CHAPTER 11
~CASSANDRA POV~
"Ang laki naman dito," sabi ko habang nililibot ng mata ang paligid."Oo, malaki talaga," sagot ni Archi, tumango pa siya.
Kaagad kong inilabas ang arnis ko at pinagmasdan ito nang mabuti.
"’Yan ba ang gagamitin mo?" tanong ni Aletheia sa akin.
"Oo, dito kasi ako sanay," sagot ko.
"Ah, sige. ’Yan na lang ang gamitin mo sa laban," sabi ni Aletheia na may ngiti, at nagpunta rin siya sa lagayan ng mga arnis para kumuha ng isa.
"Mag-uumpisa na ba kayo?" tanong ni Hezekiah, halatang nagtataka.
"Oo, ako muna ang susubok sa kanya," sagot ni Aletheia, sabay sugod sa akin nang wala man lang babala.
"Teka, ang bilis naman!" Kaagad kong iniwasan ang palo niya na papunta sa ulo ko.
"Hoy! Sa ulo ’yun ah!" sabi ko habang patuloy na umiiwas sa mga mabilis niyang palo.
"Lumaban ka naman!" sigaw niya, sabay palo naman sa bandang bewang ko na na-ilagan ko pa rin.
Nagpatuloy kami sa pagsasanay, habang sina Hezekiah at Archi naman ay nag-eexercise. Nang bigla, aksidente kong natamaan si Aletheia sa braso.
"Aaray! Ang sakit non ah!" reklamo niya, hawak-hawak ang braso niya.
"Hala, sorry!" kaagad ko siyang nilapitan para tulungan.
~ALETHEA POV~
Masakit pa rin ang hampas sa braso ko ni Cassandra, at ramdam ko pa ang kirot. Hindi ko inasahan na ganito pala siya kagaling sa arnis."Ang galing mo pala sa arnis," sabi ko sa kanya, pero tinitigan niya lang ako nang may pilyong ngiti sa mukha.
"Kailangan mo pa bang itanong?" sabi niya, sabay ngisi at kindat.
"Tangina ka, tigilan mo nga ’yan," sabi ko, pero napatawa rin ako kahit papaano.
"Pinapagaan ko lang naman ang loob mo. Masakit ba talaga ang palo ko?" Sabi niya, naka-puppy face pa, ang kulit talaga.
"Putik! Cassandra, sa tingin mo ba hihinto pa tayo kung hindi ako nasaktan?" Inirapan ko siya, pero andun pa rin ang puppy-dog face niya, parang walang pake kahit masakit pa.
"Kung ako ’yan, hindi kita hahayaang masaktan," sabay kindat na naman niya.
"Nabubuang ka na ba? Tigilan mo nga ’yan. Ang dami na ngang nagsabi niyan sa akin, hindi na ’yan bago," sabi ko, tumatawa pa rin kahit pa sarcastic. Narinig ko na ’yan dati kay Knyve. Halos dalawang taon na niya akong nililigawan, pero bawal talaga sa mga tulad namin na may ranggo o mga Lucky’s ang umibig.
Biglang lumingon si Cassandra kay Hezekiah at tinawag siya.
"Kiah!" sigaw niya.
"Ano ’yun?" sagot ni Hezekiah.
"May nanliligaw na ba dito?" tanong niya, sabay turo sa akin. Nagkatinginan kami ni Hezekiah at sinenyasan ko siyang wag sabihin kay Cassandra.
"Wa-wala pa!" pautal-utal na sagot niya. Ayoko kasi na may maka-alam, lalo na sina Archi at Gianna. Kapag nalaman ni Gianna na nililigawan ako ni Knyve, siguradong magsusumbong ’yun kay Queen Urianna.
Sobrang sumbungera niya talaga, halos lahat kami naiinis sa kanya. Pati si Prince Kailif, asar na rin sa kanya. At kapag nalaman naman ni Archi, tiyak na magagalit ’yun kay Knyve. Kasi akala niya mahal ko pa si Kieler, ang dating prinsipe. Noon kasi, pwede pang umibig ng malaya, pero ngayon, bawal na.
"Pero narinig ko na sinabi na raw sa kanya," sabi ni Cassandra, sabay nguso.
"Ah, narinig ko lang kung saan-saan," pagsisinungaling ko.
"Weh?" pang-aasar niya.
"Hayss, fine. Si Kieler ’yun," sabi ko na rin sa wakas, at napahawak siya sa baba niya.
"Si Kieler pala ang unang minahal ni Aletheia," sabi ni Archi habang tumitig sa akin. "Anak siya ni Reyna Kilofa, kaya noon, pwede pang magmahal ng malaya. Tapos, pwede pang makalabas ng underworld. Pero nung pinalitan si Kilofa, si Urianna agad ang nagpasara nito kaya marami ang hindi na nakapasok."
"Sayang, kung hindi nasarado ’yun, sana nakilala ko ang mama ko," sabi ni Cassandra.
"Oo nga, sayang talaga," sabat ni Hezekiah.
"Ay naku! Balik na nga kayo sa pagsasanay," sabi ko, at bigla akong napalingon sa kanan at nakita ko ang mayabang kong kasambahay, si Adyaka.
"Hoy, Adyaka!" tawag ko.
"Ah, bakit po, ma’am?" sagot niya.
"Di ba magaling ka sa arnis?" tanong ko, taas-kilay pa.
"Buti alam n’yo po," sabi niya na parang proud pa.
"Talaga? Hindi ko nga naririnig na ipinagyayabang mo, eh," sabi ko pa rin na taas-kilay.
"Sino ba ang kakalabanin ko?" tanong niya na parang nagfi-flirt pa, pakembot-kembot pa.
"Si Cassandra!" tumayo ako, sabay tapon ng masamang tingin sa kanya.
"Siya?" sabay turo niya kay Cassandra. "Parang nakakatamad naman," dagdag niya pa.
"Ang sabihin mo, hindi mo kaya," lalo ko pa siyang tiningnan nang masama.
"Ano ba, mukhang wala namang ibabatbat ’yan sa akin," sabay irap kay Cassandra.
"Ang sabi ko, kalabanin mo siya, hindi lait-laitin! Jusko, sana naman bumawi ka man lang sa ugali. Pangit ka na nga, ganyan pa ang asal!" inirapan ko siya at umupo na ako. "O, ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Kumuha ka na ng armas mo!" Kaagad naman siyang kumuha ng armas at nagsimula na silang magtitigan ni Cassandra.
PURPLEIREYA
BINABASA MO ANG
"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1)
Mistério / SuspenseSi Cassandra Xiang, siya ay napunta sa Redemon dahil sa isang simpleng aparador naging isang Ranggo at kinalaunan ay naging ganap na Redemon. Start:December 8 2022 End:May 24 2023