Dylan's POV
Natutulog na siya ng pumasok ako sa kwarto niya mula sa bintana.
Habang pinag mamasdan ko siya, napansin ko na namamawis si Scarlet. Teka na nanaginip ba siya, agad ko siya ginising pero hindi parin siya nagigising.
Ano ba princess gumising.
"Dylan"
Scarlet andito ako, gaya ng ipinangako ko na hindi kita iiwan.... please alalahanin mo ang lahat lahat mahal ko.. Naramdaman ko na nagising na siya kaya lumayo muna ako sa kanya..
Umupo siya sa kama niya at inilibot ang kanyang paningin at ng makita ako.. Agad siyang tumayo, lumapit sya sa akin at niyakap ako.. Nagulat ako sa ginawa niya pero niyakap ko rin siya. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin, naalala na kaya niya ako? ayaw ko rin naman mag tanong baka kasi ibang sagot ang matanggap ko at the same time gusto kong ganito lang kami..
Namimiss ko siya ng sobra. There's a lot of things, that I want to explain to her. But how? papaano ko sisimulan, natatakot ko. Yes im scared, scared of what will happen after she will know the truth and im afraid of losing her again!
"Dylan s-sorry?" she's crying, I really hate my self for making my precious girl cry..
"shhh, dont cry!" hindi ako sanay na umiiyak siya, humiwalay ako sa kanya at pinaupo siya sa kama..
"Scarlet?" mahina lang ang pag kakasabi ko, nag babaka sakali na naalala na niya kung sino siya..
.....
Morjana's POV
"Mor, ayos ka lang ba? kanina kapa wala sa sarili ah?"
"h-huh? oo ayos lang ako." kagabi ko pa kasi iniisip kong bakit nag sinungaling si tita at nag panggap na tita ko..Sino ba siya at anong nalalaman niya tungkol sa mga gaya namin?
Iniwan ko na si algin sa sala wala ako sa mood makipag kwentuhan sa kanya...
Humiga na muna ako sa kama ko. Yung kagabi hindi ko rin alam kong bakit ko nagawa yun kay dylan, ang taong minahal ko at mas pinili kisa sa mga kalahi ko...
*Flashback*
Naaalala ko na, ako nga si Scarlet ang isa sa mga guardians at naparusahan dahil nag mahal ng maling nilalang..
Sobrang sakit isipin na ako ang dahilan ng pagka ubos ng lahi namin, ako na dapat promotikta sa kanila ang siyang pangahas na nag pahamak sa kanila.
"Scarlet?" mahina pero narinig ko yon.. hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya..
"Dylan, Im sorry pero kailang munang umuwi!" tumayo na ako.
"hindi mahal ko, dito lang ako babantayan kita.."tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na pumatak..
"Dylan, P-please umalis kana, bumalik kana sa mundo natin iwan muna ako! wag muna akong balikan o puntahan pa. simula ngayun malaya kana.. P-pinapakawalan na kita!" kahit mahirap, kahit na masakit kakayanin ko dahil ito ang tama..