Mag-isa mong pupunta?” Irene asks after the long, dead silence between us.
Lumingon ako sa kaniya. “Yeah.”
“Bakit?” Lumilingon-lingon siya sa side mirror para mag-overtake. “Hindi ba pupunta si Gildo?”
“Uh . . .” Hilaw akong napangiti. “I don’t know.”