Episode 8.3 Nobyo

32 1 0
                                    

"AT sino ka Santiago para magpasya sa buhay ni Maria Clara ha na hindi ka nagsasangguni sa akin." Ani Padre Damaso na palakad lakad.

"Paumanhin po Padre! Iniisip ko po kasi iyong kalusugan ng anak ko eh kaya...kaya nais ko po muna siyang magbakasyon sa San Diego." Ani Kapitan Tiago nang nakaupo.

"O! Doon sa bayan ng kaniyang nobyo! At para saan? Para mas lalo silang magkalapit ni Crisostomo Ibarra. Hehe. Asan na nga pala iyon ha? Nasaan iyan lalaking iyan? Huwag mo sabihing sa aking nagpunta na rin siya sa San Diego."

"Ah...ah...ah...nandito pa po siya sa Maynila. Ang sabi niya po sa akin ay...ah marami pa daw siyang aasikasuhin dito kaya...kaya ang lakas po ng loob ko na pagbakosyonin ko muna ang anak ko sa San Diego." Ani Kapitan Tiago na nenenerbyos.

"Realmente bueno. Alam kong nag-iisip ka rin Tiago."
Translation: (Mabuting mabuti.)

"Ngunit Padre, nasubaybayan ko po ang paglaki ni Crisostomo mabait po siyang bata kaya pakiusap po. Huwag niyo po sana siyang idamay ang galit niyo sa kaniyang ama. At isa pa po mahal na mahal po siya ng inaanak ninyo. At ayaw ko pong masaktan ang damdamin ni Maria Clara."

"Mas lalo lang siyang masasaktan kung magkakatuluyan sila."

-ssiella

Maria Clara at IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon