Scarlet POV
"WHAAAAT???" gulat nilang sigaw, kahit ako nagulat din.
Lukong bampira 'to, alam naman niyang hindi pa siya kilala ng mga 'to, saka ka bebreak palang namin ni Gray panong may boyfreind na agad ako? ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko? (>_<)
"Um... o-oo ayos lang ako." sagot ko sa tanong niya, nagulat kasi ako ng makita ko si Charlyn at inaya kaming pumasok.
Hindi ko kasi inaasaha na andito siya ngayon..
At sa itsura nila ngayon ay matatakot ka talagang lumapit sa kanila. hahahaha pano ba naman kasi yong mga mata nila ang pupula, talo pa nila ang mga bampira sa pula ng mga mata haha idagdag mo pa yong mga make ups nila na nag kalat sa mukha nila.. haha
Pumasok na kami at nag sinimula na silang mag tanong ng kung ano ano gaya ng 'Kung san ba ako nag bakasyon?, kung bakit ako tinawag ni Dylan ng MAHAL?, may relasyon ba daw kami?, asan ba kami nag kita?, ay kapatid ba daw siyang kasing gwapo nya?' yong mga ganong klasing tanong, minsan paulit ulit nalang sila kaya hindi ko nalang sinasagot at nginingitian ko nalang sila.. hayy, iwan sa kanila para namang hindi nila ako namiss, samantalang ako sobrang na miss ko sila. T_T huhuhu nakaka tampo!
Na inis naman sila ng hindi ko sila sinasagot kaya si Dylan naman ang kinulit nila, haha narinig ko pa ang sinabi ni Lyea kay Dylan na para lang daw akong tanga na naka ngiti sa kanila habang sila seryosong nag tatanong.. seryoso ba talaga sila mga tanong nila sakin at sila pa talaga ang nainis eh no?!.. tsk! tsk! tsk! (_ _)>
*tok-tok-tok*
Teka may bisita sila?
Tumayo na ako para buksan yong pinto, mukha ayaw talaga nilang iwan si Dylan so ako nalang, si Charlyn kasi nasa kusina. Hanggang ngayon naiilang parin ako sa kanya, hindi naman maiiwasan yon.
*tok-tok*
Ano ba namam 'to, hindi makapag hintay.
*tok-to-*
Natulala ako sa nakita ko.
"G-gray!" agad niya akong niyakap, pero ganon parin ako nakatulala..
Anong ginagawa niya dito? at amoy alak pa siya..
Tinulak ko siya ng marahan pero mas lalo pa niya hinigpitan ang pag kakayakap niya sa akin.
"I-I'm so..rry hon p-please for gi..ve m-me." hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik nalang ako.
"H-hon h..indi k-ko gi..nustong magh-hiwalay tayo! MA..HAL K-KITA TOTOO yon! b-but be..cause of my fuck...ing mistake, I let my life go! because of that child, I made my girl cry... I'm s-sorry!" naramdaman kong nababasa na ang balikat ko, umiiyak siya..
"tama na Gray, wag mong sabihin yan anak mo parin yun!.... wag mong isisi sa kanya ang mga ng nangyayari ngayon, walang kasalanan ang baby mo dito! mangilabot ka anghel parin ang sanggol na yon!............. oo mahal mo nga ako pero alalahanin mo lahat ng bagay ay may dahilan, siguro hanggang dun nalang talaga tayo, siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, kaya kalimutan mo na yang nararamdaman mong pag mamahal sakin at ituon mo nalang yang sa magiging anak mo at kay C-Charlyn." humiwalay siya sa akin, marahan niya akong hinawakan sa mag kabilang balikat at tinitigan sa mga mata..