Chapter 3

50 0 0
                                    

G I L D O
  
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
   
    

“Puta, Hans, ba’t ako ‘yong pinatay mo?”
   
    “Sorry.” Tumawa si Hansel dahil sa katangahan niya. “Ba’t ka kasi nakaharang d’yan? Bobo mo.” 
   
    “Tarantado.” Inis kong binitiwan ang cellphone ko saka inagaw ang kaniya. “Ako na nga ang maglalaro! Tang ina mo. Ang tanga mo kasama.”
   
    “Tang ina mo rin. Eh, sino ba nagsabi na isama mo ako?”
   
    Hindi ako umimik nang matira ko si Zero. Bull’s eye. Nakangisi akong nag-angat ng tingin nang marinig ko siyang magmura sa kabilang sulok matapos ko siyang patayin. Isa pa ‘tong ugok na ‘to. Lakas maghamon ng pustahan, eh, bobo rin naman maglaro.
   
    “Tss. Chamba,” narinig kong sabi ni Han sa tabi ni Zero.
   
    Umangat ang kilay ko. “Ano’ng sabi mo⏤”
   
    “Bobo, Gido, napatay ka na.” Humalakhak si Hansel matapos akong sinapok sa ulo.
   
    Napabaling naman agad ako sa cellphone ni Hansel. Shit. Napatay nga ako, at si Han pa ang nakapatay sa akin. Napakunot ang noo ko saka badtrip na nag-angat ulit ng tingin.
   
    “Nice one, Hanese!” Tumatawa na si Zero nang makipag-apir siya kay Han.
   
    “‘Yon na ‘yon?” pagpaparinig ni Han.
   
    Napasimangot naman ako. Tang ina. Nalingat lang naman ako saglit kaya ako napatay. At sino ang dahilan no’n? Napairap ako nang tapunan ako ng tingin ni Han, nakangisi.
   
    Tss. Kasalanan niya ‘to. Dapat kasi, sa akin siya kumampi, eh.
   
    “Paano ba ‘yan, panalo kami?” mayabang na sabi ni Zero sa amin nang lumapit siya.
   
    “Laos kasi itong si Gido, eh,” sabi ni Hansel kaya siniko ko siya. Tumawa naman ang gago. “Pikon, amputa.”
   
    “Baka umiyak ka na, p’re?” pang-aasar ni Zero saka inakbayan si Hansel. “Amin na isang libo, ‘tol.”
   
    Nakabusangot kong nilabas ang wallet ko para dumukot ng one thousand. Kung isaksak ko kaya sa bibig nitong si Zero? Ngiting-ngiti, eh. Parang tanga.
   
    “Oh.” Inis kong binigay sa nakalahad niyang kamay.
   
    “Easy one thousand, baby!” Mayabang pa niyang iwinagayway sa akin ang pera sa mukha ko. I shove his hand away. Humalakhak na naman ulit ang gago.
   
    “‘Wag mo ngang paiyakin ‘yan si Gido,” gatong ni tang inang Hansel.
   
    Sinamaan ko sila ng tingin. “Parang tanga.”
   
    “Don’t tease him na nga, Kuya,” sabat ni Han saka lumapit sa akin.
   
    Iirap ulit sana ako nang bigla siyang yumuko at may kung anong pinulot sa harapan ko. Umangat ang isang kilay ko nang ipakita niya sa akin ang mga daliri niyang magkadikit pagkatayo niya, ngiting-ngiti.
   
    Tiningnan ko ‘yon. Eh, wala naman siyang hawak. Ano’ng trip nito?
   
    “Your hand, please,” sabi niya sa akin.
   
    “Watch it,” narinig kong natatawang bulong ni Hans kay Zero na parang may alam sa ginagawa ng kapatid niya. Nainis naman ako. Pinagti-trip-an ako ng mga ‘to, eh.
   
    “Gildo, your hand!”
   
    Tss. “Ano na naman?”
   
    “Kamay mo!” Tumawa si Han. Nilahad ko na lang kahit naguguluhan pa rin sa ginagawa niya.
   
    Maarte niyang pinitik ang hintuturo at hinlalaki niya na parang may winasik sa palad ko saka humalakhak ulit. “Sorry, naapakan ko kasi ‘yong ego mo.”
   
    Sabay na tumawa nang malakas sina Hansel at Zero, pero mas malakas pa rin ang kay Han na kulang na lang gumulong siya sa carpet nila katatawa. I am stunned at what she did, pero pucha, hindi ko magawang mainis sa kaniya. Kung si Zero ang gumawa no’n sa akin ay baka may bukol na siya sa ulo ngayon.
   
    Ano, alangan namang kutongan ko si Han? Sa ganitong gandang ngiti niya at sarap ng tawa niya sa pandinig? Hindi pa naman ako gano’n kabobo para tanggihan ang ganitong grasya.
   
    ‘Tsaka kahit gan’yan siya, mukhang hindi makabasag pinggan, mahinhin, tahimik⏤tang ina, kapag inupakan ako niyan, baka sa langit agad ang punta ko sa bigat ng kamay niya. Eh, isang sapak niya nga lang sa akin minsan, bumabakat na buong palad niya sa balat ko.
   
    “Mga sira-ulo,” sabi ko na lang saka umupo ulit sa sofa.
   
    “Priceless!” halakhak ni Hansel. Namumula na siya nang pinupunasan niya na ang gilid ng mga mata niya saka tumingin kay Zero. “Na-picture-an mo ba, Zen?”
   
    “Oo, ‘tol. Pfft⏤” Tumingin sa akin si Zero, natatawa. “Muntanga ka rito, Gido.”
   
    “Patingin nga.”
   
    “Patingin din!” singit din ni Han saka lumapit sa dalawa.
   
    “I-delete mo ‘yan, gago,” naaasar na sabi ko kay Zero, nagbabanta. Pero parang wala siyang narinig at pinakita nga kay Han ang cellphone niya.
   
    “Gawin ko nga ‘tong meme ta’s send ko sa GC,” sabi pa ni Zero kaya binato ko siya ng throw pillow nang mag-umpisa ulit tumawa ang dalawang magkapatid habang nakadungaw sa cellphone ni Zero.
   
    “Tss!” Tumayo ulit ako, sobrang bad trip na. “Bahala na nga kayo.”
   
    Bwisit naman ‘tong mga ‘to. Ako pa ang napiling pag-trip-an, tang ina. Masaya ‘yan? Pucha.
   
    “Hoy, saan ka pupunta?” tawag ni Hansel.
   
    “Sibat na. Uwi na lang ako, tang ina n’yo,” sagot ko nang ‘di lumilingon.
   
    “Luh. Ikaw kasi, Han, ba’t mo tinapakan ‘yong ego ni Gido?” si Zero. “Dinurahan mo pa sana.”
   
    Narinig ko pa ang tawa ni Han bago ako makalabas ng sala nila. Tss.
   
    Kung si Zero kaya ang durahan ko? Tang ina siya⏤napakaasungot! Ba’t ba kasi nataon na nandito rin siya ngayong gusto kong tumambay rito kina Han? Akala ko busy siyang pumorma ngayon, eh, kaya nagawi ako rito. Pero tang ina, nakalimutan kong nabasted nga pala si Tanga kaya ganito manggulo.
   
    Napakamot ako. Ngayon, kung uuwi ako, wala rin akong magagawa ro’n. Ano, maglalaro ulit? Nakakasawa. Kaya nga ako pumunta rito para may magawa, tapos ganito?
   
    Pagkalabas ko ng gate nina Han, parang gusto kong bumalik na lang ulit sa loob. Tang ina, sobrang init! Sa tapat lang naman ‘yong bahay namin, pero pinagpapawisan agad ako kahit na kalalabas ko lang.
   
    Tss! Marahas akong napakamot sa ulo. Wrong timing naman lahat. Bahala na nga!
   
    “Gil!”
   
    Napatigil ako sa paglalakad at naplingon sa likuran ko nang marinig ko ang marahas na pagbukas ng gate. Lumabas si Han doon⏤walang sapin sa paa! Kaya kunot-noo akong lumapit agad sa kaniya.
   
    “Ano na namang pakulo ‘to, Han?”
   
    Nakita kong namumula na ang mga paa niya dahil sa init. Nakangiwi na rin siya at kunot na kunot ang noo habang nakatingala sa akin kaya halos magsalubong na rin ang mga kilay ko nang lumuhod ako sa harapan niya para ialok ang likod ko.
   
    Gusto ko sana siyang kaladkarin pabalik sa bahay nila, pero baka mas mapaso ang mga paa niya kung gagawin ko ‘yon. Ayaw ko namang mangyari ‘yon, kaya mas mabuti na ‘to, ‘no? Kung aayaw siya, e ‘di, no choice siya kung bigla ko siyang buhatin. Tang ina, pareho kaming naiinitan, pero mas nahihirapan siya kaya wala akong pakialam kahit na bugbugin niya ako pagkatapos nito. Magsama pa sila ng kuya niya kung gusto niya, oh, ano?
   
    “What are you doing?” Dinig ko ang pagkabigla sa tono niya.
   
    “Sakay.”
   
    “Huh?”
   
    “Get on my back, Han,” naiinis nang sabi ko bago siya nilingon. Bumaba ulit ang tingin ko sa mga paa niyang ‘di mapakali dahil sa init ng semento kaya napasinghap ako. “Dali na, Han. Ibabalik kita sa inyo.”
   
    “But I want to talk to you about something.”
   
    “Sakay, Han.”
   
    “N-No. I’ll run na lang⏤”
   
    Hinila ko ang kamay niya pababa para sumampa siya sa likuran ko. Gaya ng sabi ko, alam kong aayaw siya kaya hinila ko na ang mga binti niya para kargahin sa likod ko bago pa siya magreklamo. Napatili tuloy siya dahil sa pagkabigla.
   
    Ang kulit kasi, eh. Sabing sakay. Kita mo, pati balat niya ay namumula na dahil sa sobrang init!
   
    “Ba’t ka pa lumabas?” tanong ko matapos tumayo. “Ang init-init. And don’t you have sleepers inside? Marami naman akong nakita sa loob kanina, ah? Puro pink pa nga.”
   
    “Hinahabol kita, eh.”
   
    Kumunilot ang noo ko. “Bakit?”
   
    “I told you. I need to talk to you about something.” Kalaunan ay yumakap siya sa leeg ko saka dumangaw sa akin mula sa balikat ko.
   
    “What, to talk about my ego?” sarkastikong tanong ko.
   
    “No, silly.” Natawa naman siya. “Don’t tell me you got offended by that, kaya ka nag-walk out?”
   
    “Of course not.” Lalo akong napasimangot. “Wala lang ako sa hulog ngayon para sabayan ang mga trip n’yo.”
   
    She ‘tch’-ed me and she chuckles. “Sungit mo nga ngayon, eh.”
   
    Paanong hindi, eh, panay ka tawa sa akin? Tss.
   
    Ginawa akong clown, tang ina. Hindi naman sa ayaw ko. I love making her laugh. Pucha, blessing ‘yon⏤’yong ako ang dahilan kaya siya tumatawa. Pero minsan nakakawala ng angas, eh, lalo na’t banas na banas pa ako ngayon.
   
    “Tss. Whatever you want to tell me, nasa tapat lang ang bahay namin, Han,” pag-iiba ko. “Why do you need to rush outside without wearing anything for your feet? Tingnan mo, namumula ka na sa init. Dapat tinext mo na lang ako.”
   
    “Kuya Hans told me kasi that you’re going somewhere so . . . I rushed. Buti naabutan pa kita.”
   
    Kaya pala. Umirap ako. Imbentador din ang isang ‘yon, eh.
   
    “I’m not going anywhere today.”
   
    “Really? But Kuya said⏤”
   
    “Tch! Sinasabi niya lang ‘yon para mang-asar, Han⏤‘wag ka ngang maniwala ro’n! Kaya nga ako pumunta rito ay para tumambay tapos uuwi na rin kasi ginagago n’yo lang akong tatlo.”
   
    Tumawa siya. “Hindi, ah.”
   
    “Utot mo, Han. Kung ihulog kaya kita⏤aray!” Tang ina, kurutin ba naman ako?!
   
    “Don’t you dare let me go, Gildo.” Halos sakalin niya na ako dahil sa higpit ng yakap niya sa leeg ko. Pero imbis na mainis ay ako naman ang natawa.
   
    “Takot ka pala, eh.”
   
    “Tss.” Muli niyang ipinatong ang pisngi niya sa balikat ko para dungawin ako. “So, you’re not really going anywhere? Date, wala?”
   
    “Anong date na naman ‘yan?” Lagot sa akin si Hansel, tang ina niya. Ano’ng pinagsasasabi niya sa kapatid niya? “Wala akong date!”
   
    “Really?” Nanunukat ang tingin niya nang nilingon ko siya ulit.
   
    “Wala nga!” sabi ko bago sana aabutin ang door knob ng gate para sana ibalik siya sa loob.
   
    “‘Wag,” pigil sa akin ni Han. “I don’t want to go inside yet.”
   
    “Bakit?”
   
    “‘Di kasi kita makausap nang maayos sa loob kasi nandoon sina Kuya Hans.”
   
    Umangat ang kilay ko saka siya tiningnan sa gilid ko. Her cheek is on my shoulder as she’s looking at me, pouting.
   
    “Ano naman kung nando’n ang kuya mo?”
   
    “Epal siya, eh.”
   
    Parang bulang nawala ang inis ko at napangisi kaagad dahil sa sagot niya. Ano ba ‘yan. Tang inang karupukan ‘yan, Gildo. Parang bading amputa.
   
    “Tss.” Napailing na lang ako.
   
    Nag-aya siyang sa bahay na lang namin pumunta. Hindi naman ako umangal dahil alam kong init na init na siya, lalo na’t wala pa naman masyadong p’wedeng masilungan dito sa banda nila bukod sa puno ng acacia na malayo pa sa amin.
   
    I can feel her breath against the crane of my neck. Hindi naman na ‘to bago sa akin dahil mula pa noon ay nabubuhat ko na siya nang ganito. Pero tang ina, kahit ngayon, tumitindig pa rin ang balahibo ko sa tuwing tumatama ang mainit niyang hininga sa balat ko.
   
    Gustong-gusto ko talaga na ganito siya kalapit sa akin.
   
    Ay bobo, mali.
   
    Baka mamaya, akalain akong manyak nito. Napailing ako.
   
    Ang ibig kong sabihin, gustong-gusto kong ganito siya kalapit sa akin dahil pakiramdam ko . . . may pag-asa ako? Tang ina, ito na lang pinanghahawakan ko sa ngayon, eh. Isipin mo, ako lang ang nakakalapit nang ganito sa kaniya. Si Zero, kahit parehong kababata ni Han gaya ko, hindi kaya ‘to. Siyempre, kung ayaw niyang pumutok ang nguso niya, kamao ko muna ang didikit sa kaniya bago si Hans.
   
    Pero ‘di nga, ang sarap sa feeling na hinahayaan niya akong buhat-buhatin siya kasi dahil sa isang dahilan din⏤may tiwala siya sa akin. At mamamatay muna ako bago mawala ‘yon.
   
    “Wala sina Tita?” tanong niya.
   
    Sinimangutan ko siya saka yumuko saglit sa harapan niya upang ilapag ang slippers na susuotin niya. Agad naman niyang sinuot saka nagpatuloy sa paglinga sa loob ng bahay namin.
   
    “Wala sila rito.”
   
    Tumaas ang kilay niya nang tumingin siya sa akin. “So you’re alone today?”
   
    Today? Araw-araw kamo. Ngumuso ako saka dumiretso sa sala. “Bukod kay Manang at Ate Len, oo.”
   
    “I see.”
   
    “Oh, ano?” Sumalampak ako sa single-seat sofa saka siya tiningnan nang taman. “Ano’ng sasabihin mo?”
   
    I study her. Kung kanina’y kunot ang noo niya at halos hindi ako lubayan ng tingin, ngayon naman ay panay ang iwas niya at halos nalibot niya na ang paningin puwera ako. I even laugh because she’s too far away from me⏤para namang mangangagat ako sa distansya namin.
   
    Ewan ko ba rito, eh, kanina ang lakas niyang mang-asar, ah? Ano ngayon? Bakit parang nahihiya siya?
   
    Sinubukan ko siyang titigan, hinihintay siyang magsalita. Pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya ako tinitingnan at panay lang laro sa mga daliri niya kaya napahalakhak ako.
   
    “Ano, Han? Tutunganga na lang ba tayo rito?”
   
    “Just give me a minute!” Sinamaan niya ako ng tingin.
   
    There. E ‘di nakatingin ka rin sa akin ngayon?
   
    Nakangisi akong umayos ng upo. Nakatukod ang isang siko ko sa nakabukang mga paa ko habang ang isang kamay ay ilang beses pa na pinasadahan ang buhok ko bago ‘yon dumako sa pisngi ko para tumingala kay Han.
   
    “What is it?” ulit ko. “Gaano ba kahirap ang sasabihin mo?”
   
    “Eh, kasi naman, eh!” Lumamlam ang matapang niyang mga mata bago siya nagbaba ng tingin. “I know you won’t agree with what I will ask you.”
   
    “Ano ba ‘yon?”
   
    “Ah . . . ano.”
   
    “Ano?”
   
    Nag-angat siya ng tingin. “‘Di ka tatanggi?”
   
    “Tatanggi saan?”
   
    “Sa sasabihin ko.”
   
    Ngumuso ako. “Eh, hindi mo pa nga sinasabi.”
   
    “Because I know you won’t agree.”
   
    Napakamot ako. Pucha, parang mapapasubo ako, ah. Paano, baka buong araw kaming magpapaikot-ikot sa kung anong pabor ang hihingiin niya sa akin kung hindi muna ako papayag.
   
    “Just tell me,” sabi ko. “Hindi ako tatanggi.”
   
    Agad na umaliwalas ang mukha niya. “Really?”
   
    “Hmm.” Ngumisi ako. “Ano?”
   
    Lumapit na siya sa wakas sa akin. Ngunit imbes na umupo sa kabilang sofa ay tumayo siya sa mismong harapan ko. Napahilig tuloy ako sa sofa dahil sa sobrang lapit niya.
   
    Takte. Pinilit kong ‘wag ipakita ang pagkagulat ko nang lalo pa akong tumingala sa kaniya. Kaso lahat ng gulat na naramdaman ko ay burado nang makita kong halos kuminang na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napangisi tuloy ako.
   
    Gan’yan ang epekto ko sa kaniya. Gusto kong matawa, magyabang. Kasi sino pa ba ang may kayang gawin ‘yan?
   
    Wala na. Siyempre, ako lang.
   
    “Teach me how to dance,” excited na sabi niya.
   
    Parang may pumutok ulit sa panandaliang saya na nararamdaman ko nang marinig ko siya.
   
    “Dance?”
   
    “Yup!” She grins at me. “I can still remember that you took dance lessons before with Kuya Hans, kaya turuan mo ako!”
   
    Tang ina. Sayaw? Ako?
   
    “Ayoko.”
   
    Nalukot agad ang mukha niya sa sagot ko. “But you already said yes, Gildo!”
   
    “And I can take it back.”
   
    Bumusangot siya sa akin. “Ang unfair mo naman! Sabi mo, hindi ka tatanggi?”
   
    Oo, pero . . . “Han naman, your wish is beyond my capabilities. Akala ko kasi madali ‘yong hihilingin mo kaya ako um-oo, pero grabe naman pala.”
   
    “Anong beyond your capabilities, eh, nag-dancing lesson nga kayo ni Kuya dati⏤”
   
    “E ‘di sa kaniya ka magpaturo!” putol ko sa kaniya.
   
    We glare at each other. Galit na galit na siya habang ako, naiinis na. Eh, kasi naman. Sa lahat ng bagay na p’wede niyang ipagawa sa akin, bakit ‘yon pa? Kailan ba ‘yong tinutukoy niyang dancing lesson na tinake ko noon? No’ng grade three! Ang masaklap pa ro’n, dahil lang napilitan akong isama sa folk dance para sa school activities namin noon. Folk dance! Putang ina talaga no’ng nagsama sa akin noon, eh, ano ba’ng malay ko ro’n? Siyempre wala!
   
    Tapos ‘yong nanay ko naman, ayaw paawat, in-apply ako sa dancing lesson para ‘di ako magmukhang tanga kapag practice namin noon.
   
    Oh, ‘di ba, tapos magpapaturo itong si Han sa akin? Tinikling lang ang alam ko, tapos mali-mali pa. Ano, trip niya ba ‘yon na ituro ko sa kaniya?
   
    “Fine!” halos singhal niya kaya napatalon ako sa kinauupuan ko. “‘Wag na! I don’t need your help anymore!”
   
    Ngumisi ako. “There. Tama ‘yan⏤”
   
    “Kay Jerick na lang ako magpapatulong!” sabi niya saka ako tinalikuran.
   
    E ‘di kay Jerick ka magpatulong
   
    Teka, sinong Jerick? ‘Yong pangit na Jerick na ‘yon? Kumunot ang noo ko, hindi na makangiti at nataranta nang makitang palabas na si Han sa pinto. Mabilis akong tumayo para habulin siya.
   
    “Han, saglit⏤”
   
    ‘Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binato niya ang slippers na pinahiram ko sa kaniya kanina.
   
    “Jerk!” aniya saka mabilis na lumabas.
   
    “Han!” Tumakbo ako para habulin siya palabas. Tang ina naman. “Hoy, Han, joke lang naman ‘yon, eh! Tuturuan na kita!”
   
    Napangiwi ako dahil sa init, pero si Han, dere-deretso pa rin ang lakad⏤nang wala na namang sapin sa paa! Jusko talagang babae ‘to. Mabilis ko siyang hinabol saka binuhat ko nga nang walang pag-aatubili kaya napatili siya sa gulat.
   
    Sa gaan niya, parang wala sa isang sako lang siya sa akin. Pero tang ina, kung makahampas naman ‘to sa puwetan ko, damang-dama ‘yong galit niya sa akin.
   
    “Put me down, Gildo!”
   
    “Ayoko!” Tumama ulit ang kamao niya sa puwet ko⏤sa gitna kaya napasinghap ako. “Ano ba, Han, magtigil ka nga! Natatae ako sa ginagawa mo!”
   
    “I don’t care!” Isang sapak ulit. “Ibaba mo ako!”
   
    Nang makabalik kami sa porch ay agad ko siyang ibinaba gaya ng gusto niya. Gusto niya pa ngang umalis ulit pero hinila ko siya agad para ‘di makatakas. Agad na sumalubong sa akin ang galit na pares niyang mga mata niya sa akin.
   
    “Ano? ‘Di ka aalis, Han.”
   
    “You just said you don’t want to teach me to dance.”
   
    “Oo nga.”
   
    She looks at me hard, annoyed. “Then let go. Sa iba na lang ako magpapaturo.”
   
    Tsk! “Para saan ba ‘to at nagpapaturo ka?”
   
    “Wala kang pakialam⏤”
   
    “Meron,” putol ko sa kaniya bago humakbang nang isang beses palapit sa kaniya. Pareho kaming nakatingin sa isa’t isa, parehong ‘di nakangiti at seryoso. Pinisil ko ang kamay niyang hawak ko kaya napatingin siya ro’n. “Para saan, Han? Hm?”
   
    Nagtagal ang tingin ni Han sa kamay naming magkahawak bago siya ulit tumingala sa akin. Nawala na ang galit sa mukha niya at nakanguso na lang na tila pinapakitang naiinis pa rin siya sa akin.
   
    Lihim akong napangisi. Pisil lang ‘yon. Oh, ano? Kaya ba ‘tong gawin ng pangit na Jerick na ‘yon?
   
    Sino pa ba ‘yong mga parang kuto na pumoporma kay Han? ‘Yong payatot na Kevin. Isa rin ‘yon. Hah. ‘Di ‘yon magtatagal sa tabi ni Han, sinasabi ko na. Baka isang hampas lang nitong babaeng ‘to sa kaniya, tumilapon na ‘yon.
   
    Naputol ang pagyayabang ko sa sarili nang galawin ni Han ang kamay niya. Akala ko babawiin niya na, pero nagulat ako nang sumali ang isa niya pang kamay para hawakan ang hintuturo ko at pinisil-pisil ‘yon para paglaruan.
   
    “It’s for prom,” sabi niya. Her gaze drops again on our joined hands. Napatingin din ako ro’n lalo na no’ng binuka niya ang palad ko at parang may sinusulat do’n kahit wala naman talaga. “And for my birthday.”
   
    Napataas ako ng kilay, nagtataka. “Your birthday is still a month away. Ang aga mo namang mag-practice?”
   
    Nakita ko ang pagnguso niya kasabay ng paghawak niya ulit hinliliit at hintuturo ko bago ako inangatan ng tingin. “Because I don’t know how. I don’t want to wait and  look stupid in front of others, Gildo.”
   
    Napakamot ako. Paano ‘yan, eh, hindi ko rin alam?
   
    Balak ko nga sanang ‘di pumunta sa prom. Pero ngayong nalaman ko na pupunta si Han ay nagdadalawang-isip na ako.
   
    “Oh, eh, bakit ka magpapaturo kay Jerick?” nanuot ang pait sa lalamunan ko nang banggitin ko ang pangalan ng unggoy na ‘yon. “Close ba kayo no’n?”
   
    “Hindi.”
   
    “‘Yon naman pala. Bakit mo naisipang magpaturo do’n?”
   
    Inirapan niya ako. “Because he was the only one who asked me to become my partner.
   
    Aba. Ang lakas talaga ng apog ng isang ‘yon, ‘no?
   
    Ngumisi ako, napapailing nang hulihin ko ang tingin ni Han. Bahala na.
   
    “Will you come to prom with me, then?”
   
    Dumaan ang gulat sa mga mata niya. “What?”
   
    “Nevermind.” Lalong umangat pataas ang sulok ng mga labi ko bago siya hinila para mas mapalapit sa akin. “Ako ang partner mo sa prom, isasayaw kita sa birthday mo, at ako ang magtuturo sa ‘yo.”
   
    Agad na umaliwalas ang mukha niya. “Really?”
   
    “Oo.” Nagtitigan kami, parehong nakangiti.
   
    Dahil nakapagdesisyon na ako.
   
    Puporma na ako. Liligawan ko siya.
   
    Sapakin man ako ni Hansel, wala na akong pakialam. Kung masira man kami sa gagawin ko . . . tatanggapin ko ‘yon. Wala na akong magagawa kung magalit siya sa akin. Pero kung iisipin ko na may puporma pa kay Han at . . . mapasagot siya, hindi ko kaya.
   
    Hindi ko kakayanin.
   

UN☪ | 02niin

Beyond the VeilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon