CHAPTER 7

149 75 13
                                    

Hindi makatulog si Stephanie dahil iniisip parin nya ang halik na ginawa sa kanya ni Kishimoto.

"Bakit ganun kung humalik sya parang sanay na sanay. Ilang babae na kaya ang pinaiyak at sinaktan nya?

Habang nagsasalita mag isa si Stephanie biglang nag ring ang phone nya at nakita nyang tumatawag ang kaibigan nyang si Jin.

"Jin bakit gabe ka kung tumawag?" tanong nya.

"Pasensya na akala ko kasi busy ka. Kamusta kana?" tanong naman ni Jin.

"Ayos naman. Ikaw kamusta ka?"

"Ito hindi okay di kasi kita nakikita hehehe biro lang. Sa susunod na linggo na pala ang laro namin sa SHOYO gusto ko sana manood ka yun eh kung okay lang sayo....

"Sige Jin." sagot nalang ni Stephanie.

"Salamat Steph. Alam mo ba maraming mga bagong sumali sa KAINAN yung iba mas magaling pa kesa sakin kaya siguradong maghahari nanaman sa distrito ang team namin sa susunod na taon." kwento ni Jin.

"Talaga? Ngayon palang binabati na kita....

Pagkatapos nya makipag usap kay Jin humiga na sya para matulog.
_________

KINABUKASAN Maaga syang pumasok at nakita nya si Kishimoto na naninigarilyo. Iiwasan na sana nya si Kishimoto ng bigla sya nitong lapitan.

"Good morning." bati nito saka sumabay sa paglalakad nya.

"Good morning din."

"May pen kaba dyan?" tanong ni Kishimoto.

"Bakit?

"Oo o wala lang meron ba?" tanong ulit nito.

"Meron." sagot nya saka kinuha sa bag ang pen at ibinigay kay Kishimoto.

"Tumalikod ka." utos nito.

Kahit nagtataka tumalikod parin si Stephanie.

"Masyadong maputi tong uniform mo. Mas maganda kung marurumihan sya ng konti." sabe ni Kishimoto saka sinulutan ng kung ano ano ang uniform nya.

"Bakit mo ba ginagawa sakin to?" naiiyak na tanong ni Stephanie habang nakatalikod.

"Simple lang dahil ayoko sayo. Matutuwa ako kung nasasaktan kita tulad ngayon." ngiting sabe nito saka iniwan si Stephanie at tinapon ang pen nito.

Hindi maiwasan ni Stephanie na maiyak dahil tadtad ng sulat ang uniform nya sa likod.

"Hindi ko to pwedeng palagpasin. Hindi ako pinanganak ng magulang ko para saktan mo Kishimoto. Humanda ka sakin.....

Dumiretso sya ng restroom para kumuha ng timba na may lamang tubig. Wala na syang pakialam kung ano ang magiging tingin sa kanya ng ibang tao basta makaganti lang sya sa ginawa ni Kishimoto.

Kahit nahihirapan dinala nya ang timba na may lamang tubig at pinuntahan sa gym si Kishimoto.

"Humanda ka sakin penguin....

Pag dating nya sa gym nakita nya agad si Kishimoto na nakaupo kaya agad nyang nilapitan ito.

"Alam mo marunong din akong manakit. Gusto mo subukan ko wait ha." sabe ni Stephanie saka kinuha ang timba at binuhos ang laman ng tubig kay Kishimoto.

Halos maligo na si Kishimoto dahil basang basa ito mulo ulo hanggang paa.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Kishimoto.

"Oh sorry hindi ko sinasadya. Anong pakiramdam? Malamig ba? Pasensya kana hah natutuwa rin kasi akong makita kang ganyan." pang aasar ni Stephanie saka lumabas ng gym.

Halos mapangiti si Minami dahil nakahanap ng katapat si Kishimoto. Tanging si Stephanie lang ang babaeng gumawa nun sa kanya.

"Palaban kang babae ka." bulong ni Kishimoto saka lumabas ng gym.

Dumiretso na si Stephanie sa klase nya. Kahit marumi ang uniform nya masaya naman sya dahil nakaganti na sya.

"Anong nangyare dyan sa uniform mo Step? Bakit ang daming sulat?" tanong ni Kitty.

"Wala lang yan." sagot nya habang nakangiti.

Dumating naman si Kishimoto na basang basa kaya naman nagtaka ang mga classmate nya.

"Umuulan ba sa labas? Bakit basang basa ka?" tanong ni Marco.

"Wala kang pakialam." sagot ni Kishimoto na masama ang tingin kay Stephanie.

"Kawawa ka naman Kishimoto para kang basang sisiw dyan gusto mo ba pahiramin kita ng uniform ko kaya lang kasi marumi na to eh." pang aasar ni Steph

Magsasalita na sana si Kishimoto ng dumating si Mrs. Lilly.

"Okay class makinig kayo meron tayong dance competition na gaganapin dito mismo sa school at lahat ng sasali exempted na sa exam." anunsyo ni Mrs. Lilly.

"Sayaw? Naloko na parehong kaliwa ang paa ko." bulong ni Stephanie.

"Sasali ako pero gusto kong partner si Stephanie." seryosong sabe ni Kishimoto.

"Ayokong sumayaw." sagot agad ni Stephanie.

"Sasayaw tayo sa ayaw at sa gusto mo." sabe ni Kishimoto.

"Yieeeee sige na Stephanie pagbigyan mo na minsan lang yan makipag participate." kinikilig na sabat ni Kitty.

"May binabalak nanaman to. Nakakainis talaga." bulong ni Stephanie habang nakatingin kay Kishimoto.

𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐁𝐘 𝐋𝐎𝐕𝐄Where stories live. Discover now