CHAPTER 2

392 87 9
                                    

"Okay class meet the new student from AIWA high." sabe ni Mrs. Hellery.

Agad na tumayo si Steph para magpakilala sa mga classmate nya

"Hello I'm Stephanie Rukia."

"Stephanie pala pangalan nya." bulong ni Kishimoto.

"Balita ko maganda daw sa AIWA bakit ka nag transfer dito sa TOYOTAMA?" tanong ni Mrs. Hellery.

"Nalipat po kasi sa OSAKA ang trabaho ng papa ko kaya lumipat po ako ng school." paliwanag ni Stephanie.

"Alam mo ako rin nalipat ng trabaho ang papa ko dito sa OSAKA kaya dito ako ngayon nag aaral sa TOYOTAMA. Nakakamiss nga ang mga kaibigan ko sa KANAGAWA." sabat ni Kitty.

"Don't worry maganda naman ang pamamalakad dito sa school ng TOYOTAMA at hindi kayo magsisising nag aral at nag transfer kayo dito." sabe ni Ms. Hellery.

"Sige na Stephanie maupo kana at magka klase na ako." utos nito at bumalik naman sya sa upuan nya.

Muntik na syang masubsob ng patirin sya ni Kishimoto.

"Opps sorry di ko sinasadya."

Alam nya na sinadya yun ni Kishimoto pero hindi na lang sya nag salita.

"Sayang hindi tumama yang mukha mo sa lapag." bulong ni Kishimoto at masama syang tinignan ni Stephanie.

Ayaw nya na magkaroon ng kaaway pero ayaw naman nyang mabully sya.

"Kung inaakala mo na kaya mo ko nagkakamali ka. Hindi ako papayag na gawin mo sakin yung ginagawa mo sa ibang tao." seryosong sabe nya.

"Tignan natin kung mag tatagal ka dito."

Walang sinasanto si Kishimoto kahit babae o lalaki ang kausap o kaharap nya kaya lahat ng classmate nya takot sa kanya maliban si Stephanie.

Pagkatapos ng unang klase nya lumabas mo na sya para kumain. Nagulat sya ng itapon ni Kishimoto ang bag nya sa labas.

"Ayoko ng may katabi dun ka sa labas maupo." sabe ni Kishimoto

Hindi na sya nakatiis at nilapitan nya si Kishimoto.

"Ano bang kasalanan ko sayo? Kung ayaw mo kong katabe hindi ba dapat ikaw ang umalis. Pareho lang tayong estudyante rito pero kung umasta ka akala mo kung sino ka kaya siguro ganyan ang ugali mo dahil wala kang kaibigan. O baka wala ka ring magulang na nagtuturo sya ng tamang asal hindi mo kasi maapply sa sarili mo." sabe ni Stephanie.

Natakot sya ng tumayo si Kishimoto at harapin sya.

"Anong karapatan mong sabihin sakin yan. Hindi mo ko kilala." agad na hinawakan ni Kishimoto ang kwelyo ng damit ni Stephanie.

"Bitawan mo ko. Nasasaktan ako." pakiusap nya.

"Kishimoto babae yan." sabe ni Drew na hindi magawang awatin ang ginagawa ni Kishimoto.

"Humanda ka sakin. Paglalaruan kita." pagbabanta ni Kishimoto.

"Anong gagawin mo sakin? Sasaktan mo ko? Alam mo napakasama ng ugali mo tama pala lahat ng sinabe ng kaibigan ko tungkol sayo." sabe ni Steph.

"Tumigil kana Step baka kung ano pa gawin nya sayo." sabat ni Kitty.

Inis na lumabas si Stephanie habang dala dala ang bag nya.

"May tao palang ganung kasama." sabe ni Stephanie at hindi nya napigilan maiyak habang naglalakad.

Wala syang matakbuhan dahil wala naman syang kaibigan sa TOYOTAMA. Ayaw na sana nyang pumasok kaya lang hindi naman sya pwedeng umuwe dahil may susunod pa syang klase.

𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐁𝐘 𝐋𝐎𝐕𝐄Where stories live. Discover now