Chapter 10
~CASSANDRA POV~
"Seryoso ka, Aletheia? Eh, mukhang walang mapapatunayan si Cassandra," nakangising sabi ni Hezekiah."Bakit? Kilala mo na ba ako ng buo?" balik ko sa kanya, sabay ngisi.
"Come on, Hezekiah, tingnan na lang natin kung ano ang kaya niyang gawin," sabi naman ni Aletheia.
"Ah, mga miss, kilala n’yo ba si Archi?" tanong ko sa kanila, pero napatingin lang sila sa likuran ko.
"Ano ang kailangan mo sa akin?" sabi ng babaeng nasa likuran ko.
"A-Archi?" pautal-utal na sabi ni Hezekiah.
"What the heck! Nasa likuran ko pala si Archi?" Napatingin ako kay Aletheia, na tinaasan lang ako ng kilay.
"Oo, nandito nga ako," sabi niya pa. Pero hindi ko kayang lingunin siya. Ano na ang gagawin ko? Tatlong ranggo na ang kasama ko, hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila dahil malalakas sila.
"Cassandra!" sigaw ni Hezekiah na ikinagulat ko.
"Ow, Cassandra! Your name sounds familiar to me. Have we met?" tanong niya sa akin.
"Tama ka, nagkita na tayo," sabi ko, na ikinagulat naman nina Hezekiah at Aletheia. Agad ko siyang nilingon at bakas sa mukha niya ang kaba.
"What?! How? When?" gulat na tanong ni Hezekiah.
"Nang nasa labas pa siya ng lugar na ito," sagot ko, na mas lalo nilang ikinagulat.
"Oh my gosh! Paano naman kayo nagkakilala?" tanong ni Aletheia, halatang naguguluhan.
"Hoy, Archi!" tawag ko sa kanya.
"Ano?!"
"Batid kong kilala mo si Jewel Avilla, tama ba?" nakangising sabi ko, na mas lalo niyang ikinagulat.
"Kilala mo pala siya?" Napangiti siya at napayuko.
"Archi? Umamin ka nga, kaano-ano mo si Jewel?" tanong ni Hezekiah, halatang kinikilig.
"Hihi! Siya lang naman ang lalaking aking minahal, aking sinisinta, oh aking irog," sabi niya, kinikilig. Ay, talaga ba? Hindi niya ba alam na may anak na sila? Kapal din ng mukha nito.
"Iyon lang naaalala mo?" seryosong tanong ko, at napawi ang ngiti niya.
"Bakit, meron pa ba?" tanong niya na nakataas ang kilay.
"Oo!"
"Sino?"
"Malalaman mo rin kung sino," sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Sino nga iyon? Pwede bang sabihin mo na?" pilit niya sa akin. Pasensya na, Archi, ayaw kasi ni kuya ipaalam ang totoo.
"Cassandra, ano 'yung totoo?" tanong ni Aletheia. Hala! Nababasa niya ang isip ko? Kanina pa ba niya nababasa?
"Ah, eh, hindi pwedeng malaman ng mga tao na nandito si Archi. Oo kasi maraming naghahanap kay Archi sa labas, hehe," pautal-utal kong sabi.
"Talaga ba?"
"Oo, marami kasing naghahanap kay Archi," kabadong sabi ko.
"Hayss, tara na nga baka mahuli pa tayo," sabi ni Aletheia sabay lakad.
"Teka! Teka! Saan ka pupunta?" pasigaw na tanong ni Archi.
Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa amin. "Aalis na. Kayo, ano’ng ginagawa n’yo dito?" tanong niya sa amin.
"Hindi na tayo aalis, tapos na kahapon pa. Bwisit nga si Brice, ngayon lang sinabi," sabay irap ni Archi, na ikinakunot-noo nina Hezekiah at Aletheia.
"So, tapos na? Hindi na tayo pupunta?" seryosong sabi ni Hezekiah.
"Oo, kasi wala na. Patay na si Queen Kilofa," sabi ni Archi.
"Hindi naman pala tayo matutuloy, edi isama ko na lang si Cassandra sa pagsasanay ko," sabi ni Aletheia, na ikinakunot-noo ko. Seryoso ba siya? Isasama niya ako sa training niya? Halatang hindi ako makakasabay sa kanya.
"Maari ba akong sumama?" tanong ni Hezekiah.
"Bakit naman hindi? Ikaw, Archi, sumama ka rin," sabi ni Aletheia.
"Ako? Aba, himala!" sabi niya sabay hawak sa kanyang dibdib.
"Ayaw n’yo? Cassandra, sumunod ka sa akin." Tumalikod na siya at agad ko siyang sinundan.
"Teka! Teka! Aletheia!" sabay sigaw nina Hezekiah at Archi. "Sasama kami," sigaw nila. Napahinto kami at napalingon ako sa kanila.
"Bilisan n’yo!" Pinagpatuloy ni Aletheia ang paglalakad at sinundan ko siya.
"Jusko! Hindi mo talaga kami nilingon," hinihingal na sabi ni Archi.
"Ang dami n’yong arte kanina eh, inaaya na kayo," masungit na sabi ni Aletheia.
"Masungit na naman siya, hayss, ikaw talaga," sabi ni Archi.
"Bilisan n’yo na lang." Binilisan pa namin ang paglalakad hanggang sa may nadaanan kaming dalawang lalaking nag-uusap.
"Bro, subukan ko kayang sumali," sabi ng isang lalaki.
"Sa patimpalak? Kung saan, pag nanalo ka, ikaw na ang ikasampung ranggo?" sagot ng isa, na ikinapahinto naman namin sa sinabi niya.
"Oo, gusto ko ngang sumali eh," sabi pa ng isang lalaki, at nag-si-alisan na sila.
"Narinig n’yo iyon?" tanong ni Archi.
"Oo, eh bakit hindi natin isali si Cassandra?" sabi naman ni Hezekiah.
"Ako? Pwede ba doon ang arnis?" tanong ko naman.
"Why not? Isali natin si Cassandra," sabi ni Aletheia.
"Ano, Cassandra, sasali ka ba?" tanong ni Archi.
"Amm, sige na nga," sagot ko.
"Mag-collab kaya tayo, Hezekiah, Archi?" sabi ni Aletheia. Magko-collab sila? Para saan?
"Collab? For what?" tanong naman ni Hezekiah.
"Hayss, kayo talaga. Magko-collab tayo sa pagsasanay kay Cassandra para manalo siya," sagot ni Aletheia.
"Sabagay, sige nga."
"Deal ako."
"Ok, let's start teaching Cassandra," sabi naman ni Hezekiah.
"Tara na para maumpisahan na natin ang pagsasanay." Naglakad na kami papunta sa lugar ng pagsasanay.
PURPLEIREYA
BINABASA MO ANG
"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1)
Mystery / ThrillerSi Cassandra Xiang, siya ay napunta sa Redemon dahil sa isang simpleng aparador naging isang Ranggo at kinalaunan ay naging ganap na Redemon. Start:December 8 2022 End:May 24 2023