Araw ng linggo kaya naman walang pasok si Stephanie. Gusto sana nyang mamasyal kaya lang wala naman syang kasama.
"Nakakainip naman what if kung puntahan ko nalang si Jin sa KAINAN." sabe ni Steph habang nakapalumbaba.
Lumabas sya ng bahay para maglakad lakad nalang dahil ayaw rin naman nyang makaistorbo kay Jin dahil nalalapit na ang laro ng KAINAN sa SHOYO. Hindi pa sya nakakalayo ng makita nya si Kishi na nagpapalipad ng saranggola.
"Akala ko basketball lang ang nilalaro mo diko alam marunong ka palang magpalipad ng saranggola....
Napatingin naman si Kishi saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Bukod sa basketball paborito rin namin ng kapatid kong magpalipad ng saranggola. Gusto mong itry?" tanong ni Kishi.
"Pwede ba?" tanong naman ni Stephanie.
Hinawakan ni Kishi ang kamay ni Steph saka ito tinuruan.
"Pati ba kamay mo parehong kaliwa? Ayusin mo." pagsusungit ni Kishi.
"Binibitawan mo kasi agad ang kamay ko eh." sabe ni Steph.
"Gusto mo bang wag kong bitawan yan?" tanong ni Kishi habang nakatitig sa mga mata ni Steph.
"Ayoko na matuto." sabe nalang ni Steph saka lumayo kay Kishi.
"Kapag nanalo sa district tournament ang team namin hindi na ako maglalaro sa interhigh."
"Bakit?" tanong ni Steph.
"Dahil hindi na yun ang pangarap ko." sagot ni Kishi.
"Kung ganun ano ng pangarap mo?
"Mahalin mo......
"Kishi lasing kaba? Hindi naman pangarap yun."
"Para sayo siguro hindi pero para sakin pangarap yun na kahit kailan hinding hindi ko maaabot."
"Seryoso kaba sa sinasabe mo?" tanong ni Steph.
"Hindi pa ako nagseryoso kahit kailan pero pagdating sayo oo." sagot ni Kishi at kinilig naman si Steph.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko pero masaya ako na marinig yan mula sayo."
Nagulat sya ng hawakan ni Kishi ang kamay nya.
"Kishi...
"Wag mo kong bitawan Stephanie kasi kapag bumitaw ka masasaktan ako." pakiusap ni Kishi saka naglakad habang hawak ang kamay ni Stephanie.
Napangiti nalang tuloy sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Kishi.
YOU ARE READING
𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐁𝐘 𝐋𝐎𝐕𝐄
FanfictionTarantado at gago ang tingin ni Stephanie kay Kishimoto dahil mula ng lumipat sya sa TOYOTAMA hindi na naging tahimik pa ang buhay nya. Alamin natin ang kwento ng buhay at pag ibig ng isang manlalaro na si Minori Kishimoto... ✍️ Started: December 3...