Episode 2.1 Diyaryo

95 4 2
                                    

Sa kalalakad ni Klay ay napadpad siya sa simbahan.

"Ate! Ate! Ate! Sandali lang ah! Sorry, naligaw yata ako eh. Saan iyong PLM?" Ani Klay.

"Paumanhin binibini ngunit ano iyong...ano itong P...P...PLM?" Ani isang babae.

"PLM! Pamantasan ng Lungsod ng Maynila." Ani Klay na tumingin pa sa dalawang gwardiya sibil at sa lalaking sumasakay pa sa kalesa.

"Pamantasan? Paumanhin ngunit...ano po iyon?"

"Hindi niyo alam! School iyon? Ah kilalang university. Unibersidad! Sikat na unibersidad dito iyon. Teka lang ano ba talagang nangyayari parang lahat kayo sinapian."

"Ipagpaumanhin niyo na po ngunit ngayon ko lamang po kasi narining ang ngalan na tinutukoy ninyo."

"Weh! Diyaryo iyan te? Pwede patingin."

"Maari ngunit huwag niyo lamang pong gugusutin at baka ako po'y pagalitan ng aking senyor."

"Oh sige sige. Ah ayon. 11 De Mayo 1884? Ang luma naman ng diyaryo mo te!" Ani Klay na gulat na gulat pa at binabaliktad pa niya ito para hanapin ang petsa.

"Hindi binibini ngayon po ay nasa ikalabing isa ng Mayo taong labing walo't walumpo't apat nga po."

"Labing walo't walumpo't apat, 1884...84...1884 nga diba? Hay! Hindi tayo nagkakaintindihan ate. Ang lakas kasi ng trip mo eh. Sige thank you na lang ha!" Ani Klay at akmang aalis na naguguluhan na talaga.

"Señorita, ¿es usted una chica contratada?" Ani isang lalake.
Translation: (Binibini, isa ka bang babaeng bayaran?)

"¿Pagar?"
Translation: (Bayaran?)

"Halika at sumama ka sa akin."

"Pakiusap mga ginoo huwag niyo siyang gagambalain." Ani ng isang babaeng kausap ni Klay kanina.

"¡Ah, vete! ¡Mujer de bajo valor! Señorita, ¿es usted una chica contratada? Halika ka sumama ka." Ani ng isa pang lalaki na kasama ng isang lalake kanina na pagkatapos kausapin ang babaeng may diyaryo ay kinausap niya din si Klay.
Translation: (Ah lumayas ka! Babaeng mababa ang halaga! Binibini, isa ka bang babaeng bayaran?)

"Hay!" Ani Klay habang aalis na at malapit na siya sagasaan ng kabayo, ang kampana ng simbahan ay tumunog habang siya ay nagpalinga linga sa kaniyang paligid na parang nababaliw sa mga nakikita niya sa mga kasuotan nito at tinanaw niya rin ang kaniyang damit na ibang iba sa kanila, mayroong nagtitinda buhat ang isang nigo sa kaniyang ulo at mayroong isang babaeng may kwentas pa na parang ID.

FLASHBACK...

Kinuha ni Mr. Torres ang kaniyang suit case na may lamang libro.

END OF FLASHBACK...

Si Klay na tumitingin sa paligid at nag iisip sa mga nangyayari.

FLASHBACK...

"Ito ang basahin mo may matututunan ka sa bersiyong ito lalo pa't dadalhin ka ng librong ito sa mundo na ikinatha ni Jose Rizal ng matututunan mo ang buong kasaysayan. Ms. Infantes, kailangan malaman mo ang nakaraan ang kasaysayan." Ani Mr. Torres.

Gabing gabi na pero babasa pa rin ng libro si Klay habang umuupo sa mesa at kumain na rin ng snack siya ay humihikab animong antok na antok na. Sinikap niyang magbasa pero nakatulog pa din siya at may isang alitaptap na dumating sa kaniyang harapan. Habang hawak hawak ang libro siya ay nakatulog at nahulog ito sa sahig.

END OF FLASHBACK...

Abala pa rin si Klay sa paglilibot tanaw sa paligid.

FLASHBACK..

"...tatay mo si Kapitan Tiago. ...nasaan si Crisostomo Ibarra?" Ani Klay.

"At kilala mo ang aking nobyo? Paano kayo nagkakilala?" Ani Maria Clara sa seryosong pananalita.

"...ngayon po ay nasa ikalabing isa ng Mayo taong labing walo't walumpo't apat nga po." Ani isang babaeng may dalang diyaryo.

END OF FLASHBACK...

Si Klay ay patuloy sa pagtingin sa paligid nasilayan niya rin ang babaeng kausap niya kanina at parang siya'y nahihilo na at napahawak pa sa kaniyang ulo at tuluyang nahimatay.

"Tulong! Saklolo!" Ani ng babaeng kausap ni Klay kanina at pinuntahan niya ito at nakita rin ito ni Madre Escucha na may kasamang kasambahay.

-ssiella

Maria Clara at IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon