CHAPTER TWO

1.2K 26 10
                                    

PINANLAMIGAN ng pakiramdam si Rosa dahil sa lalaking kaharap. Paanong nabubuhay pa ito? O hindi kaya ay namamalikmata lamang siya? Imposible kasi na ito nga ang lalaki sa nakaraan niya. Patay na! Tama nang sa panaginip lang siya minumulto ng lalaki. Natitiyak niyang masisiraan na siya ng ulo kung pati sa realidad ay gagambalain din siya nito.

"Are you Rosalinda Mendez?" tanong ng lalaki.Hindi siya nakatugon kaya napakunot ito ng noo."Bakit parang nakakita ka ng multo?"

"H-hindi ka ba multo?"

Nagsalubong ang mga kilay nito."Ano'ng sinabi mo?"

"Ano'ng kailangan mo?" balik tanong niya.

Hindi kaya sisingilin na siya nito sa kanyang kasalanan? Papatayin na ba siya ng lalaki tulad ng nais nitong gawin sa kanyang panaginip? Sa kaisipang iyon ay lalong natakot si Rosa. Pero maraming katanungan ang umusbong sa kanyang isip. Katulad ng kung paano nito nalaman kung nasaan siya? Paano nito nalaman ang pangalan niya? At bakit ngayon lang ito nagpakita sa kanya gayong buhay naman pala ito?

"I am looking for Rosalinda Mendez. Ikaw ba 'yon?" seryosong tanong ng lalaki, tila naiinip na.

Napaatras si Rosa. Natakot kasi siya na baka bigla na lamang siyang sakalin ng lalaki na tulad ng ginagawa nito sa kanyang panaginip. Ang tigas kasi nitong makatingin sa kanya, tila ba may kinikimkim na galit.

"A-ako nga. Kung balak mo akong p-patayin, 'wag mong idadamay ang p-pamilya ko."

            "What?!" bulalas nito, nanlaki ang mga mata. "Are you crazy?"

            "Ha?"

            "Ang sabi ko, baliw ka ba? Bakit naman kita papatayin?" tanong nito sa mataas na tinig, hindi na naitago pa ang pagkainis.

            "'Oy, teka, teka nga," awat ng tiyahin niya, pumagitan sa kanila. "Huwag mo namang pagtaasan ng boses ang pamangkin ko. Aba, bastos ka pala, eh! Sino ka ba, ha?"

Hindi pinansin ng lalaki si Tiya Celia.Sa halip ay tinitigan siya nito, tila pinag-aralan ang kanyang mukha. "Ikaw ba talaga si Rosalinda Mendez?"

            Hindi ba siya nito maalala? Kunsabagay, gabi noong panahon na iyon. Lasing pa ito at maaari nga na hindi nito lubusang matandaan ang kanyang hitsura.

"Siya nga!" ani Tiya Celia."Kailangan mo pa ba ng ebidensiya, ha?"

            "Tsang, ang puso mo." Hinawakan ni Rosa sa braso ang tiyahin at hinimas-himas. "Ako nga si Rosalinda. Handa akong—"

            "I'm Eliezer," pakli ng lalaki. "Kapatid ako ni Nicolas."

            Natigagal siya. "K-kapatid ka...?"

            "Pinasusundo ka sa akin ni Nicolas. Gusto ka niyang makita. Naka-confine siya ngayon sa ospital sa Maynila."

            Napasinghap siya."Ano'ng nangyari sa kanya?"

            "May malubha siyang sakit, pero gusto niyang siya na ang magsabi sa 'yo ng buong detalye. Kailangan mong sumama sa akin pabalik sa Maynila bukas din ng umaga." Sumulyap ang lalaki sa relong-pambisig. "I need to go. May mahalaga pa akong aasikasuhin. Susunduin na lang kita bukas," pahayag nito na hindi man lang siya hinayaang makapagdesisyon kung sasama ba siya rito o hindi. Gayunman, sasama talaga siya. "Puwede ho ba kayong makausap sandali?" baling nito kay Tiya Celia.

            Pinamaywangan ito ng tiyahin niya."Kanina pa kita kinakausap, 'di ba? Pero hindi mo ako pinapansin. Saka—"

            "Sandali lang ho ito," pakli ni Eliezer, sabay hawak sa braso ng kanyang tiyahin. Iginiya nito si Tiya Celia sa isang sulok ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dahil Sa Pag-ibig (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon