"Step sigurado kaba na sa TOYOTAMA ka mag aaral? Balita ko kasi marami daw gago dun lalo na yung player na si Minami at Kishimoto....
"Faith alam mo naman kung bakit kailangan ko mag aral sa TOYOTAMA di ba. Ayoko sana umalis sa AIWA kaya lang nalipat kasi ang trabaho ni papa sa OSAKA kaya kailangan kong mag transfer." paliwanag nya.
"Kung sabagay pero mag iingat ka parin kay Minami lalo na kay Kishimoto walang puso ang mga yun lalo na sa mga babae." sabe na lang ni Faith.
"Oo mag iingat ako sa kanila."
Nagpaalam na sya kay Faith dahil ngayong araw sya papasok sa TOYOTAMA. Pagbaba palang nya namangha agad sya sa laki ng school.
"Wow ang laki ng school nila kumpara sa school namin pero malaki din naman ang school namin di nga lang kasing laki nito." sabe nya habang nakatingin sa paligid.
Hindi nya alam kung sino ang tatanungin nya kung saan ang section A-3 dahil yun ang section nya. Wala naman syang makitang babae kaya sa lalaki sya nag tanong.
"Hi pwede mag tanong....
Kinabahan pa sya dahil mukhang masungit ang itsura ng lalaking napagtanungan nya. Napatingin naman si Kishimoto sa babaeng lumapit sa kanya.
"Pasensya kana bago lang kasi ako dito at hindi ko alam kung saan ang section A-3."
"A-3 ang section mo? Alam mo bang A-3 ang section ko miss."
"Talaga? Kung ganun magka classmate pala tayo nakakatuwa naman."
"Hindi nakakatuwa yun." pagsusungit ni Kishimoto.
"Ganun ba. Ahhm kilala mo ba si Kishimoto? Ang sabe kasi ng friend ko mag ingat daw ako sa kanya dahil masama daw ang ugali ng lalaking yun pati yung Minami....
Natawa tuloy si Kishimoto dahil hindi alam ni Stephanie na ang lalaking kaharap at kausap nya ay walang iba kundi si Kishimoto.
"Bakit ka natawa?" tanong ni Stephanie.
"Ano pang sinabe ng kaibigan mo tungkol dun kay Kishimoto at Minami?" tanong ni Kishimoto
"Gago daw ang dalawang yun at nambubully kaya mag ingat daw ako. Ang sabe pa ng friend ko wala daw puso ang dalawang yun." kwento nya at lalong natawa si Kishimoto.
"Alam mo miss kilala ko si Minami at lalong kilala ko si Kishimoto pero hindi sila ganun kasama tulad ng sinasabe ng kaibigan mo. By the way I'm Minori Kishimoto."
Hindi agad nakapag salita si Stephanie dahil hindi sya makapaniwala na ang lalaking kaharap nya ay si Kishimoto pala.
"I'm sorry binabawi ko ang lahat ng sinabe ko. Patawarin mo ko." hinging paumanhin ni Steph.
"Hay ang mga babae talaga ang hilig mag sorry. Sa susunod wag nyo kami pag usapan ng kaibigan mo lalo na kundi nyo pa kami kilalang lubusan." seryosong sabe ni Kishimoto saka umalis at iniwan si Stephanie.
"Sorry talaga."
Hindi naman nahirapan si Stephanie na mahanap ang section nya kaya pumasok na sya pero nagtaka sya ng makita si Kishimoto sa likod na natutulog.
"Magka classmate nga pala kami." bulong nya saka humanap ng mauupuan.
Dahil wala ng bakante sa harap naupo sya sa likod katabi ni Kishimoto.
"Ano ba naman tong lalaking to ang lakas mag hilik ginawang bahay ang school." bulong nya habang nakatingin kay Kishimoto.
"Kung gusto mo pa mag tagal ang buhay mo wag mo syang pakikialaman." bungad ni Mika.
"Ako nga pala si Mika at ito naman si Ley ang class president natin."
"Ako namam si Stephanie nice meeting you Ley and Mika."
Bumalik sila Ley at Mika sa upuan nila kaya wala na syang kausap. Hindi nya tuloy maiwasan tignan si Kishimoto dahil sa mga sinabe nya kanina.
"Bakit mo ko tinitignan miss?....
Nagulat pa sya ng makitang naka dilat na pala si Kishimoto.
"Hah may lamok kasi yung pisnge mo kanina. Naisip kong patayin kaya lang umalis na."
Hindi tuloy maiwasan ni Kishimoto na mapangiti dahil alam na alam nya kung nag sisinungaling ang babae o hindi.
"Hindi ka siguro tinuruan ng magulang mong magsinungaling halatang halata sayo." sabe ni Kishimoto at pumikit ulit.
Hindi nalang sya kumibo dahil wala na syang mukhang ihaharap pa kay Kishimoto dahil sa kahihiyang ginawa nya....
YOU ARE READING
𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐁𝐘 𝐋𝐎𝐕𝐄
FanficTarantado at gago ang tingin ni Stephanie kay Kishimoto dahil mula ng lumipat sya sa TOYOTAMA hindi na naging tahimik pa ang buhay nya. Alamin natin ang kwento ng buhay at pag ibig ng isang manlalaro na si Minori Kishimoto... ✍️ Started: December 3...