*School*
"guyzz.. natatakot akong pumasok!!" nanginginig na sabi ko
"hay nako! hindi ka makukuha ng Ranz na yun lagot sakin yun kapag kinuha ka samin at ginawang sunud sunurang tuta" -Yna
"Talaga lang sinong lagot???" O....M...G... s-si R-ranz yung devil yun ahhh biglang sumulpot sa likod ni Yna at narinig niya yata yung sinabi nito
"ahhh-ehhh w-wala walang lagot niloloko lang kita , s-si Eukie ba sadya mo?.... a-ayan na siya ohhh!!!" namumutlang sabi ni Yna kay Ranz luh! bat bumabaliktad tong babaeng to? ehhh kanina antapang tapang niya wag sabihin na takot siya kay Ranz
"hi! remember the deal? (evil laugh)" sabi ng devil Ranz habang papalapit sakin.... hinawakan niya ako sa balikat at yung tipong kakaladkarin!!? tinignan ko sila Jolea, Basta, Yna, Jezille & Rhea .... sumisenyas ako na tulungan nila ako pero wala silang ginawa parang kinikilig pa ang mga gaga.... takte! kung kinikilig sila dapat sila nalang tumayo sa kalagayan ko mamaya lang talaga sila sakin pag uwi ko sa bahay humanda sila....
"Huy,huy,huy,hoi san mo ba ako dadalhin?!!?" tanong ko sa kanya kasi hinihila niya ako di ko alam kung san kami pupunta parang sa kabilang building ng room namin tong building nato
"huy,huy,huy, tawag mo sakin?"
"RANZ" sigaw ko
"OH!!" nakahawak sa tenga
"Good so alam mo na pala pangalan ko?!" sabi niya sabay ngiti
"uhmm.. sinabi ng bestfriend ko si Rhea"
"ahhh... girlfriend siya ng tropa ko si Biboy"
oh oh oh... room nila to hah bat dito ako dinala ng mokong nato este devil pala !!! "Meet my friends, sila din ang mga kagrupo ko sa Blacklist" sabi niya sakin pagpasok ko sa room nila, nakita ko yung limang boys na cute naman may itsura din pero kakaiba sila manamit parang gangters katulad ng devil sa tabi ko ,but they are super cool ,hindi sila katulad ng gangters sa kanto na mukhang engkanto
"Meet Eukie Vuenaflor" sabi ni Ranz ay devil pala naiinis kasi ako sa kanya kaya devil.. aba! alam niya yung name ko
"Hi Eukie nice to meet you" bati nila
"hello" I yelled
pagkatapos nilang magpakilala lahat sila ayyy!!! nakilala ko narin pala yung BF ni Rhea si Biboy uhmmm!! he's nice for Rhea at mukhang mabait naman cute din..... "Ang ganda niya pare, pwede bang akin nalang" sabi nung Oliver yata yun oo Oliver nga... palapit ng palapit yung mukha ni Oliver sakin then biglang hinarang ni Ranz yung kamay niya "Sakin lang siya sakin lang siya susunod kaya umayos kayo kung ayaw niyong mabugbog" sabi ni Ranz sabay si Oliver naman lumayo... grabz pati kagrupo niya takot sa kanya? sa bagay siya nga yung leader ehh tanga lang Eukie? hindi naman
nakaupo lang kami sa upuan ng room nila
"alam mo ba Eukie parang familiar yung mukha mo!" sabi nung singkit si Ullyses
"Really , san naman kayo nag kita?" tanong nung Owy
"uhmm. san ba yun? basta ampp" parang nag iisip
"Baka imbento kalang bro" sabat nung Clarence
"ahhh! alam ko na nung nasa bar kami nung gabi nakita ko yung picture mo sa wallet nitong si R-......" di natuloy yung sasabihin ni Ullyses dahil "Hoy! tumahimik ka nga Ully andaldal mo" sigaw ni Ranz kay Ullyses
ang wierd naman... bat ba sila natatakot magsalita pag sinasaway sila ng devil nato bakit mamatay ba sila? ay ewan..... dumami na ang mga studyante sa room nila at halos lahat pinag uusapan kung sino ako