Ako nga pala si Erica V. de Vera. 15, 3rd year high school dito sa St. Lawrence's High School. It's been eight years nang pumunta kami sa Canada. Doon kasi nagtatrabaho si Papa kaya he decided na ipunta nalang kami doon. Now, nandito na kami ulit sa Pilipinas kasi tapos na ang kontrata ni Papa sa Canada.
Bumalik kami dito nang 3rd grading na sa school, kaya nagtataka ang ibang students kung bakit para akong ignoranteng nawawala sa school sa gitna na ng grading period.
Ang dami daming pagbabago ang nagyari dito. Siguro, ganun lang talaga ako katagal nawala kaya maraming pagbabago. Medyo nakalimutan ko na rin kung saan ang mga magagandang lugar dito. Sobrang namiss ko ang Pilipinas. I can't wait talaga na pasukin ang mga bagay dito. I wanted to know more things here. Napaka anxious ko.
Marami akong plans ngayon nang nakabalik kami ng Pilipinas. I need to fit in every standards dito. Kailangan kong baguhin ang mga bagay na nakasanayan ko na sa Canada. Kailangan kong makibagay sa mga uso dito, para hindi ako nalagpasan ng panahon. Kailangan kong maging more knowledgable sa mga bagay na na-skip ko those past years. At kailangan kong hanapin yung lalaking pinangakuan ko na babalik ako. Yung lalaking hinding hindi ko kinalimutan. Yung lalaking binigyan ako ng halaga kahit bata pa kami nun. Yung lalaking effortless kung pasayahin ako. Yung lalaking alam kong hindi makakalimutan ang promise namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Lost Promise
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang nawalang pangakong patuloy na hinahanap. Totoo nga ba na ang isang pangako ay natutupad? O ang isang pangako nga ba ay talagang napapako? Ito ang buhay ni Erica, isang babaeng hopeless na patuloy hinahap ang true...