Scarlet's POV
Maaga akong nagising dahil sa may pasok kami ngayon, naligo agad ako at sinuot ang uniform at sapatos ko.
Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko, bakit ganun? Bakit parang kinakabahan ako.
Wag ko na nga lang muna isipin yun, itanong ko kaya kina Dylan yon mamaya baka sakaling may alam sila.
Malakas ang kutob kung may alam sila sa nakaraan ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina.. naabutan ko naman sina Lyea na nag hihintay ng pagkain, samatalang si Charlyn namang amg nag luluto..
Simula nung nag hiwalay kami ni Gray at nalaman kong buntis si Charlyn, hindi pa kami nag uusap o nag papansinan..
Palaging nag iiwasan, iwan ko ba kung siya ang umiiwas o kung ako feeling ko kasi ako ang umiiwas sa kanya.
Minsan kasi pag kami lang niiwan dito, gaya ng kung may pasok sila o kaya may pupuntahan yung dalawa (na satingin ko naman ay sinasadya nila kaming iwan) iniiwasan ko siya, minsan pumupunta ako sa bahay ni Dylan. Ang sama ko ba? Eh sa naiilang parin kasi ako sa kanya kaya iniiwasan ko siya.
Bitter ba?! Ha! Hindi ako bitter no! Naiilang at nahihiya lang talaga ako sa kanya..
Nag papasalamat pa nga ako kasi alam kong mabuting tao ang pakakasalan ni Gray, mabuting kaibigan si Charlyn at alam kong magigi masaya sila..
Tanggap ko naman ang nangyari..nasaktan talaga ako sa ginawa nila, para kasi sakin trenaydor nila ako kahit ganito ang sitwasyo ko minahal ko si Gray at kaibigan ko si Charlyn kaya masakit sakin yun.
Siguro ito na ang tamang panahon para mag kausap at mag kabati na rin kami.
"Oh Mor andyan kana pala halika na sumabay kana samin, may pasok pa tayo."
Aya sakin ni Lyea ng makita ako sa may pinto ng kusina.
"Ah s-sige!"
"Luto na ang almusal!" Masilang wika ni Charlyn.
"Mabuti naman kanina pa ako nagugutom!" Sabay sabay naman silang napa lingon sa akin ng nagtataka.
"Oh bakit? ngayon lang ba kayo nakarinig ng salitang nagugutom?!" Inis kong sabi sa kanila, bakit ba kasi nila ako tinititigan.
"A-ah hindi naman girl, nag tataka lang kasi kami....ngayon kanalang ulit kasi sumabay samin kumain, alam mo simula nung- ay kain nanga lang tayo gutom narin pala ako." nakita kung siniko ni Lyea si Algin kaya iniba na nito ang sinasabi, tss obvious namang alam ko na ang sasabihin sana niya. agad naman silang kumuha ng pag kain.
Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang pero nakakairita lang talaga yong habang kumakain ka ay may nanunuod sayo. Aishh!
"Tch kakain ba kayo o panunuodin ako habang kumakain?!" iritadong sabi ko sa kanila, nakita ko naman si Charlyn na yumuko lang..
"Tss kumain kanga ng marami Char, atsaka bakit kape ang iniinom mo?! Akin na ngayan!" Kinuha ko naman ang kape niya at ininom, grabe ang tabang.
"H-hoy bakit mo ininom?!" Tanong ni Algin.
"Oo nga hindi mo ba alam na bawal makipag salo sa buntis?" Nag taka naman ako sa sinabi ni Lyea, bakit ano bang meron kung inumin ko ang kape ni Charlyn?.
"Bakit ano bang meron kung inumin ko yung kape niya huh?! mahahawaan ba ako ng pagbubuntis niya, mabubuntis rin ba ako huh?! Atsaka bakit nyo ba siya pinapayagang uminom ng kape?!" Natatawang tanong ko sa kanila. Tumayo ako para mag timpla ng gatas para sa kanya.