CHAPTER 9

25 7 0
                                    

Chapter 9

~HEZEKIAH POV~
Kakagising ko lang at nag-aayos ng kaunti, gusto ko kasing dumalo sa pagbibitay kay Queen Kilofa.

"Si Kilofa, ang reyna na nagbigay sa amin ng kalayaan magmahal," sabi ko, sabay buntong-hininga. "Sana maabutan pa kitang buhay kahit saglit lang, gusto ko lang magpasalamat sa'yo."

Paalis na sana ako ng kwarto nang biglang nagsalita si Cassandra.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. Agad ko naman siyang nilingon.

"Sasama ka ba?" tanong ko.

"Bakit, saan ba tayo pupunta?" balik niya.

"Ang huling pamamaalam kay Kilofa. Hay, ayoko sanang manood, pero isa ako sa ranggo—ika-siyam, o Lucky 9."

"‘Lucky 9’?" tanong niya.

"Oo, at kasama ako doon."

"Ah, paano ba makasali doon?" tanong niya, at bigla akong kinabahan. Marami na akong nalaman tungkol sa kanya, kasama na ang pagiging kakambal niya kay Anasandra.

"Kung kaya mong protektahan ang sarili mo." Tinalikuran ko siya, pero sinulyapan ko rin ng saglit.

"Hezekiah, teka lang!" pigil niya sa akin. Agad ko siyang nilingon.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Lahat ba ng ranggo dadalo sa pagbibitay kay Queen Kilofa?" tanong niya.

"Oo, bakit?" Napangiti siya sa sinabi ko. Ano kaya ang ikinatuwa niya?

"Talaga ba?" tanong niya ulit. Hay, kung ganito ang ipinapakita niyang ugali, malabong maging ranggo siya. Kahit kapatid pa siya ni Anasandra, hindi siya magiging ranggo.

"Eh paano ka magiging ranggo kung ganyan ang ugali mo!" pasigaw kong sabi.

"Bakit? Hindi ko naman pinangarap maging ranggo, ah," balik niya. Nakakalungkot para sa kanya. Dito sa amin, kapag ranggo ka, nirerespeto ka ng lahat. Pero mahirap din minsan, lalo na kung nakasalalay ang pamilya mo—kagaya ng nangyari sa kapatid ko, si Rhea Anvelliane, at sa kapatid ni Brace, si Angela Lequin.

"Ano, sasama ka ba sa akin?" tanong ko.

"Oo, saglit lang," sabi niya at tumakbo papunta sa salamin. Nag-ayos siya ng buhok at nagsuot ng itim na jacket. Isinukbit niya ang kawayan na dala niya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa bagay na iyon. "Ok na, tapos na ako," sabi niya at lumabas ng bahay.

"Tara na nga!" Isinara ko ang pinto at naglakad na kami.

"Hezekiah!" tawag niya.

"Ano nanaman iyon?" inis kong tanong.

"Kala ko ba kahapon ang pagbibitay kay Queen Kilofa?" tanong niya, na ikinapahinto ko.

"Shhh!" pagbibigay ko ng hudyat na tumahimik siya.

Tinakpan niya ang bibig niya at tumahimik.

"Hindi natuloy dahil sa'yo!" sabi ko.

"B-bakit ako?" tanong niya, nagtataka.

"Dahil sa'yo. Nakiusap si Kilofa na huwag muna ituloy ang pagbibitay sa kanya. Gusto ka daw niyang makausap," sagot ko. Ilang minuto kaming nagkatinginan ni Cassandra. Tunay ngang kakambal niya si Anasandra, pero hindi dapat malaman ni Anasandra o ng kanyang ina na nandito si Cassandra. Kapag nangyari iyon, masisira ang plano namin nila Archi, Brice, Aletheia, Knyve, Gianna, at Anasandra. Kailangang kumilos si Kilofa—siya na lang ang pag-asa namin.

"Hezekiah!" sigaw ni Aletheia.

"A-Aletheia? Ano ang ginagawa mo dito?" sabi ko, may kaba.

"Sino yang kasama mo?" tanong niya sabay tingin kay Cassandra.

"Isang kaibigan!" inis kong sagot.

"Parang pamilyar ka," sabi ni Aletheia, titig kay Cassandra.

"Oo, ako lang naman yung hinabol niyo kagabi. Pumatay ka pa ng ibon para matakot ako," sabi ni Cassandra sabay irap kay Aletheia.

"Ayun na nga!" Lumapit si Aletheia kay Cassandra, at si Cassandra naman ay umatras.

"Kayo nila Knyve at Archi, di ba?" sabi ni Cassandra, ikinagulat ni Aletheia.

"At paano mo naman nalaman?" kinakabahang tanong ni Aletheia.

"Gamit lang ng aking pakiramdam," sabi ni Cassandra, inilapit pa ang mukha niya kay Aletheia.

"Ang iyong pakiramdam, huh! Nakakamangha," sabay palakpak ni Aletheia.

"Ganoon na nga. Kaya nga alam ko agad kung sino ang mga taong nagmamatyag sa akin," sabi ni Cassandra, sabay taas ng kilay at tingin sa malayo.

Nagkatitigan lang silang dalawa, at tahimik ang paligid, kami lang ang tao sa labas. Tanging simoy ng hangin ang naririnig namin.

"Perfect!" sigaw ni Aletheia, ikinagulat namin ni Cassandra.

"Aletheia, ano ka ba? Aatakihin ako sa’yo!" sabi ko sabay hawak sa dibdib ko, ngunit tumawa lang siya.

"Perfect! Pwede ka nang sumama sa ranggo. Baka ikaw yung hinahanap naming bubuo ng Lucky 10," sabi ni Aletheia na ikinakunot ng noo ni Cassandra.

"Ako? Magiging Lucky 10?" tanong ni Cassandra, nagtataka.

"Oo," sabi ni Aletheia na may ngisi. Si Cassandra, pwede nang isama sa ranggo bilang ika-sampu? Nagpapatawa ba siya?

PURPLEIREYA

"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon