Morjana's POV
Lumabas muna ako sa apartment. maglalakad lakad lang ako dito sa labas para mag pahangin, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa may park na malapit sa apartment namin.
"tsk!" naupo nalang ako sa isa sa mga swing doon. Maliwanag naman dito dahil sa bilog na buwan.
Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan, ang ganda maraming mga bituin. Pumikit ako at humiling sa langit. (╯▽╰)
'Sana, sana maging maayos na ang lahat. Sa akin, sa mga kaibigan ko at pati narin kay Dylan sana mapatawad niya ako sa mga na sabi ko sa kanya!'
Idinilat ko na ang mata at ngumiti. Tumayo na ako para umuwe na sana ng may nakita akong taong naglalakad na parang nahihirapan ito sa pag lalakad, medyo malayo kasi ako sa kanya kaya hindi ko siya maaninag..
Nakita kong natumba siya kaya agad akong lumapit sa kanya, laking gulat ko ng si Dylan ang taong iyon..
"Dylan?" tiningnan naman niya ako, ang pupula ng mga mata niya.
"Dylan, anong nangyari sayo bakit ka nandito at bakit ng hihina ka??" tanong ko habang tinutulongan siyang tumayo..
"Umalis k-kana, iwan mo na ako!" sabi niya ng nahihirapang huminga. Pinag papawisan narin siya at nanginginig.
"hindi! hindi kita pwedeng iwan dito, ano kaba?!.. ihahatid na kita sa mansion mo."
"Hindi k-kaya ko na, alis na hanggat kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, hayaan mo na ako..." pag pipilit niya.
"Anong sinasabi mo, sabi ng tutulongan kitang makauwi. kaya makisama ka nalang okay?!"
"S-sorry! stay away from me!" sigaw niya sabay tulak saakin ng malakas, dahilan para tumilapon ako sa may maliit na puno.
Ouch ang sakit nun ah, ano ba kasing nangyayari sa kanya?. Bigla siyang tumayo at humarap sa akin akala ko tutulongan niya ako pero hindi pala dahil mabilis niya akomg hinawakan sa ulo at batikat.. T-teka anong ginagawa nya?!
"D-Dylan!" pero parang wala siyang naririnig.. Kinakabahan na ako at nanginginig narin sa takot, kakagatin ba niya ako? huhuhu papatayin na ba niya ako dahil sinaktan ko siya?.
Naramdaman ko ang pangil niya sa leeg ko, kinagat niya ako at ang sakit nito.. huhuhu katapusan ko na!
"AHHHHhhh" kasabay ng pag sigaw ko ay may narinig akong nag salita.
"Mahal na hari! itigil ninyo yan baka mapano ang prinsesa." naramdaman ko rin ang biglang pag hiwalay sa akin ni Dylan at tumilapon siya ng medyo malayo layo sa akin, nagulat ako sa nangyari sino kaya ang nag ligtas sa akin? at bakit ako gustong patayin ni Dylan?..