Episode 9.5 Galang

19 1 0
                                    

"OH may panauhin!" Ani ng isang lalake ng buksan ni Mang Adong ang malaking gate.

"Narito na tayo sa aming tahanan Ms. Klay." Ani Ibarra at bumaba sa kalesa.

"Diba't ang binatang ay si..." Ani ng isa pang lalaki na nagtuturo pa.

"Senyor Crisostomo Ibarra." Ani Mang Adong.

"Uy!" Ani ng lalaking nagturo at kinuha ang kaniyang sumbrero na pangsaka at inilagay sa dibdib upang magbigay galang sa dumating.

"Magandang araw po senyor!"

"Maganda araw din sa inyo Mang Adong! Maraming salamat at maganda araw din sa inyo." Ani Ibarra na humawak pa sa kabayo kani kanina lang at nasa likod lang niya sina Klay at Fidel at ang unang lalaking nagsalita ay itinapat din niya ang kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib.

"Batid po namin sa tagal tagal ng panahon ay saradong sarado po ang inyong kabahayan." Ani ng lalaking nagturo kanina.

"Mula po noong mamatay ang inyong ama paminsan minsan na lang po kami dumadalaw sa inyong bahay. Kami po'y nag alala kasi baka po mapag initan kami ng mga kaaway ng inyong ama." Ani Mang Adong at may dalawang babae ang napadaan at nagbigay galang din.

"Tulungan na po namin kayo." Ani ng unang lalaking nagsalita kanina na lumapit pa.

"Huwag na nakakahiya naman sa inyo!" Ani Ibarra.

"Wala po dapat kayong ikahiya kahit ito man lang po makabawi kami sa kabutihan po ng inyong ama sa amin." Ani ng lalaking nagturo kanina.

"Napakabuti ninyo ngunit hayaan niyo na kami sapat na sa aming malaman na sa kabila ng lahat ng nangyari ay marami pa ring nagmamahal sa aking ama."

"Hindi po magbabago ang aming pag galang at mabuting pagtingin kay Don Rafael kahit na binansagan siyang erehe at filibustero." Ani ng lalaking nasa gitna ng dalawang lalaking nagsasalita kanina.

"Tumahimik ka at makarating ito sa mga prayle." Ani ng unang lalaki at siniko ng marahan ang nasa gitnang lalaki.

"Madamay pa kami sa inyo. Maari bang bumalik na kayo sa inyong mga ginagawa." Ani Fidel na nagsusungit.

"Paumanhin ho! Tawagin niyo lang po kami kapag kailangan niyo po ng tulong senyor." Ani ng lalaking nagturo kanina at isinuot na ang kaniyang sumbrero at ang unang lalaki ay nagbuhat na ng panggatong.

"Maraming salamat." Ani Ibarra at umalis na ang tatlong lalaki.

"Ah senyor!" Ani Mang Adong na nanguna sa paglalakad patungong bahay ni Crisostomo Ibarra at sumunod sila Crisostomo Ibarra, Klay at Fidel at iba na ang nagmamaneho ng kalesa papasok sa malaking gate na iyon.

-ssiella

Maria Clara at IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon