CHAPTER 6

24 6 1
                                    

CHAPTER 6

~CASSANDRA POV~
Late na akong umuwi sa bahay nang may biglang lumitaw na babaeng naka-itim sa harapan ko.

"Hanga ako sa kakayahan mo," sabi niya habang nakangiti.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Gusto mo bang mas lumakas pa?" alok niya.

"Hindi ko naman kailangan... pero, paano?" sagot ko, sabay tawa.

"Lasing ka ba?" tanong niya, medyo natatawa.

"Mukha ba akong lasing? Hmp! Baka hampasin kita ng arnis ko," sagot ko nang medyo inis, sabay hawak sa arnis ko.

"Ah, ako nga pala si Gianna," pagpapakilala niya.

"Di ako interesado... joke lang," sabi ko, sabay ngisi.

"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya.

"Ah, ako si Cassandra Xiang. Maganda pangalan ko, ‘no?" pabirong sigaw ko.

"Oo nga. Pero, kaano-ano mo si Anasandra?" tanong niya, na nagpagulat sa akin.

"Anasandra? Ah, kambal ko siya," medyo nauutal kong sagot.

"Kakambal mo siya?" tanong niya, tila nagulat.

"Oo, pero di ko pa siya nakikilala o nakikita man lang," sabi ko nang malungkot.

"Gusto kong maging katulad niya," sabi niya. Kilala niya si ate? Swerte naman niya.

"Buti ka pa nakilala mo na si Ate Ana," sabi ko nang nakasimangot.

"Gusto mo ba siyang makilala?" tanong niya, na lalo akong natuwa.

"Oo naman! Matagal ko na siyang gustong makilala!" sabi ko nang masigla.

"Edi pumasok ka sa link," sabi niya. Ito na ba 'yung sinasabi ni Niel na "link"?

"Link? Ano 'yung link?" tanong ko.

"Isang lugar na puno ng kasamaan," sagot niya, na ikinagulat ko.

"Puno ng kasamaan? Meron bang ganun? Teka, paano makakapasok doon?"

"Sigurado ka bang gusto mong pumasok doon?" natatawa niyang sabi.

"Bakit naman?"

"Sige na nga, dun ka sa aparador," sabay turo niya sa aparador. Lumapit agad ako.

"Eto? Eto na 'yung link? 'Yung aparador na ito?" tanong ko.

"Oo, kaya pumasok ka na," sabi niya nang pabulong.

"Bakit mo ako minamadali?" inis kong sabi, at nagulat siya.

"Hayss, bahala ka na kung papasok ka o hindi," sabi niya, sabay biglang naglaho.

"Huy! Nasaan ka na?!" sigaw ko habang iniikot ang tingin sa buong bahay. "G*gong ‘yun, bigla-bigla na lang nawawala." Agad akong lumingon sa aparador namin.

"Ano bang meron dito?" hinawakan ko ang pinto ng aparador at pinagmasdan ito. "Lord, kayo na ang bahala sa akin kung saan man ako mapunta," bulong ko nang nakapikit at bigla kong binuksan ang aparador. Pakiramdam ko ay biglang may humigop sa akin.

"Ahhhhhhh!!!" napasigaw ako at napapikit nang bumagsak ako sa lupa.

"Oww, newbie?" bati ng babaeng nasa harap ko.

"Hah?" tanong ko, nagtataka.

"I said, bago ka lang dito?" pasigaw niyang tanong.

"Nasaan ba ako?" sabay dilat ko ng mata, at nakita ko ang isang babae na may hawak na mga papeles.

"Welcome to Hell," nakangiti niyang sabi.

"P*tang ina, nasa Hell na ako?!" napamura ako dahil sa sinabi niya.

"Kakasabi ko lang, di ba? Nasa Hell ka! Ang boba naman nito," sabay irap niya sa akin.

"Hoy, wag mo akong irapan! Baka gusto mong dukutin ko mga mata mo," sagot ko, nakataas na kilay.

"Sige nga, subukan mo," mataray niyang tugon. G*go 'to ah, siniseryoso niya!

"Huy, wag mo namang seryosohin 'yung sinabi ko," sabi ko, sabay ngiti, pero lalo lang sumama ang tingin niya sa akin.

"Ikaw ba si Cassandra Xiang?" tanong niya. Sh*t, bakit kilala niya ako?

"Certified stalker ba kita?" pabirong tanong ko.

"Hayss, ewan," sabay taas ng tingin niya sa kisame.

"Amm, anong hobby ko?" tiningnan niya ako nang seryoso bago buntong-hininga.

"Magaling ka sa arnis," sabi niya nang seryoso.

"Omg!" napasigaw ako, kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat.

"Ano na naman ‘yun?!" sigaw niya sa akin.

"Certified stalker ka talaga! Congrats!" sabay lapit ko at hawak sa balikat niya.

"Aghhh! Ano bang ginagawa mo?!" inis na sigaw niya sa akin.

"Cino-congrats kita," sabi ko nang nakangiti, na lalo niyang ikinainis.

"Agghhh, di ko kailangan ng congrats!" mataray niyang sagot.

"By the way, what’s your name?" seryosong tanong ko.

"Urianna Valerie. I’m the Queen of Hell," sagot niya na may nakakatakot na ngiti, habang nagsalita siya sa nakakatakot na boses na parang pamilyar. "Pumunta ka kay Gianna Lucero. Ipapaliwanag niya sa iyo ang mga kababalaghan dito. Hahahaha!" evil laugh niya, at sinunod ko ang payo niya.

PURPLEIREYA

"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon