Naglalakad si Stephanie at nakasunod naman sa kanya sa likod si Kishimoto. Hindi nya maiwasan tumingin sa likod kaya naisip nyang kausapin ito.
"Akala ko ba magpapahinga kana. Bakit lumabas kapa?
"Ano bang pakialam mo. Maglakad kana...
"Pwede bang magpahatid sayo? Ang totoo natatakot akong maglakad mag isa kasi hindi naman talaga ako taga dito hindi ba nag transfer lang ako sa TOYOTAMA kaya di ko pa masyado alam ang daan pauwe....
"Pati pag uwe mo problema ko pa." sabe ni Kishimoto.
"Pasensya kana sige hindi na lang ako magpapahatid...
Naglakad ng mag isa si Stephanie at hindi nya nakitang may sasakyan kaya naman hinatak sya ni Kishimoto bago pa ito mabangga.
"Bulag kaba? Muntik kanang masagasaan....
Kitang kita ni Stephanie sa mukha ni Kishimoto na nag aalala ito sa kanya.
"Sorry hindi ko napansin. Teka may galos ka.
Agad na kinuha ni Stephanie sa bag nya ang first aid kit para gamutin ang galos ni Kishimoto.
"Hayaan mo kong gamutin ka dahil sakin napahamak ka. Sige na Kishi." pakiusap ni Stephanie.
Hindi na kumibo si Kishimoto at hinayaan nalang nyang gamutin sya ni Stephanie.
"Ayan okay na." ngiting sabe nya at nakita nyang nakatitig sa kanya si Kishimoto.
"Bakit?" tanong ni Steph.
"Wala." sagot ni Kishimoto saka biglang naglakad at iniwan si Stephanie.
Ipinasok na nya sa bag ang first aid kit at hinabol si Kishimoto.
"Kishimoto galit kaba?" tanong ni Steph.
"Sa buong buhay ko walang babaeng nag lakas ng loob na gamutin ako. Ikaw lang."
"Kung ganun galit ka sakin. I'm sorry ayoko lang kasi na mamaga yan kapag di naagapan." paliwanag ni Stephanie.
"Nung time na namatay ang kapatid ko hindi ko na makilala ang sarili ko. Walang araw na hindi ako nakikipag away mapababae o lalaki pa. Nawalan na rin ako ng ganang mag aral naging bulakbol ako at lahat ng tao na nasa paligid ko hindi ko pinagkakatiwalaan. Wala akong matinong kaibigan kahit si Minami ginagago rin ako pumapasok lang ako dahil sa basketball kasi yun ang pangarap ng kapatid ko na makita nya akong naglalaro kaya hindi ko maiwan ang basketball kasi kahit wala na sya gusto ko parin tuparin yung pangarap nya." kwento ni Kishimoto.
"Pwede mo kong pagtawanan pero wag mo kong kaawan. Naging matigas ang puso ko dahil yun ang pinaramdam sakin ng mga magulang ko. Lahat ng mura natanggap ko sa kanila mula ng mamatay ang kapatid ko kaya nga pinabayaan na nila ako. Gusto kong magalit sa kanila kasi hindi lang naman isa ang anak nila pero wala eh mas ginusto nilang iwan ako. Sana nga ako nalang yung nawala para hindi ko nararamdaman na nag iisa ako."
Yumuko si Kishimoto para maitago ang luhang pumapatak sa dalawa nyang mata.
Alam ni Stephanie na umiiyak ito pero hindi nya nalang ito tinanong.
Ilang minuto silang hindi nagkibuan hanggang sa makarating si Stephanie sa kanila.
"Kishimoto gusto mo bang pumasok mo na sa loob?"
"Hindi na. Uuwe na ako." tipid na sagot ni Kishimoto saka tumalikod.
"Bukas sabay tayong mag lunch kung okay lang sayo.
Napalingon tuloy si Kishimoto at tinignan si Stephanie.
"Ayaw mo?" tanong ni Steph.
"Sasabay lang akong maglunch sayo kung masarap ang luto mo." sabe ni Kishimoto saka tumalikod habang nakangiti.
"Good night Kishimoto. Dadalan kita ng masarap na lunch bukas." bulong ni Steph.
__________
Maagang nakarating ng school si Stephanie at tulad ng sabe nya kahapon nagdala sya ng lunch para sa kanilang dalawa ni Kishimoto sinigurado nyang masarap iyon dahil ayaw nyang mapahiya sa binata.
"Ang aga mo naman Stephanie?
"Good morning Mam. Ayoko po kasing malate." ngiting sagot ni Steph at ngumiti nalang ang teacher nya sa kanya.
Ilang oras din hinintay ni Stephanie si Kishimoto pero hindi ito pumasok hanggang sa nagsimula na ang klase. Naisip nyang baka dumiretso ito sa gym para mag practice.
Pagkatapos ng klase wala parin si Kishimoto hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na break time na nila.
"Sayang naman tong gawa ko hindi naman pala sya papasok." bulong ni Steph.
Dumiretso sa canteen si Stephanie para dun kumain ng lunch ng biglang may humawak ng kamay nya.
"Dun tayo sa rooftop kumain masyadong maraming tao rito..
"Kishi." Halos mapangiti si Steph ng makita ito.
Pumunta nga ang dalawa sa rooftop para dun kumain.
"Bakit di ka pumasok? Nag cutting kaba?
"May practice game kasi kami kanina sa ibang school kaya ngayon lang ako. Kung alam ko lang na kakain ka mag isa sana di na ako pumasok." pagsusungit ni Kishi at natawa naman si Steph.
"Sorry hindi kasi kita nakita kanina. Kishi para sayo niluto ko yan tikman mo sana nga magustuhan mo....
Binuksan ni Kishimoto ang lunch box na naglalaman ng ulam at kumuha sya saka ito tinikman.
"Masarap ba?" tanong ni Steph.
"Kung irarate ko to hanggang ten baka wala pa ito sa kalahati." biro ni Kishi at nalungkot naman si Steph dahil hindi pala ganun kasarap ang luto nya.
"Kung ganun di pala masarap? eh bakit kinakain mo pa? Di ba sabe mo kakain ka lang kapag masarap ang dala kong lunch.
"Ang totoo kung irarate ko to sa ten baka lumagpas ako sa sobrang sarap ng luto mo." seryosong sabe ni Kishimoto at inubos ang dalang lunch ni Steph.
Hindi tuloy maiwasan kiligin ni Stephanie dahil sa mga sinasabe sa kanya ni Kishimoto.
"Salamat Kishi...
"Bakit ka nagpapasalamat sakin hindi ba dapat ako ang magsabe nun kasi pinagluto mo ko. Salamat sa lunch. Masarap hindi lang masarap the best." puri ni Kishi saka ito tumayo.
Hindi lubusang akalain ni Steph na may itinatago rin palang kabaitan si Kishimo. Pagkatapos kumain sabay silang bumaba ng rooftop.
"Kishimoto humanda ka mamaya magdasal kana." banta ng ibang section kay Kishimoto at kinabahan naman si Steph.
"Sabihin nyo yan sa sarili nyo. Hindi ako natatakot kahit isama mo pa yung duwag mong mga kaibigan." sagot ni Kishimoto.
"Kishimoto pwede wag kana makipag away....
"Mauna kana." sabe nito at hindi naman nakinig si Steph.
"Makikipag away ka talaga sa mga yun? Ni hindi pa nga magaling yang galos mo sa braso eh.
"Bago ako pumunta rito binugbog na nila si Minami sa labas. Lima sila at isa lang si Minami hindi ko hahayaan na hindi ako makaganti sa mga yun...
"Paano kung mapano ka? Nag iisa ka lang din marami sila...
"Wag mong ipakitang concern ka sakin baka masanay ako." sabe ni Kishimoto saka ito umalis at iniwan si Steph.
Bumalik sya ng room habang nag aalala para kay Kishi. Gusto nyang sabihin na concern talaga sya dahil ayaw nyang mapahamak ito.
YOU ARE READING
𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐁𝐘 𝐋𝐎𝐕𝐄
FanfictionTarantado at gago ang tingin ni Stephanie kay Kishimoto dahil mula ng lumipat sya sa TOYOTAMA hindi na naging tahimik pa ang buhay nya. Alamin natin ang kwento ng buhay at pag ibig ng isang manlalaro na si Minori Kishimoto... ✍️ Started: December 3...