Sakura's Pov
isang linggo makalipas magmula noong nagkausap kami ni Chaewon. Hanggang ngayon ay patuloy paring tumatakbo sa isipan ko yung mga payo at sinabi niya na parang sirang plaka.
Mas napadalas din ang pagiging missing in action ni Chaeyeon dahil do'n sa batang babae na kung makadikit eh kala mo mightybond.
Konti na lang din talaga eh iispin ko ng pinaglihi sa aso yun na lagi nalang sunod nang sunod kung nasaan si Chaeyeon.
Eto namang babaeng to gusto rin na may laging buntot nang buntot sa kaniya, pansin ko rin ang maaliwalas n'yang mukha sa tuwing sumasama saamin o sumasabay ang batang babaeng yun sa pagkain namin.
Hindi naman ako nainfrom na bukod pala kay Yujin eh may isa pang mukhang aso—I mean parang aso, my bad.
Kakatapos ko lang magpasa ng mga dokumento na ipinasuyo saakin ng guro namin papuntang faculty nila.
Naglalakad na ako pabalik nang makita ko yung dalawang tao na lagi na lang pinapainit ang dugo ko these past few weeks.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa nakakasukang nakikita ko, yung Yema? Mema? Emma?
basta kung sino man siya na nagkanguso na halata mo namang nagpapacute kay Chaeyeon at nakakalawit pa yung braso niya.
Tanghaling tapat pinapakulo niya ang dugo ko, hindi ako papayag na ako lang ang naiiyamot dito aba.
Taas noo akong nagkalad papunta sa kinaroroonan nila at sinadya ko talagang dumaan sa gitna nila para matanggal yung higad sa braso ni Chaeyeon.
"Ouch!"
"Oopps, sorry (hell I'm really not) may tao pala." Pagpapaumanhin ko at nilingon si Chaeyeon na matalim na nakatingin saakin.
"Anong trip mo—"
"Trip kita," Natigilan naman sya ng ilang segundo, "Hindi ko naman talaga sinasadya na dumaan, hallway kasi 'to kaya gusto kong mag ice skating minsan."
Hindi na naman ako nag abalang kausapin pa siya at nilingon na lang ang babaeng 'to na salubong ang kilay na pangit naman ng shade at 'di pa pantay.
"Pasensya na talaga at 'di kita napansin kanina, but then, bumping to you makes me now aware of your existence." na hindi lang pala sa hardin o puno nakikita ang higad, "So, I guess I should be more cautious the next time." dagdag ko pa
bago pa man ako tuluyang maglakad palayo ay nilingon ko si Chaeyeon at ipana-alalahanan.
"Keep your distance from a beautiful, cute, and fluffy thing; some may have once been a hairy caterpillar with stinging spines." Sabay ngiti ko pa rito nang pag katamis-tamis.
I've had enough of their lovey-dovey shits, oras na para kunin ko kung ano ang akin.
"Saan ka na naman galing?"
Tanong ng babaeng kasalubong ko na para bang hindi na naman maganda ang mood tulad ng saakin.
"Hindi ko alam na may nanay pala ako rito." Pag iiba ko naman ng sagot na nagpasimangot sa kaniya. "Biro lang, wala diyan-diyan lang, may nadaanan pa nga akong higad na nakadikit sa magandang bulaklak kanina sa hallway."
"...Paano nagkabulaklak sa hallway?"
"Hindi ka rin ba nagtataka kung paano nagkahigad sa bulaklak?" Matagal niya akong pinagmasadan bago ito nangiti at nailing bago pumunta sa gilid ko at inakbayan ako.
"Anong ginawa mo doon sa higad, ate?"
"Pinitik ko lang naman, kaso nga lang eh hindi tumalsik eh sayang." Natawa lang naman siya.