She's Dense (2Kim/ Chaekkura) pt.2

109 7 9
                                    

Third person's Pov

Mga notebooks na nagkalat, librong mga nakabukas at ang palitan ng sigawan ang madatdatnan sa salas ng Bahay ni Chaewon. Pareho siya at ang ka argumento niyang nakatayo at patuloy na nagdedebate, kahit na pumagitna na si Sakura para mapatigil ang dalawa ay wala paring epekto.

Ang isa pang babae naman ay prenteng nakahiga lamang sa sofa at blankong nakatingin lang sa munting kaguluhan sa harapan niya.

"Puwede ba kung may problema ka saakin eh ihiwalay mo sa ginagawa natin ngayon? ganyan ka ba talaga ka unprofessional?!" 

"Hoy para sabihin ko sa'yo hindi ka kaimportante para problemahin ko, ikaw 'tong nagbibigay ng opinyon na wala namang sense!"
Sagot naman pabalik ni Chaewon sa mas nakababatang dalaga sa kaniya.

"Oh c'mon, ang sabihin mo hindi mo lang matanggap na mas maganda ang mga ideya ko kesa dyan sa patapon mong opinyon!"

Dahil nga nasa iisang section lang naman sila ay nagkaroon ng isang groupings para sa project nila na isa sa mga kailangan bago sila makapag exam. Unfotunately for them eh sila ang pinagsama-sama ng Kanilang guro, alam na nilang hindi ito magiging madali dahil nga sa mga alitan nila.

"Oh please, can't you both stop this already? Mas lalo lang tayong walang matatapos nito eh." Pagpapahinahon ni Sakura sa kanila.

"Wala nga, ni hindi pa nga tayo nakakapagsimula." Walang gana namang sabi ni Chaeyeon na ngayon ay hawak hawak ang isa sa mga libro.

"Pano nga tayo makakapagsimula kung ang isang 'to eh walang ginawa kundi ang laitin ang mga possible ideas na pwede nating gawin." Singhal ni Minju at itinuro pa ang nakakatandang babae sa tabi niya na ngayon ay lalong sumama ang tingin sa kaniya.

"Ah, masama na bang magbigay ng opinyon ngayon? at ang common na naman niyang ideya mo."

"Aba't—"

"Hep! that's enough, utang na loob tigilan nyo na 'yan."
Pigil ni Sakura nang makitang balak pa lang ulit ni Minju sumagot. "Nauubos ang oras natin sa pag-aaway ninyo, can't you two really stand each other at least for this project na pareho din naman ninyong mapapakinabangan?"

Natahimik lang naman ang dalawa at parehas na umismid bago naupo ulit sa dati nilang puwesto. Nakahinga naman ng maluwag kahit papaano ang nakakatandang dalaga sa ginawa ng dalawa at naupo na rin malapit kay Chaeyeon na kanina pa wala masyadong imik at parang may sariling mundo.

"Listen, mag-isip pa tayo ng mga ideya at sana naman wala ng maging argumento, respetuhin nyo na din ang bawat isa. Need din natin ng teamwork at openness ng isa't isa if we truly want this project to work and be done quickly,"

Nagsimula na naman sila ulit at sa wakas ay naging maayos naman ang muli nilang paguusap usap patungkol sa mga gagawin nila sa proyekto. Inabot ito ng higit sa limang oras bago nila na settle lahat at ngayon ay naghahanda na ang iba para umuwi.

"Hoy, ihatid mo si ate Sakura." Utos naman ni Chaewon sa pinsan nito na ngayon ay nakakunot-noong nakatingin sa kaniya. "Gabi na, delikado siyang magbyahe na mag-isa." Dagdag pa nito.

"Ano ka ba Chaewon kaya ko na naman ang sarili ko, hindi na ako kailangan pang ihatid ni Chaeyeon at baka may iba pa siyang pupuntahan."

"Pero Ate—"

"Bakit hindi ikaw ang maghatid?" Wala pakialam na tugon ng kanyang pinsan at nagsimula na naglakad palabas sa gate.

Naiwan naman ang tatlo na nakatayo sa harap ng pinto ng bahay ni Chaewon at pinagmasdan ang paglayo ng babae.

"Problema na naman nun?" 

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ate?" maingat na pagtatanong ni Minju sa nakakatandang dalaga.

"Yeah, kasalanan ko din naman kung bakit ganoon na lang ang galit niya saakin."

"T-teka, ikaw yung niligawan niyang binasted sya?" takang tanong ni Chaewon na ikinangiti ni Sakura nang mapait.

"Wait, you are also aware of their past?"

 "Hindi ba halata? but then wala akong ideya na ikaw pala iyon, ate."

Umakbay naman si Minju sa haponesa na dahilan ng pagsasalubong ng kilay ni Chaewon.

"Hindi naman 'yon galit sayo," Pagpapagaang loob niyang sabi kay Sakura na ipinagtaka nito.

"What do you mean?"

"Kailangan mo pa bang umakbay habang sinasabi 'yan?"
May halong inis na saad ni Chaewon.

'Ano na namang probelam nito saakin? at saka ano naman sa kaniya kung akbayan ko si Ate Sakura eh kaibigan ko din naman 'to.' Isip pa ni Minju.

"Wala kang paki, at mabalik tayo sayo ate, trust me walang sama ng loob ang bestfriend ko sa'yo."

2kim and Kkuchaen shotsWhere stories live. Discover now