BBF (BoyBestFriend)

38 1 0
                                    

Erica's POV:

30 minutes nalang uwian na. Gusto ko ng lumabas ng classroom. Walang magawa dito. Hindi pa naman nag uumpisa ang 4th grading. Nagchecheck palang sila ng mga test papers ng mga classmates ko.

Sa sobrang boring, napakanta ako.

~I'm still held captive by your smile, don't you think we deserve another try~~

*clap clap. Napalingon ako sa tabi ko, kay Mark. Natatawa ako kasi tinitignan niya pala ako. Narinig niya pa pagkanta ko.

"Wow. Galing. Magaling daw. Hahaha." pabiro niyang sinabi tapos biglang nag bell.

Agad agad siyang hinila ni Joseph, classmate namin. Ang bilis nila. Habang hinihila ni Joseph si Mark, nag wave ng kamay si Mark meaning na nagpapaalam. Ngitian ko nalang siya. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Bea.

Bea! Tara sabay na tayo.

Sige.

Inayos ko ang gamit ko at sabay na kaming lumabas ng room. Bakit parang medyo makungkot si Bea? Siguro nung tinanong ko yung kay MJ, nakapa curious ko nung araw na yun eh. I should not talk about MJ right now.

Kamusta na Bea?

"Okay lang." sagot niya with pilit na ngiti.

Natahimik ako. Nahihiya akong magsalita ng magsalita, baka kasi badtrip siya. Wala lang yata talaga siya sa mood ngayon.

Habang naglalakad kami ni Bea sa campus, nakita ko si Mark sa stage na nagpiapiano. Ang galing galing niya. Napahinto ako sa sobrang amaze. Kitang kita ko sa mga mata ng mga bata na bilib na bilib sila. Kitang kita ko na maraming babaeng nagtitilian sa kanya. Kitang kita sa mga mata ng mga babaeng iyon na inlove na inlove sila. Narealize ko na may dating din pala ang mga pianist or baka gwapo lang talaga si Mark kaya nabubuhat niya.

Nastuck ako sa kinatatayuan ko. Para akong nag freeze. Tumingin si Mark sa akin at nginitian ako habang patuloy sa pagpiano. Nginitian ko siya at pinansin ko ang paligid ko, nagsisi-tinginan ang mga tao sa akin, yung mga bata ay biglang napatingin sa akin, yung mga babae ay bigla akong pinag-usapan at..at.. wala na si Bea!

Sa sobrang amaze ko kay Mark, hindi ko na napansin si Bea. Lagot! Baka magagalit yun. Wala pa naman siya sa mood, halata eh.

Bea.. Nasan ka na? Bea..

Hanap ako ng hanap kay Bea sa campus pero hindi ko siya makita. Biglang may kumalabit sa akin, si Mark.

"Oh, hilong hilo na akong sayo ah. Sino bang hinahanap mo?" tanong niya.

Mark! tapos na kayo? Hinahanap ko? Si Bea. Nakita mo siya?

"Yup tapos na. Bea? Yung classmate natin? Haha. Oo nga pala, sorry, di kami close. Nakita ko siya kanina sa tabi mo nung nag piapiano ako, tapos habang nakatingin ka sakin, bigla siyang umalis." sagot niya.

Ganun ba. Kakausapin ko nalang siya bukas. Umuwi na siguro yun. medyo malungkot kong tono.

"Tara Erica." agad niya akong hinila palabas ng school.

Nagtataka ako kung bakit gusto niya akong sumakay sa kotse niya. Pinilit niya ako.

Saan mo ako dadalhin? kinakabahan ako.

"Relax ka lang." kalmadong tono ni Mark.

Mukha namang harmless si Mark, pero bakit ako natatakot. Saan niya ako dadalhin? Baka masama siya? Malamang hindi. Inhale.. Exhale.. Mabait si Mark.. Mabait si Mark.. Maba..

"Erica! Magulo yata isip mo? Kanina kapa galaw ng galaw dyan ah. Relax ka lang." sabi ni Mark habang nagdadrive.

Nakapikit ako at pagkamulat ng mata ko, nasa parking lot na kami ng SM. Pheeww. Sa mall lang pala hindi pa sabihin. Kinabahan ako ah. Akala ko kung saan na. So what's the plan?

"Punta tayo sa arcade. Let's play. Have some fun. Tara!" yaya sa akin ni Mark.

Wearing our uniforms, we played. Nagsaya kami sa arcade. Kung ano ano ang nilaro namin. Bawat minuto ay hindi namin sinayang. Hindi nawala sa mukha namin ang mga ngiti. Halatang halata na na eenjoy namin ang bawat moments. May asaran man, still, we are happy. We looked so innocents. Ngayon ko lang nakita si Mark na ganito sobrang kasaya. Ngayon niya lang din yata ako nakitang ganito. It brings me back to childhood memories.

I remember the last time na naramdaman ko to. I'm with MJ. Hindi ko talaga makalimutan yun. Yun yung mga times na pinakamasaya ako. Nung nasa Canada ako, hindi ko ito naramdaman. Wala kasi akong masiadong naging kaibigan nun eh. Ang weird isipin na yung akala mong siya lang yung kayang pasayahin ka, kaya din pala ng ibang tao. Pero stick parin ako sa sinabi ko, 'I will never give up, MJ.'

***

Habang nasa food court kami ni Mark, nagmemeryenda after naming naglaro, he managed na kuhanan ako ng tubig.

"Nakalimutan ko, kukuha muna ako ng tubig natin. Dyan ka lang. I'll be back." he said with a smile.

Patuloy ako sa pagkain ng biglang..

"Kayo ba ni Mark? Duh! Hindi kayo bagay."

"Baguhan ka lang, don't you dare na lumapit ulit sa kanya."

"Hindi gusto ni Mark ang mga katulad mo kaya umalis ka nalang."

Yan! Yan ang sabi ng mga tatlong babaeng strangers. Schoolmates ko sila kasi naka uniform din sila and wearing SLHS I.D. Gusto ko sanang pumatol pero nasa harap ako ng pagkain, I should have manners at hindi ako nakikipag-away. Masiyado na yata kaming naging close ni Mark. Hindi naman pwedeng layuan siya kasi nagpakita siya ng kabaitan sa akin. Basta, hinding hindi na ako papatol.

I continued eating pero hindi parin sila tumigil. Pinagsisigawan na nila ako. Nakatingin na ang mga tao sa amin. Kulong kulo na ang dugo ko. Tumigil ako sa pagkain. Pinag uusapan na kami ng mga tao. Nakayuko parin ako facing my food. Pinikit ko ang mga mata ko. Yung pikit na pikit. Nagwish ako sa isip ko..Please stop..stop..stop. Tinakpan ko ang tenga ko. Stop..please..please.. Gulong gulo na ang panloob kong emosyon, kulong kulo na ako.. Ayoko na! >.< tulungan niyo ako!

"LAYUAN NIYO ANG BESTFRIEND KO!" shouted Mark to the three girls.

Lost PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon