Minju's Pov
Para akong timang na nagtatago ngayon sa likod ng bleachers dito sa Gym ng University namin, Kung bakit ba kasi na late ako ng gising eh.
Sana talaga hindi ako mahuli ni kuyang guard na rumoronda ngayon, halos pigilin ko na din nga ang pag-hinga ko sa kaba nang medyo lumapit s'ya kung saan ako nagtatago.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita 'kong naglakad na ito palabas, dahan dahan naman akong lumabas sa pinagtataguan ko at umupo na.
Damn it, paniguradong lagot na naman ako nito sa prof namin pati narin sa sermon mula sa ate ko pag-uwi ko. Alam pa man din lahat ng nangyayari saakin dito, kesyo may mga mata raw s'ya rito kaya umayos daw ako.
"Ayos ka din 'no—shit!"
Balak ko pa lang na tumili sa gulat nang takpan ng babaeng 'to ang bibig ko, nalunok ko tuloy yung sigaw pabalik.
Naalala ko na hindi nga pala ako nag-iisa dito, Kung bakit ba kasi sa dami ng pwedeng tulugan at tambayan dito na naman ang isang 'to napili yet I'm also glad kasi 'di ako nag-iisa dito.
"Dang, You nearly put us in trouble!" Inis pa nitong bulong saakin.
Tinapik ko naman ang kamay na senyales na tanggalin na nya yun at hindi na ako makalanghap ng oxygen sa laki ng kamay nya.
"Kasalanan mo din naman kung nagkataon, bigla bigla ka kasing nasulpot." saad ko naman nang tanggalin niya yung kamay nya.
"Malay ko bang ang hilig mo sa kape at ang dali mong magulat."
"'Di na nga ako nakasigaw eh, bilis din ng kamay mo, 'no?" Sabay irap ko pa at hinalungkat yung bag ko para kumuha ng wipes at punasan yung bibig ko.
"Arte naman nito, baka nga mas malinis pa kamay ko kesa dyan sa bibig mo eh. Kailangan ko na din siguro mag pa turok ng anti-rabis dahil sa laway mo—panis pa nga ata to eh—Aray!" Kurutin ko nga, akala mo naman hindi sya maarte.
"Tigil-tigilan mo ako, ang aga-aga eh."
"Anong maaga, eh nalate ka nga." Sinamaan ko naman sya ng tingin sa sinabi nya.
"At least ako na late lang, ikaw nga puro ka cutting classes." Nagkibit-balikat lang naman sya at humiga sa dito sa bench.
Hindi ko talaga gets kung anong trip niya at kung hindi cutting classes eh napapalabas sya ng classroom madalas dahil puro tulog daw inaatupag.
However, kahit na ganoon ay hindi nila magawang maibagsak si Chaeyeon dahil sa talino nya. Pangalawa kasi sa sya pinaka matalino sa buong school, just a step behind Kim Chaewon (Her cousin and Rank rival).
"Nasabi ko na ba sayo dati na ang astig mo sa part na kahit puro tulog ka eh na maintain mo ang posisyon mo sa ranking and yung pagiging part mo ng Elite class?"
"Yeah, since freshmen years natin." Sagot naman niya habang nakapit. "And pang 998 times mo ngayon." Dagdag pa nya.
"Bakit bilang mo?"
"Probably because you reiterate yourself like a broken record," Walang gana nitong tugon na ikinataas ng kilay ko.
'Eh? seryoso ba?'
"Wag mo ng itanong sa sarili mo, mukha kang tanga dyan."
Minsan talaga ang sarap manakit ng kaibigan, 'no?
Inirapan ko lang sya at kinuha na lamang ang cellphone ko para libangin ang sarili ko dahil kapag kinausap ko pa nag isang to sa tabi ko eh maubos lang pasensya ko.