Chapter: 6

5 0 0
                                    

Narrator's POV:

Natapos na ang halloween event nila last week at parang nabunutan naman ng tinik si Vicky espicially ang ibang officers dahil wala naman nangyaring masama and the event went smoothly.

Bulungan, daldalan, mga girls na nag chihika or nag make up, at may jowang nag haharot sa gilid ang makikita mo sa room nina ni Vicky. In short so chaotic.

"Hoi alam mo ba sis may bago daw tayong kaklase" syempre si Vicky na may pagka chismosa ay nakikinig sa usapan nila.

"Hala omg weh? Babae ba? Or lalake?"

"Lalake daw"

"Gwapo ba sis?"

"Landi mo bhie, bumagsak ka nga sa Math tapos lalandi kapa"

"Hoi shh, ang laki ng bunganga mo"

Napailing nalang si Vicky at pinatuloy ang kanyang ginawa.

Dumating na si Freya at binigyan nya si Vicky ng mainumin.

"Is this a miracle nang bibigay ka ng drinks" Vicky look at her in disbelief kaya napa irap naman si Freya at tumabi ito sa upuan niya.

"Diba you like strawberry milk, binilhan kita kasi mabait ako for today"

"Wow today lang? Pwede ba everyday nalang para may libre always? Hehe"

"Gaga ka ah, ulol"

Napahagikhik naman si Vicky dahil sarap nitong asarin at madali itong ma irita.

Pumasok ang kanilang homeroom teacher kasa ang bagong student. May iba na patulala at may kinilig din, yung mga boys naman ay naka simangot.

"Pano yan pre, mas gwapo yan sayo"

"Magaling ba yan mag ML"

"Omg sabi ko sayo eh gwapo nya"

"Yan tayo mga girls eh, pag gwapo todo kilig kayo pero kapag pangit ayaw nyo"

"Sorry na ganto lang ako"

"Aanhin namin ang pangit ang mukha tapos pangit pa ang attitude duh"

"Class be quiet!" Napatahimik naman ang lahat at na tuon ang attensyon nila sa kanilang guro at bagong kaklase.

"This is your new classmate, he will be joining you for this school year."

"Hi everyone, my name is Lee Hyumin, Im looking forward for this school year and with you guys"
He smiled at napatili ulit ang mga girls, may nahimatay pa nga.

"Ok sit behind Ms. Vicky Jang" Nagtama ang kanilang paningin at ngumiti si Vicky sakanya.

Pumunta na si Hyumin sa assigned seat nya at nag simulang makinig sa kanilang guro.

Vicky was taking her notes, when her ballpen suddenly fell at patungo ito sa direksyon ng lalake sa likod nya. Wala syang choice dahil malayo layo ito sakanya but Hyumin pick it up for her.

Nagpasalamat ang dalaga sakanya at tumango ito.

Break time na nila at nag paalam naman si Vicky na mauna na si Freya dahil may gagawin pa sya. Tumango naman ito at nauna para hintayin ang kaibigan nila na nasa kabilang building.

"Hi, Vicky Jang right? The vice president?" Hyumin said at lumapit sakanya, Vicky look at him at tumango.

Mas matangkad ng kaunti ang binata kay Sunghoon at ang matangos nitong ilong na bagay bagay sa mukha nya.

"Yess, do you need anything?" The girl asked him politely while smiling.

"Actually yes, Im about to run for secretary" tumango naman si Vicky at tumayo.

CRUSH (Park Sunghoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon