Morjana's POV
Im Morjana Neeson 17 y/o, my family was gone 2 years ago. They already in heaven, but Im with my tita Jane. Pero nasa ibang bansa siya ngayon, kaya sa apartment na ako nakatira pero kasama ko sa bahay sila Algin.
At ngayon nasa gubat kami namamasyal hahaha sa gubat talaga.
Anyway dito talaga kami pumupunta pag wala kaming ginagawa nakaka refresh kasi dito.
Hindi naman kasi ito basta gubat lang, meron din kasi kaming pinupuntahan sa parte ng gubat na ito na nakaka pag relax saming magkakaibigan at dahil narin sa sariwang hangin.
Sa gitna nitong kakahoyan may malawak na parang harden ng mga bulaklak dito kami palaging naka tambay.
Pero parang walang namang nag mamay-ari nito dahil wala naman kaming nakikita na taong pumupunta dito tuwing namamasyal kami sa gubat, baka tumubo lang ito rito. Meron din kaming nakikitang isang mansion malapit dito pero hindi pa kami nakakalapit dun dahil nakakatakot itong tingnan o lapitan, atsaka parang wala naman taong nakatira doon.
"boo!!"
"ahhhh" sigaw ko dahilan para mapabitaw ako sa kahoy na kinakapitan ko kaya na dulas ako sa lupa at tumama ang ulo ko sa sanga ng kahoy. Hindi naman malakas ang pakakatama ko, hindi naman ako magkaka amesya dahil dito diba?
"aray! algin bat mo ako ginulat kung ikaw kaya ang gulatin ko huh?!" kainis 'to ah, alam naman niyang magugulatin ako.
"eh kasi ang lalim ng iniisi- Ohmy!" sigaw niya.
"Ugh!" daing ko habang tumatayo at yumakap sa braso nya. ouch ang sakit ng ulo ko.
"god mor huhuhu, im s-shorry huhuh" - algin
"gin! bakit anong nakita mo? a-asan banda?! marami ba sila??! tara hanapin na natin sila charlyn at umuwe na tayo." Natatakot at natatarantang kong tanong sa kanya dahil umiiyak na siya ang o.a talaga maka react nito, pati tuloy ako tatakot na!
"huhuhu sorry mor-" naputol ang sasabihin niya dahil dumating na sila lyea.
"hey! algin bakit ka-" pinutol ko na rin ang itatanong niya still naka yakap parin ako sa kanya at kana yuko, ayaw kong makakita ng multo no.
"Eh kasi may nakita si algin na multo! kaya umuwe na tayo." sagot ko sa tanong nila.
"WHATTT?????!!!" - lyea and charlyn in chorus
"NO!! hindi ako naka kita ng multo.a-ano kasi" - algin
"ano???" this time lumayo na ako sa kanya at humarap sa kanila.
sabay sabay naman silang napa "OMG! mor m-may dugo/sugat ka!!"
Napa hawak naman ako sa noo ko at totoo nga may.. "D-DUGO!!" nung nakita ko yung dugo sa kamay ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko sasabok na ito sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, habang tinititigan ko ang kamay ko na may dugo lumalabo naman ang paningin ko parang nahihilo ako. Hangang sa nawalan na ako ng malay.