Scarlet's POV
Naka tayo ako sa likod ng dalawang batang nag-uusap na sa tingin ko ay nasa anim na taong gulang na, hindi ko alam kung bakit ako andito. kami lang kasi ang narito at nakakatakot rin dito dahil sa mga puno na naka palibot..
Pero... kahit nakakatakot dito feeling ko safe ako rito, yong feeling na teritoryo mo itong lugar kaya panatag kang makakapasyal..
Lumapit pa ako na kaunti para marinig ko ang usapan nila, hindi naman ako tsemosa sa lagay kung yan noh! hahaha
"Dylle!" maawtoridad na sambit ng batang babae sa kasama nitong bata
"Oo nga! si tito mismo ang nag sabi sa akin." malungkot na sagot ng batang lalaki.
hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila dahil sinambit lang ng batang babae ang 'Dylle' yon na agad ang sagot ng batang lalaki sa kanya..
Teka parang pamilyar sa akin yang pangalang Dyl ah!
"ang sama naman nila! pag nakita ko sila ihuhulog ko talaga sila bangin ng kamatayan!!!" hindi ko sila maintindihan, pero natawa ako sa sinabi niya.. akala mo kung sinong matapang eh!
"HAHAHA" pati tuloy yung batang lalaki natawa sa inasal niya... hahaha talagang feel na feel ko ang pagiging tsemosa ko ah.