CHAPTER 7
~CASSANDRA POV~
"Tapos na tayo. By the way, nasa Dorm 66 ka, sa North," sabi niya bago agad umalis, habang ako naman ay abala sa pagtingin sa litrato ni Ate Ana."Sige, mamaya ko na lang puntahan—" sigaw ko, pero wala na siya sa kinatatayuan niya.
"Put*ng ina, nasaan na yun?" bulong ko sa sarili. Ako lang naman ang tao dito. "Hey, Hyo!" tawag ko, ngunit walang sumagot.
"Wala bang tao dito? Hey, Hyo!!" sigaw ko ulit, pero nagulat ako nang may sumigaw na babae.
"Hoy! Ano ba? Ang ingay mo naman!" galit niyang sabi sa akin.
"T*ng ina, sino ka?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ako sinuka, inire ako ng nanay ko!" birong sigaw niya.
"Parang tanga! T*ng ina, tinatanong kita nang maayos tapos ganyan ang sagot mo?" balik kong sigaw sa kanya.
"Kung ayaw mong masagot ng pabalang, wag kang magtanong ng patanga!" balik-sigaw niya sa akin, habang may nakita akong madilim na direksyon na nagpa-kunot ng noo ko.
"T*ng ina naman, kala mo nakakatuwa. Nasaan ka ba?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Nandito, nakakulong," sagot niya.
"Hah? Saan?" tanong ko.
"Banda sa madilim na direksyon," tugon niya.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?" sigaw ko, at agad akong nagtungo sa madilim na silid.
"Psst! Nakikita na kita," sigaw niya sa akin. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko siya—naka-bonnet at nakasuot ng itim na bestida.
"Ano'ng ginagawa mo diyan? Bakit ka nakakulong?" tanong ko sa kanya habang dahan-dahang lumalapit.
"Lapit ka," sabi niya. Lumapit ako, bagamat kinakabahan.
"Bakit ka nga ba nakakulong?" muli kong tanong.
"Ah... kasi..." Wika niya na parang nag-aalinlangan. "Bibigyan—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sumigaw si Gianna.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?!" gulat na sigaw niya, na ikinagulat ko rin.
"Please, umalis ka na," pakiusap ng babaeng nakakulong, sabay tulak sa akin palayo habang dahan-dahang lumalapit si Gianna.
"Bakit ba kasi?!" sigaw ko sa kanya.
"Ayokong madamay ka!" pabulong niyang sabi, habang pumatak ang mga luha niya at yumuko siya.
"Please, sabihin mo sa—" natigilan ako nang bigla akong hinatak ni Gianna, palayo sa nakakulong na babae.
"Ano bang kasalanan niya? Bakit siya nakakulong?!" tanong ko kay Gianna.
"Di ba sabi ko na sa 'yo, umalis ka na!" sagot niya, galit.
"Paano ako aalis, eh iniwan mo ako!" sagot ko.
"So, kasalanan ko pa kung engot ka?" balik niya.
"Syempre!" sigaw ko.
"Nagtatalo ba kayo?" sabi ng isang lalaking biglang nasa harapan namin, na lalo pang nagpagulat sa amin ni Gianna.
"P*tang ina!" gulat naming sagot.
"Ano ba yan? Nakakagulat ka naman!" sabi ni Gianna sa lalaki.
"Sino siya?" bulong ko kay Gianna.
"Siya si—" naputol si Gianna nang biglang magsalita ang lalaki.
"My name is Brace Leonel Leqouin," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Unang araw ko pa lang dito, at natagpuan ko na agad ang isa sa pinakamataas na mandirigma sa buong Black Hell Warrior.
"Ikaw si Brace?!" gulat kong sigaw.
"Oo, at ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya.
"Cassandra," sagot ko.
"Full name, please." Ang arte naman nito.
"Hayss... Cassandra Xiang," sabi ko, sabay irap.
"Ahh, Cassandra Xiang. Ganda ng pangalan," ngisi niya.
"Syempre, pati ako," sabay yuko ko.
"Gianna!" napatingin agad si Gianna kay Brace.
"Ano na naman yun?!" iritadong sagot ni Gianna.
"Ano bang ginawa niya?" tanong ni Brace kay Gianna.
"Kinausap niya si Kilofa," sagot niya.
"Bakit mo kinausap si Kilofa?" tanong niya sa akin.
"Kilofa pala pangalan niya," bulong ko.
"Yeah, and answer my question," inis niyang sabi. Hindi ako makasagot at napayuko na lang.
"Answer my question. Bakit mo kinausap si Kilofa?!" galit niyang tanong sa akin.
"Kasi gusto kong malaman kung bakit niyo siya kinulong!" sigaw ko. "Actually, may sasabihin pa siya sa akin, pero bigla na lang umepal si Gianna," galit kong sagot ulit.
"May sasabihin siya sa iyo si Kilofa?" tanong niya.
"Oo! Bida-bida lang naman kasi si Gianna," sabay irap ko.
"I approve. Sige, kausapin mo na si Kilofa," sabi niya, at tinanggal ko agad ang hawak ni Gianna sa braso ko.
"Thank you, Brace!" sabay takbo ko, at narinig kong sumigaw si Gianna.
"Ang kulit mo talaga!" sigaw niya.
"Pake ko sa'yo!" sigaw ko pabalik habang tumatakbo. "Kilofa!" sigaw ko, at agad niya akong tinignan.
"Ikaw na naman?" sabi niya habang umupo ako sa tabi ng selda niya.
"Di ba may sasabihin ka sa akin?" hingal kong tanong.
"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya.
"Oo naman! Nakipaglaban pa nga ako para lang mapuntahan ka," sagot ko.
"Ok, fine." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "If I die, gusto kong talunin mo si Urianna," umiiyak na sabi niya.
"Hah? Bakit?" tanong ko.
"And this is my last breath. Ang gusto kong talunin mo si Urianna."
PURPLEIREYA
BINABASA MO ANG
"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1)
Misterio / SuspensoSi Cassandra Xiang, siya ay napunta sa Redemon dahil sa isang simpleng aparador naging isang Ranggo at kinalaunan ay naging ganap na Redemon. Start:December 8 2022 End:May 24 2023